Chapter Fourty-Three

5.1K 117 9
                                    

Home

Hindi ako nakatulog magdamag. Dilat na dilat ang aking mata at malalim na nag-iisip. May posibilidad bang kami pa rin hanggang ngayon kung hindi ba ako naniwala kay Zara?

Siguro, Oo. Siguro rin, Hindi.

I wiped the shred that is on my cheek. Sana pagbalik ko, mapatawad niya ako. Hindi ako nagtiwala sa kaniya. I know my fault and I admit it all.

Gaya nga ng sinabi ni Zach when we talked, maaayos rin ito.

Maayos na sa akin na mapatawad niya ako, He's happy now with his new girl. Ang swerte noong babae. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang litratong iyon. Hindi ko na nakita ang pangalan noong babae dahil sa pagmamadali kong isara ang laptop ko.

Another tears fell again. I still love him but I should stop now. Hindi na ako pwedeng sumawsaw pa dahil may iba na siya.

Ang sakit malaman ang totoo. Ang sakit malaman na may iba ng mahal ang mahal mo.

Napatingala ako. I closed my eyes and let out a deep, deep sighed.

"Perfect. Now, clearing na tayo." Sigaw ni Kwiny.

Tumango kaming lahat at inistart na ang music.

Pakiramdam ko, tama lang na sumali ako dito. Nakakagaan sa pakiramdam tuwing nagsasayaw ako. I'm into singing but now mas naeenganyo ako sa pagsasayaw.

Mahigit isang buwan ang practice namin para sa audition sa Pilipinas. At ayaw naman naming hindi kami magtatagumpay.

Lahat na ay ibinigay namin. Pagod, late na pag-uwi at yung pagtanggal sa ibang gawain para lamang makasayaw kami.

"Ang galing! Napakagaling!" Nakangiting sigaw ni Miss M.

Nagsigawan silang lahat. Ngumiti lamang ako.

"Ready na ba kayong bumalik sa Pilipinas?"

Nanlaki ang mata nila at nagtatalon sa galak.

"Yes! Miss ko na ang pamilya ko!" sigaw ni Ash.

Ngumiti si Miss M at niyakap si Ash.

Ako? Am I ready? Handa na ba akong bumalik kung nasaan siya. Paano pag nagkita kami, handa na ba akong makita siya?

Para sa FL. Uuwi ako para sa kanila. Pati na rin sa pamilya ko.

"Yes, Miss M. Uwing-uwi na po kami."

"Alright. Pack all your things, ladies. Mamaya na ang flight natin." Aniya at tinalikuran na kami.

Tumili si Mia at ang iba. Nagyakapan sila. Nanlaki ang mata ko nang hinila nila ako at sinali.

Napangiti ako at sinabayan na lamang siya.

"I'm going to miss you, hija." Malungkot na sambit ni Daddy at niyakap ako.

"I will miss you more, Dad." Ngumiti ako at hinarap naman si Mom.

"Good luck, okay. Mamimiss kita, pupuntahan ka namin doon pag matagal kang makabalik dito, anak."

Napatawa ako at hinalikan si Mommy sa pisngi. She hugged me so tight.

"Can I come with you?" Nakangusong sambit ni Via. Ngumiti ako at nginuso si Tita.

"Your studies, Via. Forgot them?" Nakataas kilay niyang sambit sa anak. Mas lalo lang ngumuso si Via at hinila ako para mayakap.

"Wala na akong partner sa kalokohan. Will miss you so much, couz." Bulong niya.

"Marami pa namang iba diyan, e. Si Nicole and Corine?"

Kumalas siya sa yakap at umiling. "Nah. Don't want them. KJ minsan."

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon