Assume
"We're complete!" basag ni coach Alfred sa katahimikan.
Naupo na kaming lahat at gumawa kami nang circle sa mga upuan.
"Good morning, everyone"
"Good morning, coach" bati namin pabalik.
"So take your seats. I set these meeting para sa mga players ng chess upang mapag-usapan natin ang ating paghahanda sa nalalapit na intramurals!" Ani coach at tumayo sa harap.
"For the board one boys we have Klein Hercle Marcus and for the board two boys we have Luis Scott Marcus"
Tumingin si Luis sa akin at kumindat. Napangiti ako sa inasta niya. Lumingon ako kay Klein at gulat ako nang makitang matalim siyang nakatingin sa akin. At tumingin ito kay Luis. Oh don't tell me---.
Asa ulit Cy! Bahala na.
I gave him a bit smile but he looked away. Hindi ko maitago ang pagngiti ko kahit inisnoban niya ako. I know he's jelous. Damn!
"For the chess girls. We have Cyrene Jade Tolentino for the board one and Jamaica Tan for the board two." Dagdag ni coach.
"Ipapaexcuse ko kayo ngayong buong linggo para makapagpractice tayo ng maayos. May ilang araw na lamang at mag-uumpisa na ang intramurals." Hinilot ni coach ang kaniyang sentido at bumaling sa magkapatid.
"I trust the two of you. Lalo ka na, Klein. Pang ilang champion mo na ba 'to? Consistent ka na since elementary mo, hijo." Coach Alfred smirked.
WHAT?! Eh di chess master na 'to! Darn! Since elementary champion siya?
Napalingon ako kay KM. "Hmm" He chuckled.
"Hahaha. And you, Luis?"
"Yes, coach"
"Naniniwala din ako sa kakayahan mo. Okay?"
"Yes. Thanks, coach!" ani Luis at umayos ng upo.
Pagkatapos noon ay bumaling naman si coach Alfed sa amin.
"Jamaica…congrats sa last battle. Nakathird place tayo kaya I am hoping na makuha natin ang champion, okay?" nakangiting ani ni coach kay Jamaica.
Section Emerald yata 'to.
Tumango si Jamaica at ngumiti. "Yes po. I'll do my best coach. Gwapo kasi nung kapatid ng kalaban ko eh." Halikhik niya.
Napatawa kami sa sinabi niya. "Eh paano nalang kung lahat ng kapatid nila ay gwapo, papatalo ka?" tanong ni Luis.
"Hindi no. Nagpromise na ako kay coach na gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang champion." Natatawa niyang sabi.
"Sus. Hanggang salita lang 'yan."
Inirapan lang siya ni Jamaica. Kaya mas lalo lang kaming nagtawanan nang mas inasar siya nito.
"Stop it. Hahaha. Well--let's ask Cyrene. O, ano naman ang malalaman namin sa naging journey mo sa paglalaro nang chess hija?"
Unang tanong palang nila ay parang nagbalik lahat ng alala sa akin. Alaala kung kailan at paano ako nagsimulang sumabak sa paglalaro nang chess.
"Mind to share it with us hija?" .
Tumango ako at ngumiti. Wala naman yatang masama.
"Actually, hindi ako marunong magchess noon. It was all accident. When I was in grade-three, kulang ang team namin ng isang girl player so pag hindi sila makahanap baka ayaw na ding maglaro noong isa. So coach Lian ask Ethan na turuan ako. Ethan is also player. He's in board one. He's one of my idols because of his skills on playing chess." nakangiti kong pagk-kwento. Halos lahat sila ay nakatingin at nag-aabang ng susunod kong sasabihin.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."