In love
"You look so bothered." Napalingon ako sa kaniya. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Seryoso lamang siya habang nakatingin sa akin. He sighed before he took his sight off me.
Inihinto niya ang kaniyang sportscar sa mismong tapat ng bahay namin.
"H-Hindi naman."
"Sabihin mo lang kung hindi ka pa handa." Mahinahon niyang sinabi.
I smiled at him. "Handa ako."
"Why you so look nervous then?"
Hindi ako umimik. Nanatili lang kami sa loob ng sasakyan niya. Inaantay niya lamang ang magiging desisyon ko.
Huminga ako nang malalim. "Tara na?"
He didn't respond.
"Klein?"
"Baby tell me if you're not yet ready. Handa akong hintayin ka kung kailan ka magiging handa."
Parang nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. May nage-exist pa palang kagaya niya. All I thought, sa mga libro at drama ko lamang makikita ang mga lalaking kagaya niya. I'm so lucky na napunta siya sa akin. The man of my dream!
"I am, Klein. Kung handa ka handa rin ako. Tayong dalawa 'to kaya tayong dalawa ang haharap kila mama."
Lumapit siya sa akin. He pulled me closer to him. He kissed my forehead.
Parang kumalma ang dibdib kong kanina'y puno ng kaba. His embrace makes me comfortable.
"You sure?" nag-aalanganin pa ring tanong niya. Marahan akong tumango.
Sabay kaming bumaba sa kaniyang sasakyan. Kinuha niya ang kamay ko at unti-unti niyang pinagsalikop ang aming mga daliri. His other hand was put in his pocket.
Napalingon ako sa kaniya ngunit seryoso siya habang naglalakad.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkapasok palang namin sa gate.
Binuksan ko ang pintuan namin at nakita ko roon ang mga kuya kong busy sa paglalaro sa kanilang cellphone. Pareho silang nakatutok roon. Lumingon ako sa kabilang side ngunit wala si mama.
Lumingon ako kay Klein na nakatingin sa akin. I smiled at him. "Tara?"
He nodded.
"Kuya!" Sigaw ko.
Pareho silang lumingon sa gawi namin. Hindi sila nagulat kahit pa kasama ko si Klein. Tumayo silang pareho. Seryoso lang. Pabalik-balik ang paningin ko sa kanilang tatlo. Oh damn!
Kinakabahan ako.
Seryoso ang titig nila kuya kay Klein. Tumikhim ako.
"A-Ah! Si mama po?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
"Just? May pag-uusapan ba kayo niyan? He is your classmate right?" Malamig na tanong ni kuya Kenneth. Binabaliwala ang tanong ko.
"No. I went here to talk with Cyrene's family." Nagulat ako sa biglaang sinabi ni Klein.
"I'm not talking to you dude." Ani kuya Kenneth.
Nanlaki ang mata ko. Tumingin ako kay Klein at nagtiim bagang ito. Kung seryoso siya kanina mas lalo na ngayon.
"Kuya!" saway ko. Ba't ba siya ganiyan?
Nagtaas ng kilay si kuya sa akin. Nangunot ang noo ko. Tumingin naman ako kay kuya Just na nanonood lamang sa amin. Magsasalita pa sana ako nang lumabas si mama galing sa kusina.
"Hi anak and you are?" nakangiting sambit ni mama. Niyakap ako ni mama at tumingin kay Klein.
"Klein ma'am. Klein Marcus." aniya at naglahad ng kamay.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."