Chapter Twenty-Eight

5.6K 151 4
                                    

Short update!

Meet the parents

Mabilis ang panahon at nalaman na rin nang lahat na kami na ni Klein. Nagiging malapit na kami sa isa't isa at hindi na rin ako nauutal palagi. Palagi niya akong niyaya magdate at sumasabay naman ako sa mga trip niya. Kalat na rin sa school na kami na. I'm not sure if my brothers also knew it. Wala silang pakialam doon unless ako mismo ang magsabi sa kanila. Well. Gusto ko rin naman na ako mismo ang magsabi sa kanila.

Minsan pa noong nasa mall kami ay biglang may nagpatugtog. Nagulat pa ako 'nun dahil halos lahat ng tao sa mall ay nagsasayawan. Hiphop siya. Tawang tawa ako noon dahil naghihip-hop-an talaga ang mga tao. Nagulat ako dahil sumayaw rin siya. Sa sobrang kilala siya ay nahinto ang mga tao at napatingin sa kaniya. They all cheered for him. Lalo na yung mga babae. Tumawa siya mismo sa kalokohan niya at niyakap ako sa harap nila. That was my sweetest memory ever.

At ngayon, nandito ako sa practice room ng mga Delta. Yep, palagi niya rin ako dinadala dito.

"Hi. Cyrene! Gusto mo nang juice?" nangingiting sabi sa akin ni Fourth.

Umiling ako at ngumiti. "Salamat."

"Eh pizza?" aniya at inabot sa akin ang pizza.

Wala akong nagawa kung hindi tanggapin iyon. "Thanks."

"Are you flirting with my girlfriend, Fourth?" Malamig na boses sa aking likuran. Napalingon ako roon at nakitang nakapamulsang naglalakad si Klein papunta sa akin.

"No dude. I'm just giving her some snacks. That's all."  Ani Fourth at itinaas ang dalawang kamay.

"Better be. She's mine." He smirked. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay. Napanguso ako. Shit! Kailan ba 'to hindi nagpapakilig sa akin? Halos araw-araw e.

Humalakhak si Fourth kaya napatingin sa akin. "Possessive. Lambingin mo kasi Cyrene." Aniya nang tinalikuran kami ni Klein.

I smiled at him. "Iwan na kita diyan 'ha."

Tumango siya sa akin at ngumisi. Loko talaga!

Naglakad ako papunta sa gawi ni Klein. He's alone. Nasa labas ang ibang member ng Delta Force. Nakapamaywang siya habang nakalagay ang cellphone niya sa kaniyang tainga. Sinong kausap nito?

Dahan dahan akong naglakad. Hindi niya iyon napansin. I hug him from the back. He stiffened.

Humalakhak ako.

"I'll call you later." aniya at ibinulsa ang kaniyang cellphone.

He sighed and he touched my hand.

"Come here." aniya at pinaharap ako.

Ngumiti ako sa kaniya. "Sorry na."

Bumuntong hininga siya at inangat ang mukha ko. Mas lalo akong ngumiti sa kaniya. Ang gwapo niya talaga!

"Kailan ba kita natiis? Tss. Huwag mo akong pagselosin." Seryosong aniya.

I laughed girly. Ngumuso siya dahil yata sa tawa ko. Cute!

Napatingin ako sa kaniyang mga mata at inilagay ko ang aking mga kamay sa kaniya batok. I tiptoed so that I can kiss him.

Nagulat siya sa ginawa ko pero maya maya din ay ngumisi.

"Stubborn. At dahil diyan…" Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. Nanlaki ang mata ko kaya lumayo ako sa kaniya. Humalakhak siya at hinila ulit ako. Hinawakan niya ang baywang ko at mas lalo iyong hinigpitan. "Tss" aniya at ngumisi ulit sa akin.

"A-ano!" nakanguso kong singhal sa kaniya.

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at parang nagpipigil ito ng ngiti.

He looked at my eyes down to my lips. Nanlaki ang mata ko. He chuckled when he saw my reaction. Pinisil niya ang ilong ko at niyakap ako. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"I want to meet your parents." Seryosong aniya sa mismong tainga ko. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

He smiled at me.

"S-seryoso ka?" Nanginginig kong sambit. Kalmado lang siya at hindi ko nakikitaan ng kahit anong kaba.

Seryoso ba siya sa sinabi niya? Shit! Kinakabahan ako. Paano kaya namin sasabihin kay mama at kila kuya ang tungkol sa amin. Shit!

"I'm dead serious."

"K-Kailan ba?"

"Ngayon"

What!

"N-Ngayon talaga? Bukas or next week k-kaya?" I asked while biting my lower lip.

Napunta ang paningin niya sa labi ko ngunit kaagad niya rin itong ibinalik ang tingin sa aking mata.

Ngumuso siya. "Why? You don't trust me?"

Nanlaki ang mata ko at agarang umiling.

"Hindi ah! I m-mean---"

"Kinakahiya mo siguro ako." Malungkot na sambit niya.

Halos matawa ako sa sinabi niya. Sino ang magkakahiya sa isang tulad niya? Ano ba pinag-iisip nito.

"Lalong hindi!"

"Hindi mo 'ko mahal kaya---"

I tiptoed again. Hinalikan ko siya nang isang beses para mahinto siya sa kaniyang sasabihin.

That would be smack only but he lifted my chin and it became torrid one.

Halos paypayan ko ang sarili ko dahil sa ginawa niya. He licked his lower lip kaya mas lalo pa iyong pumula.

"You knew how to shut me up, huh?" nakangising aniya.

Halos pagsisihan ko ang ginawa ko dahil sa mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi kaya ngumiti na lang ako. Tumawa siya.

"You're so cute."

Cute daw! Nainis naman ako sa sinabi niya. Umirap ako kaya inangat niyang muli ang paningin ko sa kaniya. Ano ako bata?

"…that's why I'm damn inlove with you"

Pinigilan kong hindi ipakita sa kaniya na kinikilig ako sa mga mumunting banat niya. Ganiyan siya e…his words were simple but the effects was so powerful. I'm so in love with you too Klein.

"Bolero! Cute daw hindi naman ako bata!"

"Bata lang ba ang dapat sabihan na cute?" nagpipigil ngiting utas niya sa akin.

Ngumuso ako at nagtaas ng kilay sa kaniya. He smirked at me.

"Oo na. Cute naman talaga ako!" halos pabulong kong sinabi iyon.

Narinig niya yata iyon kaya humalakhak siya.

"Let's go?"

"Saan naman tayo pupunta?"

"I'll meet your parents." Aniya at kumindat pa sa akin.

Dream ko lang na mapansin niya ako pero sobra sobra ang nangyari! I love you papa G!

Klein Hercle Marcus wants to meet my parents!

Nakakakaba pero sobrang nakakatuwa!

****
Vote. Comment and Share! Salamat po <3

Klein- pronounce as Kleyn.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon