Chapter Fifty-Two

5.3K 108 3
                                    

We're in

"Cyrene! OMG! Magbihis ka na. Kanina pa nag-aantay 'yung Van sa labas." Natatarantang sambit ni Trisha sa akin.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Doon sa DBDS. Ia-announce na ang mga makakapasok noong audition."

Nanlaki ang mata ko at kaagad na inayos ang sarili. Napatingin rin ako sa labas at nakitang aligaga na rin ang iba kakaayos sa kanilang sarili.

Nang makarating kami, ay kaagad kaming pumwesto. Sobrang dami pa rin ang nagsipuntahan para marinig ang announcement. May ibang babaeng masamang nakatingin sa akin. Yung iba naman ay umiirap sa tuwing nakikita ako. What the!

"And now! Last 3 spots. Whoa! Let's take a breathe guys!" Tawa noong baklang MC.

Marami pang natitira at isa na kami doon. Hindi pa natatawag ang pangalan namin.

"The SLG! Pasok na kayo!"

Masayang tilian ang narinig namin. Nagulat ako nang makitang kasali rin doon si Jen Pascual.

Ngumiti siya at kinawayan ako. Nagtungo sila sa gitna at kinamayan ang iba pang nakapasok.

I cross my fingers! Please!

"Last team na bubuo sa ating mga dancers para simulan ang one all one dance battle. Pasok na kayo…"

Sobrang kabado ako ngayon. Nakayuko na silang lahat nang nag-angat ako ng tingin.

"FEARLESS LADIES!"

Nanlaki ang mata ko. Yes! We're in!

"Whoa! Whoa! Thank you lord!"

Nagtatalon at sisigaw sila Mia at Ashey. Nakikisabay na rin kami. Niyakap namin si Miss M at Kwiny.

Pag-akyat namin sa entablado ay ang pagdating nilang sampu. Mas lalong umingay sa loob. Tumingin ako sa kaniya na nakitang nakatingin siya sa akin.

Mas dumoble ang kabog sa aking dibdib. Nanginginig ang aking tuhod lalo na na nakatingin siya sa akin habang paakyat ako sa entablado.

Ngumuso ako nang kinagat niya
ang kaniyang labi.

"Klein! Whoa! We love you!"

"KM! KM! KM! KM!"

"KM! Zach! Miggy! Fourth!"

"Whoaaa! I love you so muchT        King KM!"

Nakipagkamayan siya sa mga bigating tao sa harapan. Nakasunod naman ang ibang DF sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya yung damit niya. Mapapaluwa talaga ang mga mata ng mga babae niyan.

"Wow! Nandito na pala ang ating mga hari sa sayawan. The famous Delta Force." Anunsyo ng MC na siyang nagpagulo na naman sa lahat.

"Anyways, Congrats! Fearless Ladies," dadag niya at nginitian kami.

Ngumiti ako at hinayaan na muna iyon.

"Grabe! Nalaos exposure natin noong dumating sila. Gosh! Ang gwapo talaga ni KM." Bulong ni Mia.

Pinagmasdan ko siya habang umuupo katabi ni Mr. Lee. Nakita ko na may pinag-uusapan sila. Nakita kong napangiti si Klein at hinawakan ang labi at tila may hinahanap. Nang makita niya ako ay mas lalo pa siyang napangiti at may sinasabi kay Mr. Lee habang nakatingin sa akin.

Nag-taas ako ng kilay sa kaniya. Nagulat ako nang pati si Mr. Lee ay napatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Kita ko ang pagpipigil niya ng tawa.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi na muling tumingin pa doon.

"Tumingin si King KM sa akin! I'm so kinikilig!" Sambit noong katabi ko na ibang team.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon