Jealous
"Cyrene! Why did you do that? Kahit pa ganoon ang sabihin niya sana nanahimik ka nalang. Sayang!" Naiinis na sambit ni Miss M at napahawak sa kaniyang noo.
Napayuko ako at hindi kumibo.
"Si KM 'yon! Sikat na sikat na lalaki at importante ang opinyon niya dahil isa siya sa mga bigating hurado."
Nag-angat ako ng tingin at kinagat ang aking labi.
"Yun na 'yon, e. Baka sa ginawa mong pagsagot-sagot sa kaniya ay mawala ang mga pinaghirapan natin."
Huminga ako ng malalim. "I'm sorry po. Kakausapin ko po siya."
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko dahil biglang natahimik ang lahat.
"What? Si KM? Kakausapin mo? How?" natatawang si singhal ni Xyla.
"Oo nga, Cy. Sino namang nagbigay permiso sayo para makausap ang isang Klein Hercle." Singit ni Ash.
I just bit my lower lip. I know they all think that it's impossible, so I decided to shut my mouth.
Marami pa kaming pinag-usapan kasama ang mga miyembro ng FL. I apologize because of what I did. Hindi nila alam kahit katiting kung sino si Klein sa buhay ko.
"Really? Ini-imagine ko palang kinikilig na ako. Pero, may Mezia diba?" Sambit ni Audrey.
She visited me para raw makausap ako kung ano ang nangyari noong audition. Kinuwento ko sa kaniyang lahat.
"Hindi ko rin alam."
Tumitig siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko at tinuro ang puso ko.
"Follow this, okay? Kung ano ang sinasabi niyan sayo, sundin mo."
Napangiti ako at napahiga na lamang. Tumawa siya at gumaya rin sa akin.
"Maraming maiingit sayo niyan. Lalo na yung mga solid fans niya. Magwawala ang mga 'yon panigurado." She laughed.
Tumingin lamang ako sa dingding at unti-unti ring napangiti.
"Kinilig naman 'to. Pero seryoso, alam kong mahal ka rin ni KM. Sayang yung mga panloloko ni Zara sa inyo." Masungit na aniya.
Kumunot ang noo ko at napaupo na ulit. "Speaking of, nasaan na nga 'yon?"
"Nagbagong buhay, beh. May pamilya na kasi, inaasikaso niya yung isang restaurant nila."
My eyes widen because of what I heard. "Seryoso?"
Ngumiwi siya sa reaksyon ko. "Yup. May anak na nga, e."
We spent our time in my room. Nagkwentuhan at movie marathon ang ginawa namin. My feelings became better now, lalo na noong nalaman ko na pareho pa rin ang pakiramdam namin.
Pero may parte rin sa aking puso na inaalala si Mezia.
Habang nanonood kami ng panibagong movie ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nakatutok lang ako sa screen habang kinakapa kung nasaan ang cellphone ko.
"Sino ba 'yan?" Tanong ni Audrey habang kumakain ng chips. Umiling ako at pinunasan ang kamay ko.
Unknown:
Can you go here?
Ako:
Who's this?
Bago ko pa maibaba ang cellphone ko ay tumunog ito muli.
Unknown:
Asawa mo.
Napakurap-kurap ako nang mabasa ang reply message niya.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Novela Juvenil"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."
