Kumakain kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Hindi naman ako ang magbabayad, kaya susulitin ko na.
Plus the fact that they left me early in the morning.
"Cy, nga pala ka-team ka namin sa darating na intramurals." Si Kuya Just sa kalagitnaan ng pagkain. Tumango ako at kumain ulit.
"Kaming mga grade 12 hindi na pinayagan." Supladong saad naman ni kuya Kenneth.
Tumawa ako.
"Ano sport mo kung ganoon?" Tanong ulit ni Kuya Kenneth.
"Chess sana kaso..." Napahinto ako sa sasabihin ko ng naalala ko ang nangyari kanina. Ang harsh talaga ni Klein sa akin kahit kailan.
"Kaso?" Si Kuya Kenneth.
I shook my head and smiled.
"Matagal ka ng hindi nakakalaro sa chess, why don't you join and play again?" Seryosong sabi ni kuya Just.
Napalunok tuloy ako.
Matagal na akong chess player at matagal na din noong nahinto ako. Back when I was in Elementary, naging player na ako noon.
Tumango ako at sumimsim sa juice na nakapatong sa mesa namin.
"Yeah, I will play." Sagot ko nalang para hindi na sila magtanong pa.
Natapos kaming kumain ay agad din kaming bumalik sa school. May meeting pala mamaya.
My phone vibrated inside my bag. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumawag.
It's Audrey.
"Hello..."
"Bruha, pakilista ang pangalan ko sa volleyball ha!"
"Okay sige." I replied.
"What sport ka?"
"Chess..." I sighed.
Tumawa siya sa kabilang linya at nagmura pa. Napailing ako.
"Ang ikli mong sumagot. Well, ge bye bye na. Ikwento mo sakin lahat ng nangyari ngayon okay?" Aniya at ibinaba ang tawag.
Actually, kami noon ni Audrey sa volleyball kaso mas hilig ko ang larong chess kaya doon nalang ako sumabak.
Itinago ko ang phone ko sa bulsa.
Late na naman ako sa meeting.
Mabilis akong tumabo papuntang classroom at nakita kong si Pauline lang ang nandoon at wala ng iba.
"Pauline, saan daw ang meeting venue? At teka ba't wala ka doon?" Naguguluhan at natataranta kong tanong kay Pauline. My classmate ko.
"Eh? Pinaglinis ako ni Ma'am Luz punishment ko daw. Nahuli kasi akong nagcutting kanina. Anyway sa left side ng science malapit sa building ng mga senior." Nakanguso niyang sabi.
I looked at my phone to see the time. Napairap ako sa sarili ng makitang late na talaga ako.
Tumakbo ako at hindi ko na alam kung ano ang itsura ko. Naaninag ko na ang building ng mga senior ay inayos ko ang damit ko at ang aking buhok. Nakakahiya kay Klein.
I bit my lower lip when I heard the are now announcing something.
"So sa volleyball kulang ng isa, sa chess naman, si Jamaica na ang isa sa babae kulang pa nang isang babae."
Ang dami pala namin? May mga estudyante sa harap which means mga atleta din.
Nasa harap sila David, Kuya Just, Luke, Klein and many more.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."