Chapter Twenty-Three

5.8K 172 29
                                    

Kiss

Monday.

Sobrang bilis lang nang panahon at monday na! Yes! First day ng practice namin ngayon!

"Hi ate Cyrene! Pinapatawag ka ni coach Alfred"

Tumango lang ako at ngumuso. Pang-ilang tawag na ba nila sa akin 'yan. Tinatamad talaga ako 'pag practice pero sa tuwing maaalala kong kasama ko si Klein sa practice ay sumisigla ako. Bumuntong hininga ako at pinulot na ang bag sa may bench. Busy rin si Audrey sa practice nila si Kail naman ay inaasikaso ang papel niya para makapag-aral na ulit dito. Yes! Pinayagan siya nang daddy niya na magtransfer dito.

"Sorry coach! Sumakit kasi tiyan ko kaya natagalan ako" pagsisinungaling ko nang maabutang naglalaro na sila. Samatalang si Klein ay nakaearphone na nakasandal sa kaniyang silya. Tumitig siya sa akin kaya napaiwas ako nang tingin. Ang gwapo niya talaga!

"Magsorry ka diyan! Kanina pa siya diyan, inaantay ka!"

Ngumuso ako at yumuko. "Sorry talaga coach"

"Diyan ka magsorry oh!"

"S-sige coach. Baba ko lang gamit ko!" sabi ko at ibinaba na ang bag ko.

Lumapit ako kay Klein kaya nang makita niya ako ay tinanggal nito ang earphone sa tainga niya. Inilabas din nito ang cellphone niya at tinanggal ang nakasaksak na earphone. Ibalik rin nito sa kaniyang bulsa ang cellphone niya.

"Sana nag-absent ka nalang ngayong practice!" His voice were cold as ice. Napalunok ako at tumingin sa kaniya.

"Uh. S-sorry sumakit kasi tiyan ko."

"Tss" suplado niyang sabi.

Ngumuso ako at tumingin sa kaniya. Nakatitig siya sa akin at kita ko na bumaba ang tingin niya sa labi ko. Uminit ang pisngi ko at medyo nanlaki pa ang mata ko. Tumingin siya sa akin at nag-iwas ng tingin. argh!

"L-let's start!" sabi ko at inayos na ang chess board.

White ang hawak ko samantalang siya ay itim. Hindi ko alam pero mas kumportable ako sa mga move ko 'pag nasa white part ako.

"First move!" biglaan niyang sinabi kaya napalingon ako sa kaniya. Agaran akong tumango at ginalaw 'yong isang pawn.

Tahimik lang kami at ganon naman dapat iyon. Sa larong chess dapat walang maingay, tahimik lang at walang istorbo. Simpleng laro lamang 'to ngunit kailangan mo nang matinding pag-iisip, diskarte.

"Shit!" nasapo ko ang noo ko nang nakain niya ang rook piece ko. Gah! Naloko ako 'don!

Tumingin ako sa kaniya at nakitang ngumisi siya sa akin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa chess board at pinag-aralan ang next move ko.

"Oh! Check!" halos pumalakpak ako nang nacheck ko ang King piece niya. Horse ang ginalaw ko at nilagyan ko ito nang resbak.

Ako naman ang ngumisi sa kaniya. Hindi natanggal ang ngisi sa kaniyang labi kay agad na napawi ang ngisi sa labi ko. Huh? Ano naman iningisi ngisi niya?

Kinain niya ang horse na nakacheck sa king. Kinain ng bishop ko ang pawn na kumain doon, ngumisi siya at kinain iyon ng isang rook niya na tapat na tuloy ng king piece ko!

WHAT THE F!

"Check" He smirked. DAMN IT!!!

Inis kong inilipat ang king piece sa gilid.

Hindi ko na namalayang ubos na pala ang ibang officials ko.

"Check" He said. Iniiwas ko nang mabuti ang king piece ko para hindi niya iyon ma-mate.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon