Chapter Thirty-Four

5.1K 118 26
                                    

Confused

"I'm so surprised because we're almost done! Ilang rounds nalang at malalaman na natin kung sino ang nanalo sa larong ito. Well, sa larong ito hindi talaga maiiwasan kung mabilis o mabagal matapos ang laro. It all depends sa mga player, right. So, that's all and you may all continue the game. Good luck and enjoy the battle." Anang chairman ng chess sa kalagitnaan ng break time.

He was right. Depende talaga 'to sa mga manlalaro kung papaano sila maglaro. Minsan sa chess, kung mabilis mong ma-mate ang kalaban ay maghihintay ka nalang ng susunod na laban.

Naibsan na ng tuluyan ang kaba ko. Hindi gaya ng kahapon dahil sobrang kinakabahan ako.

Napainom ako sa aking tubig at kinuha ang cellphone ng tumunog ito.

From: Audrey

Nood ka naman ng game ko. :(

Oo nga pala!

Ako:

Sorry! Sige after ng game namin. Promise. Good luck!l

From Audrey:

K. Thanks bruha! :)

Napailing nalang ako at ngumiti. Ibang klase talaga ang babaeng 'yon.

"Check" sambit ko at kinagat ang aking labi.

She moved the pawn to defend the King. Napatango ako nang magandang depensa ang ginawa niya. Iniatras ko ang Bishop para maiwasang makain iyon ng Pawn.

"Check" aniya. Kumunot ang noo ko.

"Hindi pwede kasi naka-open check."

Tumingin siya sa akin at umirap. What the!

"Okay! O, eto." Aniya at inulit ang kaniyang galaw.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko masyadong nagugustuhan ang asal niya dahil panay ang irap niya sa akin.

Damn! Magtimpi ka lang, Cyrene!

"Hindi pwede 'yan! Touch move, touch down!" inis kong sambit.

Hinawakan niya ang Horse at hindi na pwedeng iba ang imo-move niya. Hindi niya ba alam 'yun?

Kapag nahawakan mo ang isang piece sa chess kailangang iyon na talaga ang gagalawin niya. Hindi pwedeng palitan.

"Hindi ko kaya hinawakan!"

What!

Huminga ako ng malalim.

"What? Liar. You already touched the Horse piece then you must put it down kung saan mo gustong ilagay." medyo tumataas na ang boses ko.

Nakita kong napalingon na sa akin si Klein. Nakakunot ang noo.

"So you're saying that I'm a liar? Pinapalabas mo na sinungaling ako!" sigaw niya.

Tumayo siya kaya nagsitayuan na ang ibang coaches.

"Well kung 'yon ang labas sa 'yo?" I sarcastically uttered.

Pumula ang pisngi niya at kaagad nang may pumagitna sa amin.

Natigil ang ibang naglalaro. Napairap ako sa kawalan.

"What? Ikaw yung sinungaling dito!" sigaw niya.

Kita kong papunta sa gawi ko si Klein at Luis.

"Go on! Add more lies! Ang dumi mong maglaro!"

Namula siya nang husto dahil sa sinabi ko. Tumakbo si coach Alfred sa gawin ko.

"ANONG NANGYAYARI DITO!" sigaw ng chairman.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon