Stay
"Uh...K-Klein dito nalang ako" sabi ko sa lalaking nasa tabi ko na nakapamulsa lang sa kaniyang jacket.
"Uuwi ka na? I'll drive you home" tanong niya sa akin. Sheeet! Nahihiya ako sa nangyari kanina. Nahihiya ako sa pagyakap ko sa kaniya, well ang bango niya. Parang sumama pa nga sa akin ang pabango niya.
"Uh...D-Di na ako na lang" nahihiya kong sambit.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na din ako. Sa likod kami lumakad dahil may second way doon. Kapag sa harap naman ay baka pagchismisan lang nila kami. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"I'll drive you home, Cy" seryoso niyang sabi sa akin. Wala akong nagawa kung hindi tumango lang sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Nakaka-attract ang mukha ng gwapong 'to!
Nagpatuloy kami sa paglalakad at maya maya din ay narating namin ang sasakyan niya. Sasakay ako sa sasakyan niya! Oh my god!
KINIKILIG AKO!
"Sakay na" aniya at dumiretso siya sa driver's seat. Napatulala ako saglit bago binuksan ang pintuan ng front seat.
"Uh...U-uh K-Klein---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin dahil bigla siyang nagsalita.
"Stop stuttering. Don't be shy" mahinahon niyang sabi.
What! Don't be shy? Sino naman ang di mauutal at di mahihiya 'pag kaharap ka Klein! Jusko.
"Eh? Ah okay...okay" wika ko sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya at diretso lang ang tingin sa daan. Ang seryoso niya habang nagmamaneho. Sinuri ko ang sasakyan niya. Sino na kaya ang naisakay nito? Naisakay din ba niya si Zara dito? Siguro.
"Ah Klein!" sabi ko at napatingin naman siya sakin. Wag mo akong titigan!
"Hmm" aniya sabay balik ulit ng tingin sa daan.
"Ba't naging mabait ka bigla sakin?" tanong ko kaya napalingon ulit siya sakin.
"I realized something" simple niyang sabi.
Realized something? Na maganda ako? Joke lang! Hehe.
"Na ang mga kagaya mo dapat pinapahalagahan" aniya. Parang may karera sa puso ko sa lakas ng kabog nito. Sheeeeeet!
Hindi ko alam pero uminit bigla ang pisngi ko. Oh my god!
"H-Ha? Eh K-Klein..." nahihiyang sambit ko. My goodness!
"Tss...I said do not stutter right?" sabi niya.
Tumango ako at ngumuso na lamang.
"So you realized na..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako.
"Yes. I'm being too damn harsh to you and I'm sorry for that." Mabilis niyang sabi. Damn it! Grabe sobrang kinikilig ako sa araw na ito! Jusko!
Damn his eyes! Nalulusaw ako pag sinusulyapan niya ako.
"Ah eh...o-okay lang naman. Atsaka pa tatawagin ba ako na queen of fangirling kung di ko mararanasan yan" wika ko at tumawa ng bahagya. Tumingin ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
Sinulyapan ko pa siya ng isang beses at nakabalik na pala ang tingin niya sa daan.
Hindi na ulit siya nagsalita kaya tumahimik na lang ako. Itunuro turo ko lang sa kaniya kung saan ang daan papunta sa bahay namin.
"A-Ah. K-Klein thanks sa paghatid m sa akin ngayon" sabi ko at inayos ang bag ko. Tumingin siya sa akin at tumango.
"It's okay. Well...uh Cy about kanina. Totoo talaga yun?" sabi niya. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Ficção Adolescente"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."