Fight again
"Okay ka lang? Bwisit na Karylle na 'yon! Sana hindi mo 'ko pinigilan! Susupalpalin ko 'yon!"
Tumawa ako kaya napalingon siya sa akin. "Baliw! Totoong tawa ba 'yan o tawa nang nasasaktan?"
Umiling ako at napatawa na lang.
"Sorry! Epic kasi ng mukha mo bruha! Ge. Una na ako"
"Saan punta mo?" Tanong niya
Nagkibit ako nang balikat at kinawayan na lamang siya.
"Nandito lang ako ha!" She shouted.
Hindi ko na siya sinagot at hindi ko nga alam kung saan na ako ngayon pupunta.
Dinala ako nang paa ko sa kung nasaan sila Klein. Napalunok ako. Napakabigat ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. I have the right to get jelous right? I'm his girlfriend. What if! What if Karylle was right. Na pinaikot lamang ako ni Klein. No. Dapat magtiwala ako kay Klein.
Huminga ako nang malalim at humakbang nang ilang beses. Napapikit ako. Sana walang Zara akong makita! Please!
I opened my eyes when I felt something on my clothes. It's mango syrup!
Malakas na tawanan ang bumalot sa aking pandinig.
"Aw! So perfect!" matinis na tawa ang aking narinig mula sa gilid.
Si Zara!
Where is Klein! Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin siya ngunit wala. Damn! Napaikot ako nang bruhang Karylle na 'yon!
Leche! Sasabunutan talaga kitang bruha ka!
Halos kumulo ang dugo ko nang makita si Karylle sa likod ni Zara. Susupalpalin kitang bruha ka!
"Hay nako! Ang asyumera nandito." mataray na utas ni Zara.
"Oo nga! Nakapag-usap ba kayo ni King KM, Zara?" Ani Karylle at sinadya pang tumingin sa akin.
"Oo naman! And look he gave these chocolates! How sweet right?" Masaya niyang sabi. Lumapit siya sa akin.
"Don't go near her Zara! Kadiri."
"Ay oo nga pala. Basura."
Humakbang ako papalapit sa kaniya at tinagilid ko ang aking ulo.
"Basura nga ako atleast hindi naman kasing higad mo. Alam ko naman ang rason kung bakit niyo 'to ginagawa." nakangisi kong sabi. Binabaliwala ang syrup sa aking damit.
"Immature! And were you so bitter coz I look damn more better huh? And what's that? Chocolates? Galing kay Klein? Try harder. Alam ko kasi kung kanino galing 'yan. And I figure out that you're more damn desperate bitch fan girl." I said with a smile plastered on my face. Akala niya ha!
Tumingin ako kay Karylle na namutla na nakayuko na ngayon. Palpak ka ngayon!
Ngumisi ako kay Zara na ngayon ay nakatitig lamang sa akin.
"You move on now. Kami na kasi ni Klein. Wag kang magwala ha. Marami pa naman diyan. Hindi lang kasi sing gwapo at talented ni Klein."
"Maraming lalaki diyan sa tabi-tabi. Gwapo at may mga hindi kagwapuhan rin. Pero alam ko namang wala kang pinipili, ganun naman kayong mga malalandi. Hindi mapili." Dagdag ko pa.
I smiled at her.
Pumula ang mukha niya at sinampal ako.
"Mas malandi ka!" She shouted. Aamba sana siya nang isa pang sampal ngunit nahawakan ko na ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."