Chapter Fourteen

5.7K 145 25
                                    

His smile

"Hahaha sa tingin ko, 1000 cactus slap yung binigay mo kay Zara, Cy." natatawang utas ni Audrey sa tabi ko.

Actually, nandito kami ngayon sa cafeteria. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyante dito. Sumusulyap sulyap sila akin ng mariin at iniirapan ako. Tsk.

"Tsk! Sasabunutan ko na yun sa susunod" nakangisi kong sabi.

"Hahaha! Sayang nga e, akala ko kanina magagamit ko 'tong kuko ko" sabi pa niya at tumayo.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtayo niya.

"Order mo?" tanong niya at inilahad ang kamay sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"Juice lang sakin at hoy ano yan?" tanong ko at itinuro ang kamay niya na nakalahad pa din.

Binatukan niya ako. "Heh! Malamang bayad mo! Papalibre ka na naman?" inis na sabi niya at inirapan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Damot nito." sabi ko at lumabi sa kaniya. "Sige na...juice lang e" dagdag ko at itinulak tulak ko siya.

"Asus! Ikaw talaga...mukha ka ng libre" natatawa niyang sabi. Sinamaan ko sya ng tingin pero mas lalo niya lang ako tinawanan.

Dali-dali siyang dumiretso sa pila para bilhin yung order namin. Napailing nalang ako sa kaniya at umupo nang maayos.

Hindi pa nakakadating si Audrey ay may mga nagbubulungan sa likod ko.

"Hoy! Alam niyo ba nagsampalan daw si Zara at Cyrene sa room nila"

"Oo nga daw"

"Hindi na nahiya si Cyrene. Gumawa na nga siya ng eskandalo sa internet...gumawa na naman siya ng panibago"

"She's so bitch talaga"

"Hoy! Bunganga mo, may makarinig sayo isumbong ka pa kay Justine at Kenneth"

Kinuyom ko ang kamay ko para makontrol ko ang sarili ko. Lecheng mga 'to.

"Tsk! Kung di niya lang talaga kuya ang mga 'yon. Susupalpalin ko yang Cyrene na 'yan"

"Ang landi! Kala mo naman gusto siya ni Klein"

"So true! Napakadeserada talaga niya"

"Hahaha...di na ba kayo nasanay sa malanding 'yun?"

"Ay oo nga pala hahaha!

"Hahahaha"

Tumayo ako at lumingon sa likod ko. Marami sila at halos puro babae ito. Humakbang ako papalapit sa mesa nila, nagulat yata sila sa paglapit ko kaya natahimik sila at napatingin silang lahat sakin. Catfight again!

"Oh? Natahimik kayo bigla?" I ask. Note the sarcasm.

Tumayo yung babaeng nasa gitna at lumapit sa akin. Tumayo din ang kasama niya at tumabi sa likod nitong babae.

Kita ko sa gilid ng mata ko si Audrey na dali daling inilapag ang order namin at dumiretso sa tabi ko.

"Ano na naman 'to, Gwen?" mataray niyang tanong sa babaeng nasa harapan ko. So, her name is Gwen huh!

"Wag ka na namang makisali Santos! baka masampal kita diyan" mananakot ni Gwen.

What the heck!

Tumawa ng malakas si Audrey sa sinabi ni Gwen kaya napatingin sila sa kaniya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na naagaw namin ang atensyon ng ibang estudyante dito sa cafeteria kaya napalibutan na kame.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon