You don't know
Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nagpupumiglas ako ngunit hindi niya iyon tinatanggal.
Patuloy pa rin niya akong hinihigit kung saan.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"
He didn't bother my shouts.
"Baliw ka na ba? Bumalik na tayo doon! Klein, ano ba?" sigaw ko muli.
Hindi niya ako pinansin at diretso pa rin ang panghihila niya sa akin. Hindi kami dumaan sa harapan dahil alam kong alam niyang may mga fans siya doon.
We stopped when we already on the basement.
"Gumaganti ka?" Malamig niyang tanong. Binawi ko ang braso ko at matalim siyang tinitigan.
"What? Anong gumaganti, ha?" sigaw ko.
"Stop shouting, will you? Answer me, gumaganti ka." Malamig pa ring tanong niya.
"Wala kang pakialam! At kanino naman ako gaganti 'ha?"
"Sa akin. Narinig ko ang pinag-usapan niyo ni Fourth. Fuck! You love me, huh? You love me but you don't trust me? Ganoon ka magmahal? That's a big bullshit." Galit niyang sigaw.
Bumilis ang paghinga ko at kaagad na nanginig ang aking tuhod. "Wow! Talaga? So ako pa ang may kasalanan? If you explain every piece of that damn shits, malalaman ko talaga ang totoo---"
"Fuck! Really, Cyrene? Explain? Ni hindi mo nga pinakinggan ang bawat explanation ko tapos maghahanap ka bigla? Ngayon, sino talaga ang may kasalanan, huh?" mariin niyang tanong.
"Hindi lang ikaw ang nasaktan ng todo. Tapos babalik ka? Magpa-plano kayo para makita mo kung mahal pa ba kita? Damn it! Sana hindi ka nalang bumalik!" sigaw niya.
Natahimik ako at bumuhos na ang aking luha.
"And you left me that easily. Hindi ka man lang nagpaalam. Ganoon ba kadali sayo na kalimutan ang lahat?"
Pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa kaniya.
"Wow lang! Kung makapagsalita ka parang hirap na hirap ka sa pagmo-move on, a. E, ikaw nga 'tong may iba na agad---" Pinutol niya ako sa pagsasalita.
"You. Don't. Fucking. Know. What. I've. Been. Huwag kang magsalita na parang alam mo ang mga pinagdaanan ko. Wala kang alam. Ikaw 'tong nang-iwan, Cyrene. You left everyting here without hearing my reason, without knowing the damn truth. Don't you ever apply your damn plan. I don't love you anymore. I have Mezia and I want to tell you that she's damn enough." Galit na aniya at tinalikuran ako.
I froze. Parang namanhid ang puso ko sa pagkarinig sa huli niyang sinabi. Napahagulhol ako sa iyak at pinagmasdan siya habang naglalakad papalayo sa akin.
Hinabol ko siya at niyakap patalikod. He stopped.
"I'm sorry, Klein. I'm sorry. Oo. Alam kong mali ako sa mga naging desisyon ko. Please, I want you back. Mahal mahal pa rin kita." Nanginginig kong sambit at mahigpit na niyakap siya.
Tinatanggal niya ang kamay ko ngunit mas lalo ko pang hinihigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya.
"Please! B-Babawi ako. Klein! Please. I love you so bad! M-Mahal na mahal kita."
Parang mas lalong bumibigat ang dibdib ko nang maramdaman na pilit niya kinakalas ang pagkakayakap ko sa kaniya. Ang sakit sakit lang!
Ang tanga tanga mo, Cyrene! Ang tanga mo!
"You didn't hear me? May girlfriend na ako. Please, stop it. Tumigil ka na. Huwag kang umiyak dahil una sa lahat ginusto mo 'to. This is your fucking decision, remember. You want me out of your life. Ngayong nakahanap na ako ng iba, babalik ka? Panindigan mo ang desisyon mo." Mariin na aniya at hinawi ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."