Topic
Klein:
Kaya pala ang tagal mong magtext. Great.
I immediately typed some words. Siya ba 'yun? Damn! Wrong timing talaga.
Ako:
Hey? Ikaw ba yung kanina? Nakalimutan ko, okay?
"Tara na! Nahanap ko na. Jusko, nasa back seat lang pala." Hinihingal na sambit ni Audrey.
Hindi ko iyon pinansin at hinihintay ko pa rin ang sagot niya sa mensahe ko. Napansin ni Kyle iyon kaya kaagad niyang pinuna.
"Cy? You okay? Kilala mo ba yung kanina?" Kyle asked. I don't know what to say.
Nagkibit na lamang ako ng balikat. "Uh, una na kayo sa loob. Susunod ako."
Kumunot ang noo nilang dalawa dahil sa sinabi ko. Pero maya-maya rin ay tumango sila sa akin.
Klein:
Nakalimutan? Tss. I waited for your texts. Damn. I just can't sit here, I'm damn so worried. Tapos 'yan lang ang sasabihin mo? Nice.
Parang nainis ako sa sagot niya. Talaga lang? So, ako ang may kasalanan.
Ako:
Nakalimutan nga. Ano ba ang gusto mong sabihin ko? Atsaka pa, Did I told you to rest? Stop worrying. Hindi ako bata.
Hindi na siya nagreply. Fine! Ba't ka pa nagagalit, Cyrene? Tumigil na nga siya! Nakakainis! Hindi ko maintindihan.
Pumasok ako sa loob na nakabusangot ang mukha. Hindi ko iyon pinahalata sa kanilang lahat. Bakit ba naaapektuhan lahat kapag nag-aaway kami?
Nakakainis talaga siya! Hindi ko 'yun kakausapin.
Kinaumagahan, ngayon na ang pinakaaabangang dance showdown muli ng labing-anim na grupo.
We prepared like we did before. Mas lalo lang naghanda. Malapit na ang semis at kailangang makapasok kami roon. Dali-dali akong pumasok sa cr dahil bigla na lamang sumakit ang puson ko. Napangiwi ako sa sakit.
Shit! Ang sakit.
Napahawak ako roon. Damn! Mayroon yata ako ngayon. Mabuti na lamang at hindi ko pa naisuot ang damit namin. Kaagad akong nagpalit at naramdaman muli ang pagkirot 'non.
"Cyrene, you okay?" Tanong ni Miss M. Tumango ako at pilit na ngumiti. Minsan, nahihinto ang sakit at minsan naman ay bigla na lamang kumikirot.
We arrived early at the Araneta. May dalawang grupo na rin kaming nakasabay. Napainom ako sa aking tubig at napahawak muli sa aking puson. Ang sakit talaga!
Para akong nilalamig at nanghihina. I tried to fight these pain so that I can join this battle.
"Ayos ka lang?" Lumapit sa akin si Mia at hinawakan ang aking noo.
"Yup. Ayos lang."
Mabilis natapos ang battle at bukas na namin malalaman kung sino-sino ang mga makakapasok sa semis. Mabuti na lamang at napagtagumpayan ko kanina ang performance namin. Nandoon siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin, bahala talaga siya.
Napairap ako sa kawalan at napangiwi sa sakit.
Nagpaalam na ako para mauna nang makauwi. Halos takbuhin ko na ang labas para lamang mabilis makapara ng taxi.
Gosh! Ang sakit sakit ng puson ko! Parang dumidilim na ang paningin ko habang nakatayo ako sa labas ng Araneta. Hindi ko na talaga kaya!
Nararamdaman ko na talaga na babagsak na ako. Nang makita ko ang anino niya habang tumatakbo papalapit sa akin ay halos magsigawan ang mga tao. Pinigilan sila ng mga body guards niya. I just felt my body carries by him.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."