Chapter Fourty

4.9K 125 16
                                    

Beautiful

"You know what, couz? You should get a boyfriend!" sigaw ni Nicole.

Napairap ako at umiling sa kanila. Panay ang tukso nila sa akin ngunit hinahayaan ko iyon. I am here in an exclusive bar with my cousins. Nicole, Corine and Via.

"Yeah right! Sino ba yung bumibisita sa inyo? Si Darylle ba 'yon?" Tawa ni Corine at itinaas ang kaniyang tequilla.

"Whoa! Let's party, people!"

Napatawa kami sa sigaw ng DJ. Naghiyawan ang mga tao at nagsipuntahan sa dance floor.

"No! Hindi si Darylle. Si Ian…" ngisi ni Via.

Umiling nalang ako at uminom sa aking alak.

After a year of staying here in LA. Mas naging close ko ang mga pinsan ko.

Lagi nila akong niyaya lumabas at pumapayag naman sila mommy at daddy. Hinila nila ako kaya wala akong nagawa kung hindi ilapag ang baso ko at sumayaw rin.

"Whoa! Let's get it on! Hands up baby move move!" sigaw ulit ng DJ. Tumawa kami at itinaas ang aming mga kamay. Ilang sandali pa ay umalis na ako doon. It's super enjoyable but I'm tired, already.

Umuwi rin ako agad. Nagpa-iwan sila kaya nagpaalam na akong lumabas na.

Pumasok ako sa aking sasakyan at ibinagsak ang aking bag sa front seat. Yep, natuto na rin akong magmaneho. Palagi rin kaming nag-uusap nila Mama, Papa at Kuya. I badly missed them but sa susunod na buwan pa ang uwi ko.

"Oh. Hello hija, where is your other cousins?" tanong ni Lola.

I kissed her cheek. She laughed. "How sweet. I love you apo." Dagdag niya.

"Ayaw po nilang umuwi, e. Nag-eenjoy pa." ngiti ko.

"Magpapalit lang po ako." Sambit ko at umakyat na sa aking kwarto.

Napatingin ako sa aking cellphone. Audrey got mad. Hindi niya ako kinakausap, hindi niya nirereplyan ang bawat text messages ko. I know I was wrong but I want her to understand my situation.

Napapikit ako at napahawak sa aking dibdib. Hope she'll forgive me soon.

Napaupo ako sa aking kama at binuksan ang aking laptop. Tumambad sa akin ang litrato nila. Sikat na sila ngayon at may tatlong dumadagdag sa kanila. Marami akong nababalitaang concert nila. May bago silang labas na music video. Hindi lang sila sa Pilipinas sikat dahil nag wo-world tour na rin silang lahat.

Last year, sumali sila sa isang big competition and guess what? They won.

I let out a big sighed and scroll my news feed.

Mia:

Please, accept our offer.

Ako:

Pag-iisapan ko. I will text you nalang.

Napakagat ako sa aking labi. Si Mia ay isa sa mga member ng Fearless Ladies. Yung mga babaeng nakita ko noong last battle. Gusto nilang sumali ako sa grupo nila. Best friend siya ni Via at ipinanood niya ang video ko sa kaniya. Sinubukan kong sayawin ang isang sikat na sayaw ng BTS. That was just a dare. Napanood nila kaya ngayon kinukulit nila akong sumali sa kanila.

'Got a picture with my idol! Worth it ang pagiging paos'

Tiningnan ko ang isang litrato na  nakaakbay siya sa isang babae. Nakangiti siya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya 'yung babae.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib habang nakatitig sa kaniya. Nagbago ang lahat sa kaniya. His looks became more intense. Tumangkad siya at mas lumaki ang katawan niya.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon