Girlfriend
"Opo, Ma. Ingat po kayo. Yep, I love you."
Nakangiti kong ibinulsa ang aking cellphone. Kausap ko si Mama at gusto niya na umuwi na ako.
Uuwi rin ako pero sa susunod na araw pa. I missed them so much. I missed my two brothers. I missed my friends and yeah, I missed him.
"Move, Trisha! Left side ni Ash. Tama. Okay, start."
We dances the way she likes. Ipinakita rin namin sa kaniya ang mga magagandang istilo namin. Nagustuhan niya iyon. Itinuon ko ang buo kong atensyon sa pagsasayaw namin. Malapit na rin kaming umuwi ng Pilipinas. Alam kong handa na ako.
Handa na akong harapin siya. Nakausap ko na rin sila Zach at ang ibang member ng Delta. Grabe, sobrang nagbago ang itsura nila. Maayos na kami kaya medyo nabawasan na ang pighati sa aking puso.
Siya na lang ang hindi ko pa nakakausap. Ang sabi, busy siya noong tumawag ako. Well, I understand that. Busy talaga siya.
"Okay, break. Mamaya, we'll continue." Sigaw ni Miss M.
Dumiretso ako sa isang upuan at kinalkal ang aking towel. Binuksan ko rin ang bottled water ko para makainom.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa aking bulsa.
Kail calling…
"Hello! How are you, Cy?"
Pinunasan ko ang gilid ng aking labi bago siya sinagot.
"Okay lang! Ikaw?"
"Maayos rin. Uuwi ka na sa Pinas?"
"Oo, e. Namimiss ko na sila, Mama." Napakagat ako sa aking labi.
"Really? Sayang, may tatapusin pa kasi ako dito. Nakakabitin yung pagpunta mo dito noon."
Tumawa ako. "See you sa Pilipinas nalang."
He also laughed. "Oo nga. Para makapagbonding ulit tayo ni Audrey."
"O, siya. Kinamusta lang kita. See you."
Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
Binaba ko ang tawag at saktong pagtawag sa amin ng trainor.
Napapasabay ako sa pagkanta kaya mas lalo akong ginaganahang sumayaw.
"Move! Mia isabay mo sa beat!"
Tumatango-tango si Kwiny ang aming trainor sa beat ng music. Nang magpalit ng kanta ay doon ako magpapaharap. Hindi ako ngingiti doon dahil seryosong pagmumukha ang dapat.
"Tumitig ka sa akin Cyrene and give me your fiercer look."
As what she said, I tried to become more fiercer. Tumango siya at mas tumitig ako sa kaniya.
"Nice. Then, next step. Paharap kayong lahat…one, two, three." Aniya at pumalakpak.
Mabilis kaming nagpaharap lahat. Sa gitna si Xyla, sa gilid ni Mia ako nakapwesto.
Same steps ang ginagawa namin. Slow song. Naiilang ako pero at the same time ay nawawala rin ang ilang ko.
"Wait! Xyla, palit kayo ni Cyrene ng pwesto." Biglang sambit ng trainor. Nakahawak siya sa kaniyang noo na tila may pinag-aaralan.
Ngumuso si Xyla at tumango. Nagpalit kami ng pwesto.
"Try again. In one, two, three. Go!"
Last song, doon na ako mas lalo ginaganahan. Alive ang music at mas madadali ang mga steps. Mas okay para mas malinis ang resulta.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."