Hacked
"No" I lied. Nakangisi pa din ako samantalang siya ay bored na nakatingin sakin.
Well!
"Tss. Liar. Well I don't care if you ditched." aniya at akmang tatalikuran ako kaya pinigilan ko na.
"Wait Klein! You mad?" natatawang sabi ko. Hindi matanggal sa labi ko ang pagngiti.
"What? Tss. Erase what I've ask" walang gana niyang sabi. Mas lalo tuloy akong ngumiti. Nagtaka naman siya kung bakit panay ang pagngiti ko.
"Crazy!" bulong niya. Aha! I hear that.
"On you!" nakangiti kong sabi.
Aalis na sana siya pero pinigilan ko ulit.
"Fvck! What do you want huh?" iritable niyang sabi. Halos mapatalon pa ako ng makitang galit na siya.
Ngumuso ako at humarap sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Uh---are you mad?" nakanguso kong sabi. Hindi niya ako sinagot. Oh! He is, right?
"I'm sorry, I'll not do it again!" sabi ko sa kaniya.
Nagtataka niya naman akong tinignan.
"Tss…I don't care about your works okay? I don't fvcking care" inis niyang sabi.
"Oh no. Don't lie to me Klein, you asked me if I ditched? So it means concern ka sakin. May pakialam ka sakin." nakangiti kong sabi. Mas lalo tuloy kumunot ang noo niya. "Right?"
"Tss. Wala akong pakialam sayo...wala" seryoso niyabg sabi. Napawi bigla ang ngiti sa labi ko. Why is that? okay na eh. Tinanong niya ako kung nag ditch ba ako so…he cared for me, right? or I assumed too much.
"What? You asked, Klein! Kaya papaanong wala kang pakialam sakin. Kung wala ka talagang pakialam sakin eh di ba dapat binaliwala mo ako? but…you're here in front of me. You're concern. You're just denying the fact that you're concern." mabilis kong sabi.
Parang ang bigat bigat ng dibdib ko ng sinabi ko iyon sa kaniya. Tama naman ako di ba?. Kung wala talaga siyang pakialam sakin eh di ba dapat ay binaliwala niya ako.
"Paano ako magiging concern kung wala naman akong pakialam sayo. Tss. You assumed to much." Aniya at tinalikuran ako. Napayuko ako sa sinabi niya. What did he just say?.
Naiiyak ako dahil sa sinabi niya. Ganito nalang ba palagi? Kakainis na. Ang sakit sakit sa damdamin ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam pero naglakas loob pa rin akong lumabas ng school.
Hindi ko na muna inisip ang sinabi niya sakin, sanay naman na ako. He's rude and stone heart person. Dapat hindi ginugusto ang mga kagaya niya eh! Pero shit! I really love him. So damn inlove.
"Hi ma" bati ko kay mama nang nakauwi ako sa bahay. I kissed my mom's cheek and face her.
"Uwian niyo na ba Cy?" takang tanong niya sakin.
Oh my god! For sure pagagalitan ako ni mama.
"Uh ma. Di pa po, di kasi ako pumasok sa klase ko" sabi ko at yumuko. Napasinghap naman si mama sa sinabi ko.
"Cyrene naman! Why did you do that?. Akala ko ba mag-aaral ka na nang mabuti. Di ba may pinag-usapan tayo, I'll support you whatever you want basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo di ba?" Mahinahon ngunit alam kong galit siya sa akin. Nakayuko pa din ako. "Sorry po"
"Tss...Dapat pala sa LA nalang kita pinag-aral---" mabilis na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil baka magbago ulit ang isip niya.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."