Back…
Kinusot ko ang aking mata pagkagising ko. Napangiti ako at bumangon na sa kama. Sinulyapan ko si Klein na mahimbing na natutulog sa sofa. Kagabi, nagmovie marathon kaming dalawa. Nakakakilig at nakakagaan ng pakiramdam.
He never stopped doing that...na pakiligin ako.
Lumapit ako sa gawi niya nang makitang gumalaw ang kamay niya.
Unti-unting iminulat niya ang kaniyang paningin, ang hahaba ng pilik mata niya. Malawak akong napangiti at mabilis na hinalikan ang kaniyang pisngi. I chuckled when he smiled.
"Good morning---Aah!"
Hinila niya ako kaya hindi ko maiwasang mapatili sa gulat. Napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Humalakhak ako at kinurot ang kaniyang braso. Nakahiga pa rin siya samantalang ako ay nakasandal naman sa dibdib niya.
"I love you." He whispered sexily.
Sinubukan kong mag-angat ng tingin sa kaniya at nakitang nakangiti siya sa akin.
"Love you more!" Bulong ko at tumawa.
Sabay kaming bumaba upang makakain ng agahan. May mapanuksong tingin ang itinapon sa amin. Ngumuso ako.
"Good morning, Klein!" Maligayang sambit ni Jen. Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakatitig siya kay Klein.
Siniko siya ni Aila.
"Morning," He answered. Tumango si Jen at napangiti.
I sighed.
"Kain na tayo." Si Luke naman.
Tumango kami at agad na nilantakan ang pagkain sa mesa.
"Here. Want this?"
Napalingon ako kay Klein. I nodded slowly. "Yeah,"
Pinagmasdan ko siya habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking plato. He's so gentlemen. He never forget to care for me.
Nahagilap ng paningin ko si Jen na nakatingin sa aming dalawa. Nang makita niya iyon, napalunok siya at kaagad na nag-iwas ng tingin.
What was that?
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming magkanya-kanya muna. And yes, solo na namin ang isa't isa.
Naglakad lakad kami sa buong resort. Mas hinigit niya pa ako para mapalapit ng husto sa kaniya. Pinagsalikop nya ang aming mga kamay. Nahinto kami sa isang lugar na may magandang tanawin. Hinawakan ko ang strand nito at ipinikit ang aking mata upang damahin ang hangin.
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. He's biting his lower lip. Nakapamulsa siya habang seryosong nakatitig sa akin. Napangiti ako at nilapitan siya.
"Why?" I asked pouting my lips.
He shook his head. Hinila niya ako. Isinabit ko ang aking kamay sa kaniyang leeg. He put his hand on my waist, too.
He lifted my chin. "Look at me."
Ngumuso ako at sinunod ang sinabi niya. Napalunok ako nang napatingin siya sa aking labi.
"I've never been this happy. Thank you, wife."
Mas napangiti pa ako ng malawak dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kaniyang mga titig. Kinagat ko ang aking labi nang mas lumalim pa ang pagiging seryoso ng kaniyang mga titig.
"Hindi na 'to patago ngayon, alam na ng lahat. Masaya rin ako Klein, I've never been this happy too. Ikaw lang ang nakakapapasaya sa akin maliban sa pamilya ko." I smiled.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."