Chapter Fourty-One

4.7K 104 14
                                    

|Short update|

Fearless Ladies

Nagising ako dahil sa sakit ng sinag ng araw na tumirik sa aking balat. Inayos ko ang buhok ko pati na rin ang aking mukha.

I search for my phone when I heard someone's calling.

Halos matapon ko na ito nang pangalan ng aking kaibigan ang nabasa ko.

"Audrey…"

Damn! I missed these girl so much.

I tapped the answer button.

"C-Cy…I-I missed you." Iyak niya.

Hindi ko maiwasang maluha na rin. Shit! Hindi ko aakalaing siya pa ang unang tatawag sa akin. Mahirap siyang paamuhin kaya sobrang nagtataka ako.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanggilid kaagad ang aking luha.

Narinig kong suminghap siya at tumawa.

"Bruha ka! Miss na miss talaga k-kita!" aniya at pumiyok ang kaniyang boses.

Napatawa ako at pinunasan ang gilid ng aking mata.

"I missed you more. Gaga ka talaga! Kamusta na?"

Rinig ko na napahikbi siya.

"Tama na, hoy! Drama nito." Natatawa kong sambit. Kinagat ko ang aking labi.

"Duh, bwiset ka! Ilang buwan tayong hindi nag-uusap, e. Akala ko FO na talaga tayo."

"Hindi 'yan magyayari, no. Sorry talaga. Alam kong alam mo naman ang rason. Ang gulo gulo ng buhay ko, e." Mahinang sambit ko.

"No. It's my fault. Nag-inarte pa ako. Sorry rin."

"Anyways, I have something to tell you. Alam mo bang umamin si Zara sa mga Delta?"

Umayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Umamin na, ano?

"W-What? Sa Delta?"

"Yes. Hindi totoo lahat ng sinabi ni Zara sayo." Huminga siya ng malalim.

Napalunok ako at napahawak sa aking dibdib na sobrang lakas ang kabog. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi niya.

"S-Sorry. Alam kong nakamove-on ka na pero gusto ko pa ring malaman mo ang totoo. Siyempre para maayos na kayo ng ibang Delta."

Napapikit ako ng ilang sandali. Damn! I can't take this! May tumulo sa aking mata, hinayaan ko iyon.

After all these years? Zara! Zara!

"H-Hello? Are you still there, Cyene?"

Tumikhim ako.

"Yes…" mahinahong kong sambit. Pilit na nilalabanan na huwag mabasag ang aking boses.

"Sana magka-usap na kayo ng ibang Delta. You know, nagalit sila ng husto kay Zara. Gusto ka nilang makausap pero hindi mo naman sinasagot ang tawag nila." She sighed.

Napalunok ako at napatango.

"F-Fine. Kakausapin ko sila. Hihingi rin ako ng tawad."

"Thanks. Sana makauwi ka na rin dito. I missed you so much."

Pinunasan ko ang basa sa aking pisngi.

"Yeah. Malapit na. See you!"

"Okay. Bye." aniya at binaba ang tawag.

Nakahinga ako ng maluwag. Medyo gumaan na rin ang aking pakiramdam ko. Surely, I will talk to them soon.

Nagpalit ako ng damit at kaagad na bumaba. Nagpaalam ako kila Mommy at Daddy para mameet si Mia.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon