Chapter Fourty-Four

5.1K 118 21
                                    

Let's forget

Pumasok kami sa isang malawak na kwarto. Base sa mga istilo ng loob ay makikita mo kaagad ang pagiging engrande nito. Bawat gilid ay may mga litrato nilang lahat. Nag-umpisa na namang magrambulan ang kabog sa aking dibdib.

"Only two persons are allowed to come in, Ma'am." Pormal na wika ng isang chinitang babae nang marating namin ang mas magarbo pang kwarto.

Walang nagawa ang iba kundi maghintay na lamang sa baba. Dumoble pa ang kaninang kaba na nararamdaman ko.

"Bakit kaya dalawa lang? Nakausap ko naman sila Zach, a." Bulong niyang hindi ko masyadong naririnig.

Nanginginig ang aking kamay habang sinusundan si Audrey. Halos hindi na ako makapakali nang pumasok na kami. Kinakabahan ako ng husto.

Bahala na!

Pagkapasok namin ay bumalot sa buong silid ang halakhakan nila. Tumambad sa akin ang isang napakaeleganteng silid. Mamamangha ka sa sobrang ganda.

Tumingin ako kila Zach na nakikipagtawanan sa iba niyang kasama. Kinagat ko ang aking labi. Sobrang nagbago rin ang itsura nila. Hinanap nang paningin ko kung nasaan siya and I found him sitting beside that sexy girl. Nakayakap sa kaniya ang babae. His looks changed a lot, too.

Hindi ko matanggal ang paningin ko sa kaniya. They didn't know that we're here.

"Hello, boys! Nandito ako ulit kasama ko si Cyrene!" biglang sigaw ni Audrey kaya napalingon silang lahat sa gawi namin.

Natahimik sila. Hindi ko alam kung tama ba na nandito ako. I smiled akwardly. Si Zach ang unang lumapit sa akin.

"Hello, Cyrene! Ang laki ng pinagbago mo. How are you?" Aniya at pinasadahan rin ako ng tingin.

Huminga ako ng malalim. I smiled at him.

"Super okay. Ikaw? Kamusta na? Rinig ko sikat na talaga kayo." Nakangiti kong sambit.

"Can I hug you?" Nagulat niya ako sa biglaan niyang tanong.

Tumawa ako at tumango. "Yeah, sure."

Nagkamot siya sa kaniyang noo at niyakap ako.

Napatingin ako sa ibang member ng Delta na papunta na rin sa gawi namin. Lumingon rin ako sa kaniya ay nakitang abala siya sa pakikipag-usap sa girlfriend niya. Napawi ang ngiti ko at parang may kirot akong nadama.

Kumalas ako sa yakap at pilit pa ring ngumiti kahit kumikirot ang puso ko.

"Hi, Cy! Uh. Si Bryle, Kent, at Spin. New member ng Delta." Pakilala ni Fourth.

Ngumiti sila sa akin kaya ganoon rin ang ginawa ko. Well, not bad. Magkakakising-edad naman yata sila base on their heghts and looks.

"Nga pala, Cyrene sorry sa mga naging issue noon. Hindi talaga namin akalaing ganoon ang pinagsasabi ni Zara sayo." Singit ni Zach.

Tumango ako. "No. Okay lang. Sorry rin sa mga pinagsasabi ko."

Binati rin ako nila Luke, Miggy at iba pang dating miyembro ng DF.

"Let's forget that issue guys. Tara doon Cy? Audrey." Anyaya ni Fourth.

Umiling ako dahil hindi ko alam kung kaya ko bang maharap siya ng malapitan kasama ang bago niya. Mas lalo lang kumikirot ang dibdib ko. I can't take it.

"Uh. May pupuntahan pa ako. Siguro next time na---"

Hinigit na ako ni Audrey papunta sa gawi nila Klein. Nagpupumiglas ako ngunit pinapanliitan niya lamang ako ng mata.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon