Hello! This is the last chapter, thank you for making this far. Epilogue na po ang susunod. :)
Final Dance Battle
"WHOAAAH! KASALAN NA!" They chanted. Tumawa ako at sinulyapan siya.
He licked his lower lip then he face me with those precious dark pitch eyes.
"Thank you wife, I didn't expect that. Though, I don't care if you forgot my birthday, ang importante sa akin ay kasama kita. I don't mind everything, I don't care what they say, I love you and no one can stop me to love you, my wife." Seryoso niyang sinabi.
"NAKAKAINGGIT PERO BAGAY KAYO!"
"KLEIN AND CYRENE!"
"I LOVE YOU KLEIN! SANA LAHAT!"
Ngumiti ako at tinitigan ang magaganda niyang mata. Napatingin rin ako sa mga mahahaba niyang pilik-mata.
"I love you too, husband," Bulong ko, hinila niya ako at pinatakan ng halik sa aking noo. Maraming nagtilian at naghiyawan dahil doon. Inakbayan niya ako kaya ngayon nakaharap na kaming lahat sa crowd.
"This is my day, so let's continue the party!" Sigaw ni Klein at biglang nagpatugtog ng malakas na music. Tumayo ang lahat ng forcers maging ang mga tao sa harap. Sumabay sila sa Delta Force na ngayon ay tumatalon talon. Maging ako.
"Whoaa! Ang saya!"
"Hey! Hey! Hey!"
"Let's Party over and over again!"
"We love you King KM!"
Humalakhak ako nang isang beses pa akong pinaikot ni Klein at kaagad ring sinalo. Niyakap niya ako ng mahigpit. Binaliwala ko ang mga taong kasama namin na patuloy pa ring naghihiyawan ag nagtatalunan.
"Thank you for making me this happy." Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang aking kamay.
I smiled. Yumuko siya at hinila ako ng marahan para mas mapalapit sa kaniya. "No, you deserve the love too, baby." Returning what did he said at me.
He chuckled. "Wise girl." He pinched my nose.
Napatingin siya sa labi ko, bumaba rin ang titig ko sa mga mapupula niyang labi. Napalunok ako. Nanginginig ang aking mga tuhod kaya napahawak ako sa kaniyang braso.
Nagulat ako nang imbes na halikan niya ako at hinila niya ako at mahigpit na niyakap.
"I know you are not yet ready to do that in public. Don't worry baby, baka mas malala pa ang gawin ko sayo kapag hindi na ako nakapagpigil." Halakhak niya sa aking tainga.
Nanlaki ang mata ko at marahang kunurot ang kaniyang braso. Hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. Ngumuso ako at dinama na lamang ang kilig at saya habang yakap yakap niya sa kaniyang bisig.
Mabilis natapos ang concert nila at ngayon ay sinasalubong na siya ng mga fans nila. Hawak hawak niya ang kamay ko habang ako naman ay nahihiyang nagtatago sa likod niya.
"Happy birthday po, King KM." Bati ng isang chinitang dalagita. She took a picture with us, yep, kasali ako.
"HAPPY BIRTHDAY KM! WHOAAA!" Sigaw naman ng isang grupo na hinaharangan ng mga security guard. Sobrang dami nila at halos silang lahat ay mga head band na may pangalan ni Klein.
Klein waved his hand at them that made them jump in joy. Kinagat ko ang aking labi. Marami pang bumati sa kaniya. Maging ang mga staffs at crew. Nang makapasok kami sa isang exclusive room ay bumungad doon ang mga pagkain at alak. Kaagad na nilapitan iyon ni Fourth at Zach.
"Nice! Where's the chics?" Luke chuckled. Tinapunan siya ni Kent ng tingin at tumawa.
"Padating na." Ngisi ni Zach at nginuya ang kinaing apple.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."