Birthday
"Zach wait! Zach!"
Halos umusok na ang aking ilong para tawagin ang sasakyan ni Zach na kakaalis lang. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako inantay. Kanina ko pa tinatawagan ang numero ni Audrey pero walang sumasagot. What's wrong with them?
Babatakun ko talaga ang babaeng yun kapag nalaman kong hindi niya sinabi kay Zach na sasabay ako.
"Argh! Nakakainis," Naupo ako sa isang sulok at nagtipa ng mensahe kay Audrey.
Ako:
Balikan niyo ako! Ano ba, Drey?
Audrey:
Hala! I'm sorry, Cy. Nakalayo na kami, e.
Umirap ako at idinial ang kaniyang numero.
"Hoy babae! Gaga ka ba? Sino sa tingin mo ang susundo sa akin dito? Grabe! Pag nagkita tayo lagot ka talaga sakin," Dire-diretso kong sabi.
Hiningal pa ako dahil doon. Rinig ko ang pagtawa niya, mas lalo lang ako nainis. Nagawa niya pang tawanan ako? I'm true to my words. Babatukan talaga kitang gaga ka.
"Beh! Beh? Puso mo." She laughed. Napahilamos ako sa aking mukha at muling umirap.
"Sino nagsabing walang susundo sayo? Hello? Nandiyan pa ang asawa mo. Hehe, nakalayo na kami ng husto e, sorry. Ingat kayo mwah."
After that, she hang the call.
"Arghh! Nakakainis!" Sigaw ko.
Napayuko ako at niyakap na lamang ang aking tuhod. Meron naman daw, Cy. May susundo at ang asawa ko raw iyon. Great, right?
I have no choice, e. Kung sana dinala ko rin ang sasakyan ko, solve na. Bahala na nga, hindi nalang ako kikibo pag nasa loob ako ng sasakyan niya. Di bale na iyon basta makauwi ako.
Ilang sandali pa ay may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Bumisina ito dahilan kung bakit nag-angat na ako ng tingin. I know it's him. Huminga ako ng malalim at tumayo na. Inayos ko na rin ang gamit ko nang di tinitingnan kung sino ang nasa driver seat.
Ibinaba nito ang front mirror kaya bumalandra ang kaniyang gwapong mukha sa akin. He looked at me with his poker face. Mabilis niya ring ibinaling ang kaniyang paningin sa harapan. Umirap ako.
Gwapo pero suplado!
Binuksan ko ang pintuan ng front seat at isinarado na ang bintana nito. Napalunok ako at huminga ng malalim.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
I saw on my pheriperal vision that he touch something. Isinandal ko na lamang ang aking katawan sa gilid at tahimik na nakatingin sa kawalan. Kasabay noon ay ang pagtugtog ng isang nakakabighaning kanta.
Nagulat ako ng hininto niya ang sasakyan at mahinang sinabayan ang kanta. Sobrang lamig ng kaniyang boses. Kaagad na nanggilid ang aking luha ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Nasasaktan ako habang pinapakinggan ang malalim at malamig niyang boses. Tila nanlalambot ako. Hindi ko alam. Sobrang nakakapaghina ang bawat mensahe ng kanta. I know, we are in ungood situation.
Mas pinanatili ko pa ring hindi siya tingnan. I know it's awkward. Kumakanta siya while I am here. Walang kibo, tila walang pakialam ngunit hindi naman
"I'm sorry. I'm sorry for what I did. Nag-aalala lang ako. Hindi ko gusto na mapaaway ka muli dahil sa akin. Kaya ko silang pahintuin para sayo. I'm a lover not a fighter but I will fight for what I love. You don't need to fight them, baby coz fuck! I will. I fucking will." Seryoso niyang wika.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Roman pour Adolescents"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."