Short update everyone!
Male bestfriend
"CYRENEEEEEEE!"
Argh. Si Audrey 'to malamang. Lakas talaga nang bunganga niya. Tss.
"Ingay mo" suway ko nang makalapit siya sa akin.
She pouted her lips. "Hays. Hindi ako maingay maganda lang. Ikaw naman ang tahimik mo"
"Hindi ako tahimik dyosa lang" paggagaya ko sa sinabi niya kaya binatukan niya ako.
Napangiwi ako.
"Damn you, Santos!" sigaw ko at hinawakan ang batok ko. Ang sakit 'nun.
"Hehe. Sorry naman daw Tolentino. Hindi ko lang nakontrol ang kamay ko hehehe" aniya at tumawa nang parang baliw.
Inirapan ko siya. "Suri na ati" aniya at nag boses bisaya pa.
Pilit kong kinokontrol ang sarili ko na 'wag tumawa.
"Ati alam kung maganda naman ikaw piro kasi mas maganda lang ako ih." aniya at pinakurap kurap pa ang mata sa harap ng mukha ko.
"Gago. Hahahaha"
"Hinyi ango ngango ngo." aniya at nagboses ngongo naman.
"Shit hahaha. Alis nga diyan." Utas ko. Tumawa ang bruha at tumabi sa akin.
"Sus! May tinitignan ka no. Hahaha" tukso niya.
Tumingin ako sa kaniya at umiling. "Wala. May iniisip lang ako." Agap ko.
"Ano naman daw yun?"
"Wala ka bang napapansin na parang weird?" I asked.
I looked at her.
"Weird?" Nagkibit siya nang balikat.
"K-kay Klein."
"What about him?" she asked. I let out a big sighed.
"Siyempre diba. Dati dati lang hindi niya ako pinapansin tapos bigla bigla nalang na naging mabait siya sa akin. Naging caring siya sa akin." Naguguluhan kong tanong.
Kumunot ang noo niya at napaisip na rin. "Well---ang weird nga."
Ngumuso ako.
Hindi ko lang kasi maiwasang isipin kung ano nga ba ang rason. I've been his fangirl for a damn years at sa nagdaang taon na iyon ay napakasuplado niya sa akin. Nagtataka lang ako kung bakit bigla bigla na lang siyang naging mabait sa akin.
"Ang weird nga pero haler? Wag mo na ngang isipin 'yan." aniya at inisnap ang darili niya sa mukha ko.
Tumango ako at ngumuso ulit.
Hinihigit na ako ni Audrey sa kung saan at pagkatapos noon ay nagpasya kaming mauna na sa meeting place namin since busy ang lahat sa nalalapit na intramurals.
Napagmetingan rin namin ang lahat ng gagawin sa battle na sasalihan ng DF. Nagpasiya rin kami na maghanda nang mumunting victory party pag nanalo sila. Masyado mang assuming dahil naghanda kami kaagad ng ganoon kahit wala pang kasiguraduhan na mananalo sila pero duh…DELTA FORCE 'to. Kaya malaki ang tiyansang kami ang mananalo.
Nandito ako ngayon sa bahay kauuwi ko lang galing sa isang pagawaan ng shirts. Nagpaprint ako nang sosootin namin sa battle nang DF. Sumama naman si Audrey sa akin dahil wala daw siyang magawa.
"ANG BORING!" sigaw ni Audrey at sumalampak sa kama ko. Kanina pa 'yang reklamo nang reklamo dahil naboboringan daw siya.
Natatawa lang ako sa kaniya habang nakatuon pa rin ang buo kong atensyon sa laptop.
"Ano kaya pwede kong gawin!?"
"Maglaro ka sa cellphone mo!" Tumingin ako sa kaniya at tinapon sa kaniya yung throw pillow. Sakto naman 'yon sa mukha niya.
Tumawa ko. Humanda ako dahil alam kong gaganti siya pero hindi. Nagkamali ako dahil hinayaan niyang nakalagay pa rin ang throw pillow sa mukha niya. Hindi niya man lang tinanggal.
Abnormal hahaha.
"Lowbat. Labas tayo, Cy?" Tinanggal niya ang throw pillow sa mukha niya at umupo.
"Yoko. Mas prefer kong magkulong dito."
Ngumuso siya at pinaglaruan 'yong pillow.
"Sige na kasi. Ililibre naman kita eh" aniya pa.
Humalakhak ako. "Hahaha. Saka na. Tinatamad talaga akong lumabas"
"Bruha ka talaga! Sige 'pag ikaw magyayaya aayaw din ako" Umirap siya at binato sakin 'yong hawak niyang throw pillow.
Tumawa ako at sasagot na sana nang nagvibrate 'yung phone ko.
Kail Calling…
Nagulat ako pagkakita ko sa pangalan niya sa phone ko. Ano nakain ng ugok na 'to.
"Hello?"
"Sino 'yan, Cy?" kyursong tanong ni Audrey. I mouthed her "Kail".
Nanlaki ang mata niya nang nagets ang sinabi ko. In-loud speaker ko para mas maayos namin siyang makausap.
"Hi! Cyrene. You're with Audrey?" Aniya na nahihimihagan ko ang pagkaexcite sa boses niya. Bakit kaya?
"OMG! YES! I'm here, Kail panget!" sigaw ni Audrey.
"I HAVE A GOOD NEWS!"
Nagkatinginan kami ni Audrey. Tumili siya samantalang ako ay nakakunot ang noo, pilit kong iniintindi kung ano 'yon?
"OMG! DON'T TELL ME YAHHH" sigaw ni Audrey sa sobrang lakas. Napatakip pa ako sa tenga ko.
"Arghh! Can you please share that thing to me?" ani ko pero hindi yata ako narinig ni Audrey.
"OMG! OMG! KAIL I CAN'T WAIT TO TO YAHHH"
"Audrey!" sigaw ko. Narinig ko pa ang tawa ni Kail.
"Nakalimutan mo no." Natatawa niyang sabi sa kabilang linya. And I know he's referring to me.
"Ano ba kase 'yon?"
"KAIL HA! YUNG SINABI KO!" napaaos pa ring sigaw ni Audrey.
Umirap ako sa kawalan at bumuntong hininga.
"Bahala nga kayo! Ayaw niyo namang sabihin yang ano na 'yan!" iritado kong utas.
"Hahaha! Drey. Sabihin mo na kasi kay Cyrene kung ano daw 'yon" halakhak ni Kail.
Tumingin si Audrey sa akin at tumawa. "Grabe! Ilang taon ka na ba? Masyado kang makakalimutin ati" tumawa siya kaya binatukan ko na.
"Aray!"
"Ano sasabihin mo ba o hindi!?" masungit kong sabi.
Tumawa ulit siya. "HAHAHA taray mo ha. Eto na…natatae ka ata e" aniya pa. Hindi ako sumagot.
"Oh! Mag-aaway na naman kayo niyan" singit ni Kail.
"Okey. Ganito kase alam mo 'yong good news ni Kail? Ansabe niya aasawahin ko na si Jungkook kay----"
Hindi ko siya pinatapos. "WAG MONG MAAGAW AGAW SAKIN ANG ASAWA KO HA! KAIBIGAN LANG KITA KAYA SUSUPALPALIN TALAGA KITA 'PAG INAGAW MO SIYA SA AKIN!" Sigaw ko at tinapon sa kaniya 'yong isa kong unan.
"ARAY KO PO! F.O na tayo! Sige you never love me enough pala!" natatawa niyang sabi at kunwari pang nagtatampo.
"Gago ka! Ano na kasi! Naiirita na ako ha."
Tumawa siya nang tumawa. Sasagot na sana siya nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Ang tagal niyang sabihin eh kaya ako na lang. Surprise! I'm back!"
Nanlaki ang mata ko. Hindi makapaniwala na our male bestfriend is back!
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."