Battle
"MAKE SOME NOISE PEOPLE!" buong lakas na sigaw ng master of ceremony.
Humiyaw ang lahat ng tao dahil sa sigaw niya. Ngayon na ang battle ng Delta laban sa ilang mga dancers rin. Crowded ang venue dahil sa battle ngayong gabi. Nandoon na ang ibang Kleinsters at ako lang ang nasa labas. Pinagpapawisan na ako sa nerbyos. Baka hinahanap na ako ni Klein.
Hinahanap ko yung babae na gumawa ng shirts namin. Sabi niya ay ibibigay niya nalang before magstart ang program. I already texted her. Malapit na raw siya.
Napasapo ko ang noo ko dahil ngsisigawan na sila sa loob.
From Audrey:
Where are you?
From Lia:
Cy! Hayaan mo na 'yang shirt. Halika na dito.
Napakagat ako sa aking labi dahil sa text nila. Sayang naman yung shirt kung hahayaan ko nalang. Bago pa ako makatipa ng mensahe ay may narinig akong humihingal sa likod ko. Napalingon ako at nakitang yung babaeng gumawa ng shirt namin.
"Sorry ma'am. Nasiraan kasi yung sasakyan kaya tumakbo nalang ako." Aniya at kinakalma ang sarili.
Tumango ako. "Sige okay lang po."
Kinuha ko na ang mga damit at binigay sa kaniya ang bayad. Kumaripas ako nang takbo at nakipagsiksikan pa ako dahil sa dami ng mga tao.
"Buti naabutan mo siya?" sigaw ni Audrey dahil sa ingay ng mga tao.
Tinakpan ko ang isang tainga ko at tumango.
Isnuot din namin kaagad yung shirt. May nakasulat na '#forcers' sa likod at sa harap ay FIGHT DELTA FORCE.
Bago pa ako makatuntong sa pwesto ko ay tumunog na ang cellphone ko.
Klein Calling…
"HELLO?" sigaw ko.
"What? Hindi kita marinig Klein!" sigaw ko ulit.
Napatingin ang ibang Kleinsters sa akin. Ngumisi sila.
Binaba niya ang tawag. Napakunot ang noo sa ginawa niya.
From: Klein
I want you to go here.
Ako to Klein
Okay. Papunta na ako.
Napangiti ako sa tinext niya.
Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko para puntahan sila Klein.
Binasa ko ang mga rooms doon at wala pa akong nakikitang room ng DF.
Marami na akong nadaanan. Hwarriors, SilentTricks, TheDancers, FearlessLadies and many more. Ngayon ko lang din napansin na may mga babaeng sumasali rin sa mga battles. Nahawi ng paningin ko ang isang grupo nang kababaihan na nagtatawanan sa isang silid.
Napalingon sa akin ang isang babae at nagtaas ng kilay. She's pretty. Their outfit made them sexier. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paghahanap.
Napapikit ako nang muntik na akong matalisod, mabuti nalang may humawak sa akin bilang suporta.
"T-Thank you." Tumayo ako nang maayos. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa nangyari.
I looked at this person.
Lalaki siya. Matangkad at may itsura. Yes. He looks like he's one of the dancers.
He looked at my shirt.
"You're a fan of Delta?" he asked.
Tumango ako.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."