War
I let out a deep sighed. I tried to act cool and normal. Mabilis kong pinahid ang basa sa aking pisngi nang may kumawalang tubig sa aking mata.
Nang maaninag ko ang lalaking nakangiti habang nakikipagkwentuhan sa kaniyang kaibigan ay halos manlambot ako. His smile can melt me.
"Shut up, Zach." Natatawang aniya. Tumawa rin si Zach. Napa-iwas ako ng tingin at dumire-diretso na lamang.
Nakita ko pang napatingin si Klein sa akin at tumayo.
"Cyrene! Halika nga dito. Ikaw babae ka." Si Audrey. Huminga muli ako ng malalim at nilingon sila.
"Yup, m-may kukunin lang ako." Ngiti ko. Wala naman talaga akong kukunin kung saan. I want to be alone. I want myself to slap me. I hate this feeling!
Ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Tumahimik silang lahat.
Hindi ko na talagang hindi mapatingin kay Klein, seryosong seryoso siya habang nakatitig sa akin. Sinusuri ang bawat reaksyon ko. Halos manuyo ang aking lalamunan.
"Ano naman daw yun, teka? namumula yung mata mo, umi--"
"Napuwing! Basta, kailangan ko lang kunin." Pagpuputol ko sa kaniya. Nangunot ang noo niya at tumango na lamang.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin bago dire-diretsong naglakad papalayo roon. Nanggilid ang aking luha pagkatalikod ko sa kanila.
"Ano ang kukunin mo?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang kaniyang boses sa likuran ko.
"Y-Yung cellphone ko." Pangangapa ko ng sagot. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya habang binubuksan ko ang pintuan ng kwarto namin.
"Hawak hawak mo ang cellphone mo. Alam kong hindi iyon, now, tell me what really it is hmm?" Malambing na aniya.
Gusto kong sampalin ang mukha ko sa katangahan. Napatingin ako sa kamay kong may hawak na cellphone.
Nainis ako dahil sa tanong niya. Pinilit ko pa ring hindi siya tingnan hanggang sa nabuksan ko ang pintuan.
Hindi ko siya sinagot. Tumulo muli ang aking luha at hindi siya nilingon. Napatakip ako sa aking bibig nang may mahina akong humikbi.
Nagulat ako nang pinaharap niya ako sa kaniya. Kaagad akong yumuko ngunit alam kong nakita niya ang mukha ko.
"What happened?" Malamig na wika niya.
Hindi ko siya sinagot.
He lifted my chin. "Ano ang nangyari? Maayos ka pa noong nagpaalam kang may pupuntahan ka saglit, and damn, why are you crying now?"
Nahihimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang tono. I shook my head as response on his question.
"Look at me, Cyrene."
Pinahid ko muli ang luha sa aking pisngi at aambang tatalikuran siya nang kaagad niya ring hinila ako.
"Were not yet done talking! Please, sabihin mo sa akin. Fuck! I don't want you silent, para akong nababaliw kakaisip kung anong problema." Malambing na sambit niya.
Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng aking luha.
"U-Uuwi na ako." Humikbi ako
Nagulat siya sa sinabi ko. Yeah, I wanna go home. Aalis na ako dito. Hindi ko kayang isipin na pinaglihiman niya pa rin ako. Though, hindi man ako nagtanong pero damn! Hindi man lang niya sinabi na si Jen ang sumisira sa akin.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."