Chapter Four

5.7K 151 5
                                    

Tumayo ako sa aking kama at agad nang nag-ayos. Teka, anong oras ba ako nakauwi kagabi?

Dahan dahan akong bumaba para kumain na ng almusal.

"Bakit nalate kang umuwi kagabi Cyrene Jade Tolentino?" Boses agad ni Kuya Justine ang narinig ko sa likod.

I'm dead now.

"Alam mo Just may something na yata dito sa kapatid natin, hmm." Napalingon pa ako sa kakadating na si kuya Kenneth.

"May pinuntahan lang naman ako." Agaran kong sabi.

"Talaga?" Nakangising sabi ni kuya Kenneth.

Isip-isip Cyrene lagot ka pag nalaman nilang si Klein na naman ang pinuntahan mo.

"Oo! Hindi, I mean oo nga kuya." Litong lito kong agap.

Kuya Kenneth chuckled and shook my head.

"Be honest Cy, you know me I have my ways..." Agad kong pinutol ang kung ano man ang sasabihin ni kuya Just.

I took a deep breath and close my eyes for a second.

Ano na? Aamin na ako?

Grabe talaga 'tong mga kapatid ko.

"Sorry na, Kuya Kenneth, Kuya Just!" Kabado kong sabi.

They just looked at me, waiting for my explanations.

"After naming magmall ni Audrey, ano...uh...ano kasi..." Napasabunot pa ako sa buhok ko. Ano ba naman 'to. Ang hirap talagang mapaniwala 'tong mga kapatid ko.

"Ano? Come on Cy, tell us we're your brothers." Si Kuya Kenneth naman na nakasandal sa pader namin.

"Okay...pinuntahan ko si ano...Klein." Nakapikit kong sabi. Paano na 'to? Magagalit kaya sila. I opened my eyes to see their reactions but then they just stared at me.

"Sorry na kuya..." Sabi ko habang hindi mapakaling igalaw ang dalawang kamay ko.

Narinig ko pang bumuntong hininga si Kuya Just at umiiling naman si Kuya Kenneth.

Tinalikuran ako bigla ni Kuya Just. Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon.

Lumingon ako kay kuya Kenneth na nakasandal pa din sa dingding.

"Kuya, sorry. Galit ka din ba sa akin?" Naiiyak kong tanong.

"I'm not mad, I'm just pissed a bit. Hinanap ka namin magdamag kagabi tapos na kay Klein ka lang pala." He seriously said.

Hindi ko na talaga kaya, nilapitan ko si kuya Kenneth at yinakap.

Ayokong nagagalit sila sa akin.

"Kuya sorry po. Promise magpapaalam na ako." Sabi ko habang nakayakap sa kaniya. He hugged me back.

Hinagod niya naman ang likod ko kaya mas lalo akong naiyak.

"Yes, please? We're worried. Stop crying now." sabi pa ni kuya.

Humiwalay ako sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon