Sister
Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako. Tanghali na at ngayon palang ako bumangon. Inaantok pa rin ako. Mapait akong napangiti nang naalala ko kung ano ang nangyari kahapon. Hindi dapat ako masaktan ng ganito dahil ginusto ko rin naman.
Maybe we really not meant to be. Makakatagpo rin siya ng babaeng mamahalin niya. At alam kong ganoon rin ako. Gusto kong magfocus sa pag-aaral ko muna. Tama na muna yung love life. Tama na muna ang pagfa-fangirl.
Ilang linggo na rin ang lumipas noong huli kaming nag-usap. Ganoon rin sa ibang member ng Delta. Hindi na rin ako sumasama sa mga gimik ng kagrupo ko. Alam na ng lahat na wala na kami. Marami na naman ang lalantad na katulad ko.
Yung baliw na baliw sa kaniya.
"Asan si bunso?"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.
"Pa! Nandito ako." Masayang sigaw ko at nilapitan si Papa. Parang nawala ang antok ko dahil sa biglaang pagdating ni Papa.
Tumawa sila sa reaksyon ko.
"Kailan ka po nakadating?" Sambit ko at kumalas sa yakap.
"Kaninang umaga. Tumangkad ka, a." Ani Papa at ngumiti sa akin.
Ngumuso ako. "Hindi ba gumanda, Pa?"
"Hindi e." Aniya kaya nagtawanan ang dalawang epal kong kuya.
"Joke lang bunso. Syempre naman, mana sa Papa e, diba?"
Ngumiti ako at tumawa. Marami pa kaming pinagkwentuhan. Nag-asaran at tawanan lang kami.
Parang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na muna ginamit ang cellphone ko.
Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig. Tumingin ako kila kuya na nakikinig kila mama at papa na seryosong nag-uusap. Kumunot ang noo ko.
Nahinto ako saglit para pagmasdan sila. Napangiti ako. My family.
Kita ko ang pagsasalita rin nila kuya. Halos hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan kaya nagpasiya akong lumapit sa kanila
Mas lalo akong nagtaka nang pagdating ko ay tumahimik sila. Napanguso ako.
"Ang dadaya niyo, e. Magshare naman po kayo diyan." Nakanguso kong sambit at naupo sa tabi ni mama.
"H-Ha? Ano naman ishe-share namin sayo 'nak?" Ani mama at awkward na tumawa.
"Yung pinag-uusapan niyo po."
"Chismosa mo talaga." Biro sa akin ni kuya Just kaya itinapon ko sa kaniya ang isang throw pillow.
"Wala naman kaming pinag-uusapan, bunso." Singit ni Papa.
Ngumuso ako at tumahimik nalang.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako para lumabas saglit.
I wear my earphones to escape the world. The reality. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nagsusuot ako ng earphone. Pakiramdam ko ay may sarili akong mundo. Yung walang saya at sakit.
I spread my hands to feel the cold embraced of the wind. Napatingala ako.
Ilang oras pa akong nagmuni-muni bago ko napagdesisyonang umuwi.
"Lando! She is my daughter! Anak ko siya!"
Kumunot ang noo ko pagkatanggal ko sa aking earphone. Huh? What's happening?
"Oo. Please calm down, okay. Yes. She's our daughter. Pero how about them? They have the right to know her." Rinig kong sambit ni Papa.
"Pa! Ma! Please, sa kwarto nalang kayo mag-usap. Baka dumating siya at marinig niya." Kuya Kenneth's voice in.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."