Seduce
"Uh..where's my room?" Nakagat labi kong tanong. Naglakad siya papalapit sa akin.
"Here. This is our room. Asawa naman kita kaya wala namang problema doon." Mapaglarong aniya.
Ngumuso ako upang hindi ipahalata sa kaniya na kinikilig na naman ako. That asawa thingy, e!
"I'm serious, Klein Marcus." Irap ko.
Imbes na sagutin niya ako ay ninakawan niya ako ng halik sa pisngi. Tumawa siya dahil sa reaksyon ko.
"Klein Hercle Marcus!" sigaw ko. Tumawa siya at itinaas pa ang dalawang kamay habang lumalapit siya sa akin.
"Sorry na, boss. Galit ka na naman sa akin." He laughed. Nakaupo ako sa isang mahabang sofa sa loob ng kaniyang kwarto. We're here in a exclusive hotel. Maraming nakabantay na security guard para sa kanila.
"Dito ka na sa kama, ako na sofa. Trust me, safe ka sa akin. I respect you so much." He smirked.
Kumunot ang noo ko at sinuntok ko ang kaniyang balikat. Mas lalo lamang siya tumawa.
"Bakit pangisi-ngisi ka diyan!" Nakanguso kong singhal. Nagkibit siya ng balikat at umiling.
Tumayo siya at sumalampak sa kama. He spread his arms.
"I'm damn tired." He murmured. Pinagmasdan ko siya habang kinakagat niya ang kaniyang labi habang diretsong nakatingin sa kisame.
"Come here, wife. I won't bite you if that's what you scared of." He laugh sexily.
Napalunok ako at pinanood na lamang siya.
"Heh! Magsho-shower lang ako. Kaya umayos ka." Tumayo ako at mariin siyang tiningnan.
Masigla siyang bumangon at mas lumaki ang ngisi sa labi.
"Really? Nawala bigla ang pagod ko. Can I join, you?" Kindat niya. Kinuha ko ang isang throw pillow at itinapon iyon sa kaniya. Tumawa siya. Aamba pa sana ako na tapunan ulit ang mukha niya ngunit tumayo para pigilan ako.
Napatili ako nang hawakan niya ang magkabilang kamay ko. Tumawa ako at pilit na kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin.
Ikinulong niya ako sa kaniyang bisig. Napasandal ako sa dingding habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Pumungay ito at naging seryoso bigla. Natahimik ako at kinabahan agad.
Napatingin ako sa kaniyang labi. Ibinalik ko ang paningin sa kaniyang mga mata at nakitang pinagmamasdan niya lamang ang bawat tingin ko.
"Got you." Mahina niyang bulong. Napalunok pa ako ng ilang beses at mas lumakas ang pagkabog ng aking dibdib. My knees are trembling. Kinagat niya ang kaniyang labi at pinipigilan ang pagngisi.
"Are you…s-seducing me?" Nanginginig kong sambit.
Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako kahit alam kong wala na akong iaatras pa.
"I'm not. Why? Naaakit ba kita?"
Nag-iwas ako ng tingin at napapikit. I shook my head repeatedly. Damn! Damn!
"N-No. Uh...Excuse me?" Kinakabahang sambit ko nang nararamdamang mas seryoso na siya ngayon. Napatingin pa siya ng isang beses sa aking labi.
Tumango siya at napalunok. Tumingin siya sa akin at umatras.
Napayuko ako at pinaglaruan na lamang ang aking mga daliri. Gosh! That was so akward. It's our first time that we'll be in the same room.
Kinagat ko ang aking labi at dire-diretsong pumunta sa bathroom. Nakahinga ako ng maluwag pagkapasok ko. Napahawak ako sa aking dibdib na hanggang ngayon ay kumakabog pa rin.
"Whoa! Relax, Cyrene..."
Pagkapalit ko ay kaagad rin akong lumabas. Luminga linga ako para hanapin siya. Lumabas ba siya?
I sat down on the bed and dried my hair.
"Klein?"
Huminga ko ng malalim. Nasaan na ba siya?
Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig ako sa aking likuran. Napalingon ako at napatili sa kaba. Humalakhak siya at hinila ako para mayakap.
"Sorry. I just went out." He whispered. Kumalas ako at inirapan siya.
"Masyadong mainit kanina kaya nagpahangin lang ako." Rason niya.
I let out a deep sighed and I slowly nodded.
"Uhm...Let's sleep?" I changed the topic to escape the awkwardness.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.He nodded.
"Ako na sa sofa, may concert pa kayo bukas, diba? Ako na diyan para hindi ka mahirapan." Suwestiyon ko.
"No. I'm okay. Ikaw na diyan." Aniya at nahiga na sa sofa. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya. Ngumuso ako at unti-unti na ring humiga sa kama.
Hindi ako makatulog kaya balikatad ako ng baliktad. I turn off the lampshade but nothings changed. Sumulyap ako kay Klein na nakatakip ang kaniyang braso sa kaniyang mukha. I took the comforter and I covered my face. Kinagat ko ang aking labi.
Napabangon ako at binuksan muli ang lampshade.
"You can't sleep?" Napalingon muli ako sa kaniya at nakitang nakaupo na siya ngayon.
Marahan akong tumango. "Y-Yeah."
Nakatitig pa rin siya sa akin. "Can't sleep, too."
"Why? Hindi ka ba komportable diyan? A-Ako nalang kasi diyan."
Mariin niya akong tiningnan.
"You think I will allow you to do that? Tss." Masungit na aniya sa akin
I heard him sighed. He looked at me.
"Matulog ka na. Babantayan kita."
Hind ako umimik. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Humiga ako at tumingin na lamang sa kisame. Ganito naman yata ang pakiramdam kapag nasa iisang kwarto na lamang kami. Damn! Hindi talaga ako makatulog. I looked at him. Binabantayan niya nga ako.
Nagkatinginan kami at nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Napabangon ako agad at pinagmasdan siya habang humihiga sa aking tabi.
"What are you doing?"
"Sleep now. Maaga pa tayo bukas." Aniya.
Napalunok ako at hindi na umangal. I tried to close my eyes. My heartbeat became more faster.
Naramdaman ko ang biglaan niyang pagyakap sa akin. He hugged me so tight. Napangiti ako at hinawakan ko ang braso niya sa aking tiyan.
"Sleep now, wife. I love you."
"I love you, too." Paos na paos kong sambit.
Nakakakiliti ang kaniyang hininga sa aking tainga. I bit my lower lip. Naramdaman ko pa ang paghigpit pa ng kaniyang yakap sa akin pati na ang paghalik niya sa aking buhok.
Sobra sobrang emosyon ang nararamdaman ko. Kaba at kilig. He is the only man who can give this kind of feeling on me.
Kapag kasama ko siya, lahat na lamang ay nagiging maayos. I love him, so much.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."