Intramurals
"Kuya paabot ng bread." Sambit ko nang hindi siya tinitingnan.
Klein:
Wait me. Malapit na ako.
Ako:
Sure! Hihintayin kita. Ingat ka! :)
Klein:
Okay. I love you.
Narinig ko ang tikhim niya kaya napalingon na talaga ako kay kuya. Nakatingin siya sa aking cellphone.
"Kuya?"
Nginuya niya ang pagkain sa bibig niya habang nakataas kilay na bumaling sa akin. "Paabot ng tinapay."
"Stop texting, will you? Kumakain ka pa e." Inis na aniya at inabot sa akin ang tinapay.
Ngumuso ako at sinulyapan ang cellphone kong may mensahe ulit.
Klein:
Hey…
Ako:
Sorry. I love you too. Kain lang ako.
Inis na bumuntong hininga si kuya kaya inilapag ko na ang cellphone ko.
"Hindi ka papasok Just?" tanong ng kadadating na si kuya Kenneth.
"Nope. Mamaya pa." Ani kuya Just at kumain na lang.
Well, kahapon lamang kami nagkabati ng mga kuya ko. It's all because of I and Klein were in relationship. Nagalit sila kuya dahil sa pagsaway ko sa kanila. Alam na rin ni papa na may boyfriend na ako. Tanggap na nila ngayon. Normal lang naman ang magkaboyfriend sabi ni mama basta huwag daw isuko ang bataan.
"Whoa! Intramurals na bukas!" sigaw ni Audrey.
"Miss ko na si Kyle!" dagdag niya.
Kail continued his studies in Italy. Yep. Binawi rin ng daddy niya na dito siya mag-aral. Napilitan siyang um-oo lalo na't nandoon ang business nila. Nagkasakit ang daddy niya kaya kailangan nila si Kyle doon. Masakit man pero ayos din dahil naiintindihan namin ang desisyon ng kaniyang ama.
"Whoa." Tukso ni Audrey. Huminto sa tapat namin ang isang puting sasakyan. Iniluwan 'non ang mala-Adonis kong boyfriend.
Nakangiti siyang naglalakad papunta sa akin.
He kissed my cheek. Tumikhim si Audrey kaya napatawa ako.
"Una na ako, Cy. Kita kits sa school." Nakangising aniya nang may isang sasakyan ang nahinto sa harapan niya.
Ngumiti ako at tumango.
"Let's go?"
Tumango ako at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hindi ko maiwasang hindi purihin ang itsura niya ngayon.
Mas lalo siyang gumwapo. Damn!
Ngayon na ang final practice sa iba't ibang laro. Sobrang kinakabahan ako ngayon kahit bukas pa naman ang laban.
Pagkababa namin ay kaagad na hinawaka niya ang kamay ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi iyon pinansin ni Klein kaya ganoon rin ang ginawa ko.
Bakit pa ako magpapaapekto.
"Wrong move. Ito dapat."
Napasapo ako sa aking ulo nang makitang mali nga ang naigalaw ko.
"Shit! Oo nga."
"Baby you can't take back your move. Touch move, touch down."
Tumango ako sa sinabi ni Klein. Kailangan ko pa yatang magpractice ng mabuti.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."