Chapter Fifty-Five

5.4K 136 11
                                    

World Tour

"Hwarriors!" Naghiyawan sila Ian pagkabanggit sa kanilang grupo. Pumalakpak ako at pinanood pa ang ibang contestants na umaakyat sa taas.

"Pasok na rin kayo sa next round...SLG at Fearless Ladies!"

Napatakip ako sa aking bibig at niyakap sila Mia.

"Congrats sa atin! My gosh! Pasok na naman tayo!" Naiiyak na sambit ni Mia at mahigpit na akong niyakap.

"So kumpleto na ng ating top 16! Now, are you all ready to witness again how talented our boys are?!" Nakangiting sigaw ng MC. Nagsigawan at hiyawan ang lahat.

"Oo! Whoaaa! WE LOVE YOU DELTA FORCE!"

"BAGONG KANTA 'TO!"

"WHOAA! VIVIDEOHAN KO 'TO!"

"I LOVE YOU KLEIN!"

"CHILL, EVERYONE. RELAX AND ENJOY!" Dagdag nila at umexit na.

Nang lumabas silang sampu ay mas lalo pang nagkagulo ng todo. May hawak silang microphone. I think, eto 'yong bagong sarili nilang kanta sa music video nila.

"What's up, Forcers!" Sigaw ni Klein na siyang nagpawala sa mga kababaihan.

Halos hindi na ako makanood ng maayos dahil pati ako ay natutulak na.

"Gosh! Ang gwapo pati ang boses!"

"I'm inlove with your voice, KM!"
KQW
"Whoaa! Ang lamig ng boses!"

"Ang gwapo niya talaga." Rinig kong sambit ni Xyla sa aking gilid.

Kinagat niya ang kaniyang labi at may ibinulong kay Zach. Tumawa si Zach dahil doon.

"Whoa! Cute cute mo rin papa Zach!!"

"Babe Miggy!!"

"Solid Forcer here! Walang magbabago!"

Kumanta sila at sinayaw na rin. Parang bumabalik ako sa pagiging fangirl kaya hindi ko maiwasang makisabay na rin. Nakataas ang kamay nilang lahat habang tumatalon.

"I love you, Klein!" Sigaw ko at nakisabay na. Tumawa ako at parang nalalasing sa kaniyang mga dance moves.

"Oh oh baby...baby. I'm your lover."

Pumalakpak ang mga tao pagkatapos nilang magperform.

"WE LOVE YOU OUR DELTA FORCE!" Sabay sabay na sigaw ng isang grupo sa likod na may hawak hawak na malaking banner. Napangiti ako. Naaalala ko pa noon, kasama ko sila Lia at Audrey. Parang kami lang noon ang mga 'yan.

"Grabe! Sobrang saya ng araw ko ngayon. Una, nakapasok tayo. Pangalawa, naka free nood pa tayo sa mga idol natin. Mabuti na lamang taga dito sila sa atin. Inggit na inggit siguro ang mga ibang Forcers sa ibang bansa, 'no." Sambit ni Ashey.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi niya. Sasakay na sana kami sa Van ni Miss M nang may pumaradang sasakyan sa harapan namin. May lalaking bumaba galing driver's seat.

"Ikaw po ba si Miss Cyrene Imperial?" Tanong niya.

Tumango ako at may iniabot naman siyang sulat sa akin.

Can we date? Kung payag ka, sumama ka kay Oscar. -KM

"Sino 'yan? Kilala mo?" Mia whispered at my back.

"Yup driver ng bestfriend ko. Makikisabay na lamang ako sa kanila." I lied.

Nilingon ko naman si Miss M na nakikinig sa amin. She smiled before she slowly nodded at me.

"Sige po. Una na ako, congrats to us."

"Ma'am sa condo 'ho raw kayo ni Sir Klein." Sambit ni kuya habang nagmamaneho. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon