The tour
"Ready na ba ang lahat?" Rinig kong sambit ni Mr. Lee. Iginala niya ang kaniyang paningin at nahawi niya ako. He stepped forward to near me. Kinabahan ako.
"Hello, Miss. Are you one of our stylist?"
"Tss…Does she looks like an stylist? Pwede namang asawa ko na sasamahan ako." Ngisi ni Klein at kinindatan pa ako. Masama ko siyang tiningnan. Naghiyawan sila sa kaniyang sinabi.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya nangapa pa ako ng pwede kong irason.
"Miss?"
"Hindi ka ba naniniwala sa akin, Mr Lee. She's my gir--" Halos manlaki ang mata ko sa sasabihin niya kaya kaagad ko siyang inunahan.
"His girl…girl assistant po." I tried to act normal. Pilit rin akong ngumiti. Tumingin ako kay Klein na nakangisi pa sa akin.
Sa tingin ko'y napaniwala naman s Mr. Lee dahil unti-unti itong tumango.
"So? Sasakay ka sa private plane niyo Klein?" Tanong ni Mr. Lee. Nauna nang nagsipunta ang ibang DF sa eroplano.
Tumango lamang si Klein. Tumingin sa akin si Mr. Lee at nagtaas ng kilay. "Let's go?"
"She's coming with me. Asawa ko 'to kaya sa akin sasama." Halakhak niya at inakbayan pa ako.
Tumawa si Mr. Lee. "Mag-ingat ka diyan…what's your name again?"
"Cyrene po." Sambit ko.
"Mag-ingat ka kay Klein, Cyrene. Maraming chics 'yan. Maraming-marami." Tumatawang sambit ni Mr. Lee at tinalikuran na kami.
Malamig na nagsaludo si Klein kila Fourth na nakatingin sa labas. Naka-akbay pa rin siya sa akin.
Tinanggal ko ang kaniyang kamay sa aking balikat. "So? Nambababae ka pala 'nung wala na tayo?" sarcastic kong sambit.
"Hindi, a. Hindi ako ang lumalapit sa kanila, kusa silang lumalapit sa akin pero hindi ko naman sila gusto." Nakangising aniya sa akin. I rolled my eyes.
Nang dumating na ang isang private plane ay napapikit ako sa lakas ng hangin.
"Yabang! Bahala ka sa buhay mo." Iritado kong sigaw sa kaniya at nauna nang maglakad papunta sa private plane.
I can feel his presence at my back. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Damn…you're so cute." Halakhak niya at hinigpitan ang hawak sa aking kamay habang sabay kaming narating ang kanilang private plane.
Sinuri kong mabuti ang maamo niyang mukha habang nakaidlip siya sa aking balikat. Nakahawak pa rin siya sa aking kamay. Pinaglaruan ko iyon at kinuhanan ng litrato gamit ang kaniyang cellphone.
Yep, he gave me his phone. His password was my name. Hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang cellphone niya sa akin.
"Uh. Sorry. I fell asleep. Kumuha lang ako ng lakas para sa concert." Paos na aniya. Namumungay ang kaniyang mga mata. Napangiti ako.
"Ayos lang. Anyway, here's your phone. Hindi ko binasa ang messages mo." Nakanguso kong sambit.
"Kahit pa basahin mo o ano, wala akong pakialam diyan. Basta ang mahalaga, huwag ka nang magselos." He licked his lower lip.
I hugged him and sighed. "Hindi naman ako nagseselos. Slight lang."
"Cath! Ayusin mo ang mga gamit diyan. Oo. Okay. Thank you!" Sambit ni Mr. Lee habang may kausap sa kabilang linya.
Sobrang abala ang lahat dahil mamaya na ang inaabangang concert ng mga Forcers dito sa New York.
"Xoniel, paki-ayos ang damit ni Miggy. Pakicheck naman yung mga microphone kung gumagana, Karl." Si Miss Linda naman, assistant ni Mr. Lee.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."