Chapter Twenty-Seven

5.4K 121 0
                                    

Kleinsters

"Klein.." Kanina pa ako kuda ng kuda dito pero hindi niya ako pinapansin.

Huminga ako nang malalim at tumahimik na lamang. Nakatanaw lamang ako sa bintana habang siya'y abala sa pagmamaneho. Sumulyap pa ako sa kaniya nang beses at nakita kong nakatuko ang kaniyang siko sa bintana at nakahawak ang kamay nito sa kaniyang sentido.

Sumulyap siya sa akin kaya napaiwas ako nang tingin.

Rinig ko ang buntong hininga niya. Inihinto niya ang kotse niya sa gilid.

"Let's talk."

Napalunok ako at dahan dahang tumango. "O-Okay."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Ilang sandali pa ang lumipas bago sya nagsalita.

"Who told you to go there?"

Anger is now visible in his eyes.

Hindi ba dapat ako ang magalit! Nag-usap kayo ni Zara kaya tinalikuran mo kami! At hindi man lang niya sinabi sa akin.

"Ako! N-Nagpunta ako doon kasi hinahanap kita. Bigla ka kasing u-umalis" nanginginig kong sagot sa kaniya.

Biglang nagtubig ang mga sulok ng aking mata. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.

"S-Sinabi rin ni Karylle na magkasama kayong dalawa ni Zara doon. Nag-uusap."

Pumiyok ako sa aking sinabi. I bit my lower lip.

Tumingin siya sa akin. He licked his lips. Nanatili siyang nakatitig lamang sa akin. Suminghap ako at kumurap kurap para hindi matuloy ang luhang nagbabadyang tumulo.

"K-Kaya pinuntahan kita."

"You believe on what she said? Paano na lang kung hindi lang 'yon ang gagawin nila sayo. You think you can protect yourself!" galit niyang sigaw sa akin.

Tumulo ang luha ko. Galit na galit siya sa ginawa ko. Tama naman ang ginawa ko, e.

"Eh ano gusto mong gawin ko. A-Atsaka nandoon ka n-naman---"

"Bullshit! Paano na lang kung wala ako!" Mariin niyang sabi.

"Are you out of your mind huh?"

Tumitig siya sa akin.

"I'm s-sorry." Napalunok ako.

"Huwag mo nang ulitin iyon." Mahinahon na niyang sinabi. He licked his lower lip. At bumuntong hininga.

Natahimik ako.

"I'm sorry for shouting you." Aniya at lumapit sa akin.

Pinunasan ko ang basa sa mukha ko at suminghap.

Huminga siya nang malalim.

"Shh. I'm sorry." Rinig ko ang kaniyang iilang mura at yinakap na ako.

May nakatakas na luha sa aking mga mata kaya mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"O-Okay lang. Kasalanan ko naman."

Suminghap ako.

Ilang sandali pa niya akong niyakap at maya maya'y kumalas na siya. Tahimik lang ako buong biyahe.

Pagkadating ko sa bahay namin ay hindi ko nagawang kumain na nang dinner. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga. Hinayaan kong sumalampak ang katawan ko sa kama. I spread my arms. My phone vibrates kaya kinuha ko ito.

From: Audrey

Hi! Nakita mo yung post ni Zara?

Ano na naman kaya 'to?

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon