"Kakainis talaga!"
Chance ko na sana para masulyapan na naman siyang nagpeperform tapos bigla nalang sasabihin na no junior high allowed?
Akala mo naman kung ang layo ng pagitan nasa grade 10 na ako tapos sila nasa grade 11.
"Hay naku, ayos lang yan Cyrene Jade Tolentino, may next time pa naman." Napatingin ako kay Audrey sa sinabi niya.
Napasimangot ako.
"Next time? Next time puro nalang next time. Letse ayoko na gusto ko ngayon mismo ako makanood."
Binatukan niya ako.
"Letse ka. Ba't mo ako binatukan!" sigaw ko at sinamaan siya nang tingin.
"Halika may alam akong paraan." Hinila niya ako sa kung saan saan.
Si Klein Hercle Marcus o mas kilala bilang 'King KM' ay ang isa sa mga pinakasikat na estudyante rito.
Kilala ako dahil sa sobra kong pagfafangirl. Yung halos araw-araw ko siyang pinupuntahan at binibigyan ng letters para mapansin niya ako.
Hindi namin alam kung ano ang magugustuhan mo sa isang KM yung angas niya bang sumayaw o ano. Gwapo, malakas ang karisma, lapitin ng babae, maporma, titignan ka lang halos malusaw ka na.
"Tulala ka na naman?" Napatingin ako kay Audrey na biglang sumulpot sa tabi ko.
"Nag wewet dream ka na naman sa kay Klein." Usisa niya atsaka niya kiniliti ang tagiliran ko.
"Hindi, a. Anong wet dream ka diyan. Basang panaginip?" Sabi ko at tumawa.
"Halika na nga." aniya at hinila ulit ako.
Napairap ako sa kawalan.
"Makakanood din tayo." Kinikilig na aniya.
"Anong gagawin natin dito, aber?" Sabi ko sabay turo sa bakod.
"Kakainin siguro natin yan." Pamimilosopo niya. I glare at her.
"Ano pa? Malamang aakyat tayo, it's either aakyat ka para makita si Klein o tutunganga nalang."
So ayun nga nagmukha kaming gang sa pinaggagawa namin pero okay lang atleast makikita ko si Klein. After naming makababa sa may bakod. Inalis namin ang lace nang ID namin atsaka pinalitan nang ID lace nang Senior High.
"Here we go!" sigaw namin ni Audrey at nagtawanan pa.
Nilibot namin ang ground nang SH para mahanap kung saan magpeperform ang Delta Force nang papalapit kame ay nakita kame ni manong guard.
"Hija, magsisimula na ang Senior High Fun Fair." Sigaw niya samin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil akala ko mabubuko na kami.
Pagkarating namin sa venue kung saan magpeperform ang Delta ay agad na pumwesto kami sa isang gilid kahit bakante pa naman sa unahan. Nilabas ko ang cap ko para walang makakilala sakin.
"Hello! So ayun na! Good morning, Chuaford High." Masayang bati ni Sir Richard ang aming school principal.
Nagsitilian na naman nang mga SH at nagtatalon pa.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."