Chapter Fifty-Three

5.3K 123 13
                                    

Pride

"Seryoso ka, beh? Baka naman echos echos lang," Ngumunguyang sambit ni Audrey.

Nandito kami ngayon sa condo niya. Pinaglaruan ko ang cellphone ko.

"Alam mo 'yung parang bula ako doon. Ewan ko ba kung galit o nagseselos siya. He said, hindi naman. So, bakit ang lamig ng pakikitungo niya sa akin?" Inis kong sambit.

Kumuha siya ng isang chips at binuksan ito muli.

"Bahala siya! Hindi ko yun kakausapin."

Tumawa ang bruha at hiwakan ang mukha ko.

"Yuck, Drey! May mga cheese 'yang daliri mo, e!"

"Sus! Kung ako lang magkakajowa nang katulad ni Klein, hindi ko na papakawalan. Jackpot ka na teh, pogi na sikat pa. Tapos, yung feeling na ikaw ang jowa. Boom! Sabog kilay mo!"

Napairap ako sa sinabi niya.

Nagpatuloy-tuloy pa ang kwentuhan namin. Nanood kami ng KDrama at mga MV's ng BTS.

"Oh, shocks! Cy!" Rinig kong sambit niya.

"Yes?" Sagot ko habang nakatingin pa rin sa screen.

"Uh. Pupunta dito ang Delta."

Nanlaki ang mata ko at halos matapon ko na ang hawak hawak kong chips.

"Seryoso ka?"

She bite her lower lip and slowly nodded. "Yep. Pumupunta sila rito madalas noon 'pag kasama ang ibang barkada ko sa high school noon."

Napatulala ako. Tumikhim ako at ibinalik muli ang paningin sa flat screen.

"Actually, paakyat na sila."

"Malamang pagkakaguluhan sila sa baba. Paano na 'yan?" Mahinahon kong tanong.

"Uh. Dati nang kinausap ng DF ang mga staff dito na huwag sabihin sa iba na nandito sila. Atsaka, they always wore some clothes that will cover some parts of their body. Like, eyes and mouth. At isa isa rin silang umaakyat pagkatapos ay sabay sabay na silang pumapasok dito." She explained.

Marahan akong tumango at pilit na ibinabalik ang kosentrasyon sa pinapanood. Bumibilis ang kabog ng aking dibdib ngunit pilit ko iyon pinapakalma.

Ilang sandali pa ay biglang may tumunog.

Napatingin ako roon. Tumayo si Audrey para makita kung sino iyon. Pagkabukas niya ay iniluwa noon sila Miggy, Zach, Fourth at iba pa na may hawak hawak na pagkain. May mga kasama rin silang babae. Their girlfriends? Maybe.

Nagtawanan sila nang makapasok na, na siyang nagpa-ingay sa loob.

"Oops. Nandito pala si Cyrene!" Sigaw ni Luke na idiniin ang pangalan ko.

Napasulyap ako sa kay Klein na malamig na nakasuot na earphone sa kanang tenga. Nakapamulsa siya habang isinasandal ang likod sa sofa.

Umirap ako. So? Walang pansinan? Okay, Fine!

"Guys! Mag-plan kaya tayo ng isang vacation." Suwestiyon ni Fourth habang nakasandal ang girlfriend niya sa kaniyang braso.

Nakaupo kaming lahat. Paikot siya. Katabi ko si Audrey at bakante ang isang upuan sa pagitan namin ni Klein.

Hindi kami nagkibuan simula pa kanina. Bahala talaga siya. So, ano gusto niya? Ako pa ang unang kakausap sa kaniya? No way!

Maraming sumang-ayon sa suwestiyon ni Fourth.

"Sa Resort niyo nalang, Klein!" sambit noong babae.

Napatingin ako sa kaniya. Well, I remember when he invited me on their resort but something happened between us, kaya hindi natuloy. Noong Intramurals.

"Kanino mo naman nalaman na my resort sila Klein? It's a private resort, Sam." Sambit naman ni Zach.

"Well, I always stalked him." Pag-aamin niya.

Tinukso siya ng ibang babae dahil sa sinabi niya. Hinawakan ni Audrey ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nginuso niya yung babae kaya ngumiti lamang ako.

"You're his stalker! Gosh...do you have a crush on KM?" Maarteng sambit ng katabi ni Miggy. If I'm not mistaken, siya si Nika.

Nagtawanan silang muli. Naramdaman ko na napatingin si Fourth sa akin. Pinaglaruan ko ang shot glass ko bago ko iyon nilagok.

Nang nag-angat ako ng tingin ay tama nga ako. Nakatingin si Fourth sa akin na tila nagtatanong. Tumayo siya at lumapit sa amin. Hinila niya ang upuan sa pagitan namin ni Klein at itinabi iyon kung saan. Bumalik siya sa kaniyang pwesto.

"Usog ka ng konti, Sam." Sambit niya. Kumunot ang noo ng babae at sinunod na lamang ang gustong mangyari ni Fourth. Hindi ako tumayo. Tumayo na rin si Audrey para umusog.

"Gosh, Fourth." Inis na sambit ni Joana.

Hindi siya pinansin ni Fourth. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakitang nakatayo na rin si Klein. Inusog niya ang kaniyang upuan kaya napalapit na kami sa isa't isa.

Huminga ako ng malalim at pilit na binabaliwala ang presensya niya sa gilid ko.

"Ayusin mo na 'yan. Uso magbaba ng pride."

Hindi ko alam kung kanino nanggaling iyon. Para akong napatulala sa kinauupuan ko. Napayuko ako at pinaglaruan ang aking daliri.

Napatingin ako sa kaniya at nakitang dire-diretso niyang nilagok ang alak sa kaniyang baso. Gusto ko siyang suwayin. No. Hindi pwede.

"May tumatawag yata sa phone mo." Sambit noong babae. Napatingin ako roon at nakitang kanina pa pala tumatawag si Ian.

Sumulyap ako sa kaniya at nakitang nakatingin rin siya doon.

"Tama na kasi 'yan." Sambit ni Audrey at in-off ang cellphone ko. Sinuway ko siya dahil sa ginawa niya.

"Drey, bakit mo ginawa 'yon?"

"Tss" Bulong niya at nilagok muli ang isa pang shot. Tumingin siya sa akin at nakitang pumungay ang kaniyang mata. Mariin ko siyang tinitigan.

"Baka mas lalo kayong mag-away niyan." Bulong niya sa aking tainga.

Tumahimik ako. Ilang sandali pa kami roon, napatingin ako sa aking relo at nakitang gumagabi na pala.

Nagpaalam ako para mauna na.

"Sure ka? May maghahatid ba sayo?" Tanong ni Audrey sa labas ng kaniyang condo. Nasa loob pa silang lahat.

Ngumiti ako at umiling lang sa kaniya. "Ano ka ba? E di magco-commute ako--"

Naputol ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumulpot.

"Ako ang maghahatid sa kaniya." Seryosong aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko.

Ngumisi si Audrey at kinindatan ako. "Oh. Sige sige. Safe naman siya pag ikaw ang kasama niya, 'no." Ngisi niya.

"Really really safe." Aniya at hinila na ako palabas doon.

Inakbayan niya ako. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ko! Kaya ko na ang sarili ko, okay?" Inis kong sambit.

Hinarap niya ako. Sa gulat ko ay napaatras ako. "Don't be so stubborn. Ihahatid kita and that's final."

Umirap ko. "Ayoko nga and that's final too. Go back inside, sana sinama mo 'yung Cath diba? Para naman malibang ka." Sambit ko at nilampasan siya.

Naramdaman ko siya muli na sumunod sa akin.

"We will talk. Let's go."

Kinakalas ko ang kamay niya. Parang wala lang iyon sa kaniya kahit panay ang kurot ko. Tumigil ako kaya napatigil rin siya. Huminga siya ng malalim at inilebel ang paningin naming dalawa.

"Stop this. Galit ka sa akin, galit rin ako sayo. Pero tumataob ang galit ko kapag nagagalit ka na. So, I want us to be okay. I want us to talk, baby. Please, ako na ang susuko." Paos na paos niyang sambit habang nakatingin sa aking mga mata.

Nanggilid ang aking luha at nag-iwas ng tingin.

Dedicated to:
SabrinaAllyson4

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon