Chapter Thirty-Seven

4.9K 129 33
                                    

Done

From: Audrey

Papasok ka, ngayon? Last day na nang intrams.

Ako:

Yeah. Uuwi din ako agad. Papakinggan ko lang ang announcement.

From: Audrey

Okay. Magkita nalang tayo doon.

Nilagyan ko ng cream ang ibaba ng aking mata para matanggal ang mugto 'non.

Nagcommute nalang ako para hindi na maabala sila kuya. May game pa naman yata sila.

Pagkarating ko sa Chuaford ay hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng kanina pa tingin ng tingin sa akin. Kumaway si Audrey sa akin kaya ngumiti ako at pumunta sa gawi niya.

"Parang…parang walang nangyari, a."

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Alangan namang ipahalata mong sawing sawi ka." Natatawa kong sambit sa kaniya.

Masakit pa rin dito sa puso ko. Pero kailangang maging matatag ako.

"Tama! Galing talaga ng bruha ko!" She laughed.

Pinanliitan ko siya ng mata.

Ngumuso siya sa akin at sabay kaming nagtungo sa gym.

"Panalo kayo?"

Lumingon siya sa akin. "First runner up. Pero okay na 'yun."

"Congrats! Galing niyo!" I greeted her.

"Congrats din."

Nanood kami ng game ni kuya Just. Marami ring nagche-cheer sa kaniya. Hindi ko maiwasang tumingin sa kabilang bench at laking gulat ko nang preskong nakatayo si Klein doon.

His eyes are all on me. His serious eyes. May isang babaeng dumidikit sa kaniya at hinahayaan niya iyon.

Nakapamulsa siya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Hindi na ako muling tumingin sa gawi nila.

Nang matapos ang game ay kaagad rin akong lumabas at naghintay para sa announcement. Panalo sila kuya.

Si Audrey ay nasa kaniyang team. Tinawag kami ni coach Alfred. Alam kong makakasama ko siya dahil pareho kami ng laro.

"Ngayon ka lang pumasok, Cyrene?" Coach asked.

I nodded. "Nagkasakit po ako kaya umabsent na muna ako." I lied.

Tumango siya at kinausap ang ibang player.

"Hi, Cyrene! I'm Nisa. Board two player." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aking harapan.

Siya yung maroon team. Maganda siya. Maputi at parang may dugong amerikana.

"Cyrene." Maikli kong sambit at nakipagkamayan sa kaniya.

"Nice meeting you! Klein ituloy natin yung pinag-uusapan natin." Aniya at tinalikuran ako.

Tumikhim ako at nilaro ang aking daliri.

"Sure. Come here." I heard he answered.

Napalunok ako ng ilang beses. Damn!

Huminga ako ng malalim at hinayaan ko na lamang iyon. Rinig na rinig ko ang malambing na halakhak ni Nisa.

Walang akong pakialam kung may bago na siya. I don't love him anymore. He's a big asshole.

"Team. Tara na raw sa gym." Sigaw ni coach at nagsitayuan naman kami.

Inayos ko ang bag ko.

Nang makatayo ako ay kitang kita ko ang kamay ni Nisa na nakapulupot sa braso ni Klein.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon