Chapter Thirty-Five

5.2K 132 13
                                    

Truth

"Kain na tayo?" He asked.

Nakatulala pa rin ako.

"Hey? Ano iniisip mo?"

Naramdam ko ang marahang haplos sa aking kamay. Napalingon ako doon at maamong mukha niya ang nakita ko.

"Ah. W-Wala naman."

Ngumiti ako.

Binaliwala ko ang sinabi ni Zara kanina.

"Okay then. Let's eat?"

"Sure"

Kumain ako nang hindi nagsasalita. I'm still bothered for something! Hindi ko maexplain.

Tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napalingon ni Klein doon.

From unknown:

Meet me at Garden Cafe. Later. I know you're confused. Let me explain everything.

Si Zara 'to! Siya 'to!

Pagkabasa ko sa mensahe niya ay kaagad akong nagtipa ng ilang salita.

Ako:

Okay. I'll be there.

Huminga ako ng malalim at itinago na ang cellphone ko sa bag.

Pagkaangat ko ng tingin ay nakatoon ang atensyon doon ni Klein.

"Who texted?"

"Just some friends." Ngiti ko.

He sighed. Unsatisfied. I know.

"You okay?" seryosong tanong niya.

Tumango ako at uminom sa juice.

"Oo naman. Why?"

"You seems not fine, though." Aniya at hindi na umimik.

Igting ang kaniyang panga. I know he's mad.

"Sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Galit ka, e." Sambit ko at hinawakan ang kamay ko.

Umiling siya at kumain ulit. Ngumuso ako at kumain nalang din.

Bumalik kami sa school para marinig ang announcement. Ina-wardan kami ng tig-isang medal. May final announcement pa at ang dean ang mag-aanounce 'non.

Nanood ako ng laro ni Audrey dahil kapag hindi alam kong magtatampo iyon. Hindi na sumama si Klein dahil may practice ang Delta Force.

"Go! Santos!" sigaw ko ng naka-score siya.

Kumaway siya sa akin at ngumisi.

"Whoa! Best friend ko 'yan!" dagdag ko.

Tumawa ako ng nagpacute sa akin ang bruha. Tumawa rin siya.

From Unknown:

Nandito na ako. Where are you?

Ay oo nga pala!

Ako:

Papunta na.

Nagpaalam ako kay Audrey at umalis na.

Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko iyon kinuha.

From: Klein

I miss you! Ang boring naman dito. Sana nandito ka.

Napangiti ako. Mali si Zara. I know what she meant. At alam kong naninira na naman siya.

Ako:

Pupunta ako diyan mamaya. Magfocus ka sa practice niyo.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon