Chapter 9

2K 79 1
                                    

          Marlo's Point of View

Ang mga iba ay nasa 2nd floor at kami naman ay nasa 3rd floor, Hindi naman ako medyo napagod sa byahe kaya gusto kong libutin 'tong bahay nila Dave. Okay lang naman sa'min ni Shandeia na magkasama sa kwarto unlike sa iba naming kaklase nag-aaway pa Hays! Sila na nga lang magbabakasyon sila pa magrereklamo. Nauna na palang bumaba 'tong si Shan excited kuno maglibot kasi daw ang laki ng bahay. Ewan ko dun parang ignorante! Hahaha Bababa na nga lang din ako.

             Kelly's Point of View

"Ang ganda naman dito! Ang presko sa feeling! Mahal ba itong bahay niyo Dave? Rk ka talaga 'no?" Ani ko sabay halakhak.

"Di naman 'to masyadong mahal eh, Di ko alam kay mom sila kasi ni Dad bumili nito eh." Aniya.

"Well, im sure mahal 'to ang lupit kasi ng aura niya! Ang laki-laki pa! Oh diba? Ang galing niyo din pumili ng matitirhan dito 'no?" Ani ko habang nag-aayos ng gamit.

"Hmm.. Siguro Oo, Si mom naman pumili nito eh." Aniya.

"Hindi ka ba napagod? Ikaw kasi yung nagdrive eh at 5 hours pa talaga! Omg!" Ani ko.

"Pagod na din ako, Sige papahinga muna ako maglibot-libot nalang muna kayo sa baba sabihin mo kapag kakain na ah." Aniya sabay higa.

"Okay." Ang tanging sinabi ko at nilisan na ang aming silid.

"Hi guys! Busy ata kayo ngayon? Napagod ba kayo? Well! Ako na bahala magluto ng ating dinner! Kelly Ash Sheldon nga pala your future chef!" Ani ko

"Girl! Hindi ka ba maglilibot muna dito? Magluluto ka kaagad? Pwede namang mamaya na ah?" Ani ni Collen.

"Sorry Collen gutom na daw si Dave eh, Napagod daw sa byahe kaya magluluto na ako, Wait lang guys ano ba masarap lutuin ngayon?" Ani ko.

"Sinigang nalang! My favorite!" Ani ni Belle.

"Wag! Bukas nalang yung sinigang! Sopas nalang!" Ani ni Lei.

"Tanga! Pag almusal na 'yung sopas!" Pagrereklamo naman ni Steve.

"Adobo nalang kaya? May chicken pa naman dito sa ref eh."
Ani ni Shan.

"Kayo na bahala guys! Busy ako dito e Hehe" Ani ni Marlo.

Naghaharutan sila James at Collen hanggang sa natulak ni Collen si James akala nila'y pader ito ngunit ito'y Basement.

"Aray ko Collen! Tama na!" Ani ni James habang tumatawa.

"Hahaha! Talo ka na!" Ani ni Collen sabay halakhak.

"Aray!" Sambit ni James nang biglang itulak ni Collen at ng bumukas ang pinto sa likod niya.

"James!" Ani ni Lei.

Lahat ng magkakaibigan ay natuon ang tingin kay James na hawak ni Lei ang kamay.

"Pasalamat ka nahila ko agad yung kamay mo! Eh kung hindi baka matuluyan ka diyan!" Ani ni Lei sabay bumuntong-hininga.

"S-Sorry James!" Ani ni pautal-utal na Sambit ni Collen.

"Ano 'yan? Basement? Bakit Hindi natin agad napansin 'yan? Ano bang meron sa loob niyan?" Ani ni Vanessa.

"Kung basement nga 'yan bakit Hindi natin agad napansin kanina?" Ani ni Zayn.

"Oo nga, Bakit Hindi natin napansin?" Nalilitong tanong ni Steve.

"So creepy." Mahinahong Sambit ni Adelaide habang nakatingin sa hagdan pababa ng basement.

"A-Ano ba meron sa loob niyan guys? Ani ni Collen na tila kinakabahan.

"Baka mga sirang gamit?" Ani naman ni Belle.

"Oh mga hija at hijo anong ginagawa niyo diyan? nandito na ang nga pinangbili ko sa bayan pasensya na at medyo natagalan ako." Ani ni Mang Feliciano na kararating lang.

"Ah-Eh Mang Feliciano may basement po pala kayo dito? Ano po meron sa loob nito?" Ani ni Marlo.

"Ah Oo hijo may basement ako diyan, Diyan nakalagay ang mga gamit na Hindi na ginagamit pati na rin ang mga sirang gamit." Ani ni Mang Feliciano.

"Ah ganun po ba, Muntik na kasing mahulog ang isa naming kaklase eh, Kasi po hindi namin nahalatang may pinto pala dito." Ani ni Lei na nagkakamot ng ulo.
A/N: Uso kasi magsuyod Lei! Uso yun! Charot HAHAAHHA!

"Ganun ba? Pasensya na mga anak, Sandali lang nasaan si Dave?" Aniya

"Ah nagpapahinga lang po sa kwarto kasi po napagod siya sa byahe." Ani ko.

"Ah ganun ba, Sige baka nga napagod siya, Pakisabi nalang na pupunta ako sa bahay namin sa kabilang baryo lang doon muna ako kasi nandito naman kayo, Bibisita-bisitahin ko nalang kayo." Ani ni Mang Feliciano at nilagay ang nga biniling pagkain sa lamesa, "Osya kayo na ang bahala dito ah."

"Sige po." Sambit naming lahat.

"Sige guys, Uumpisahan ko ng magluto." Ani ko.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon