Pagkarating namin sa salas kita mo agad ang kanilang mga pagod na mukha kahit ay kagigising lamang. Ang akala ko'y ako lang ang hindi makatulog kagabi sila rin pala kaya kitang-kita rin ang kanilang mga eyebags.
Hindi ko na lamang 'yun tinuon ng pansin at inilagay nalang ang dala kong mga kape sa maliit na lamesa sa harap ng sofa. Nilagay na rin ni Shan ang Pancakes.
“Guys, let's eat na, Yan nalang muna ang almusal natin.” Pangunguna ni Shan.
“Okay lang naman ito. Salamat girls.” Ani ni Lei.
Agad naman na rin silang kumuha ng kanilang sariling Kape at Pancakes. Pati na rin kami ni Shan. Umupo nalang ako sa bakanteng sofa upang makapagpahinga kahit sandali.
“This day, wala tayong sasayangin na oras.” Sambit ni Ade.
“So, ano ba'ng gagawin natin ngayon araw?” Pagtatanong ni Steve kasabay ng paghigop ng kape.
“Syempre maghahalungkat tayo ng mga bagay-bagay dito sa buong bahay na 'to at baka sakali ay may nahanap tayong mga importanteng bagay.” Ani ni Ade.
“Sa sobrang laki nito hindi ko alam kung saan tayo mag-uumpisa.” Sambit ni Zayn.
“Sa bawat lugar ay dalawa dapat. Hindi pwedeng maghihiwalay tayo kailangan ay tigda-dalawa.” Payo ni Ade.
Tumango nalang kaming lahat sa kan'yang sinabi.
“Mahirap man pero kailangan natin itong gawin, Para din naman sa atin ito.” Dagdag niya.
“Oo nga, Okay lang yan, Guys.” Sambit ni Marlo habang lumalamon ng Pancake.
“3rd floor ito at malawak pa tapos onti lang tayo. Ngunit alam ko namang kaya natin ito hindi ba?” Ani ni Ade.
“Kayang-kaya.” Pagsingit ni Shan.
“Okay, So ako na ang maga-assign kung saan kayo maghahanap.” Ani ni Ade.
“Sige, Makikinig lang kami, Ade.” Sambit ni Vane na medyo kumalma na rin naman kahit papa'no.
“Sa third floor sila Shan, Marlo at Kelly doon lang kayo magi-istay wag kayong bababa doon lang kayo maghanap dahil doon kayo naka-assign. Sa Second floor naman Ikaw Vane, Steve at James, Huwag din kayong aakyat sa taas o bababa doon lang kayo sa second floor maghanap dahil doon kayo naka-assign. The rest sa first floor at Ako si Zayn at si Lei. Sa bawat floor ay tigta-tatlo tayo sa bawat silid o lugar kailangan ay tatlo kayong nandoon at maghanap ng maayos. Huwag na huwag lang maghihiwalay at mag-istay kung saan kayo naka-assign maliwanag ba?” Ani ni Ade.
“Maliwanag, Ade.” Sambit ni Marlo.
“Kailan tayo magsisumula maghanap?” Pagtatanong ni Lei.
“Siguro pagkatapos nating mag-almusal. Bilisan na natin upang makapaghanap tayo ng matagal na oras.” Sambit ni Ade.
“Eh paano kung naiihi at kailangang bumaba?” Pagtatanong ni Marlo.
“Syempre bumaba kayong tatlo, Walang matitira kung saan pupunta ang isa doon din dapat lahat kahit na ay may tao sa bababa o taas kailangan ay may kasama parin. Walang maghihiwalay.” Aniya.
“Bilisan na natin guys, para masimulan na rin natin.” Pagsingit ko.
Agad naman rin nilang binilisan kumain upang makapaghanap na kami agad sa mahabang oras.
“Walang tatamad-tamad ha! Isipin niyo na para din sa atin 'to. Kung marumi man ang bawat sulok wag ng pabebe tignan nalang ito ng maayos. Nagkakaintindihan ba tayo?” Ani ni Ade.
“Masusunod, Ade.” Sambit ni Kelly.
Makalipas ang ilang minutong paga-almusal ay agad na rin naman kaming natapos kumain. Kaya ay agad na naming binalik sa kusina ay mga walang lamang baso at pinggan. Nilagay nalang muna namin ito sa lababo at napagpasyahang mamaya nalang ito hugasan. Pagkatapos ay bumalik na ulit kami sa salas.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...