Adelaide's Point of View
After naming magdinner syempre naghugas muna kaming mga girls ng pinagkainan pa'no kasi hindi maasahan ang mga boys dito. Pero like they promise bukas sila na daw ang bahala.
Gabi na rin at kailangan na naming mga girls na umakyat sa aming silid, Sabay-sabay kaming umakyat at nang nasa 2nd Floor na kami humiwalay na ako si Vanessa at Kelly at Umakyat na sila Belle, Shan at Collen.
"Guys parang ayaw kong pumasok sa room." Ani ko habang naglalakad.
"Ako din nga e, Nag-away pa naman kami ni Steve edi mas awkward." Habang nakanuot ang noo na sambit ni Vanessa.
"It's okay girls, Hindi naman 'yan awkward e, Kung kakausapin nila kayo edi sumagot kayo at kung hindi edi wag niyo nalang pansinin." Ani ni Kelly na humihikab pa.
"Ano tara na?" Pag-aalinlangan na sabi ko.
"Goodnight guys!" Ani ni Kelly.
"Hayss, Goodnight din." Sambit ni Vanessa.
Naunang pumasok si Kelly sa kanilang silid. Bago pa man kami ni Vanessa pumasok sa aming silid ay nagngitian muna kami. Oh diba? Best friend goals lang ang peg! After nun naglakas loob na kaming pumasok sa silid.
Pag pasok ko nakita ko si Zayn na nanonood ng T.V Wow ha! Gabi na may balak pa 'tong manood ng T.V Akala ko ba matutulog na 'to? Hayss.
Mga ilang minuto din akong nakatayo sa pinto hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin parang napako ako sa kinatatayuan ko medyo kinakabahan akong maglakad papunta sa higaan ko dahil nanonood siya OMG! jusko lord gabayan mo'ko please Huhuhu.
Parang tanga lang ako dun na nakatayo kaya naisipan ko ng maglakad na sa aking kama wow! Thanks Lord hihihi... Success nakapunta rin ako here!
Agad akong humiga sa aking kama ay hindi pala sa'kin 'to kay Dave pala 'to i forgot Hihihi.. Gaya ng lagi kong ginagawa nagtataklob ako ng kumot sa aking buong katawan at magfa-facebook dahil boring. At para makatulog na rin ako. Hihihi...
Pero awkward pa rin kasi walang nagpapansinan sa aming dalawa Hayss ito pa naman ang pinaka-ayaw ko ang tahimik nakakabingi! Hayss. Matutulog nalang nga ako. Goodnight Philippines!!
Vanessa's Point of View
Hayss! Gabi na nga pala at oras ng matulog alangan namang sumayaw! 'Di ko alam kung papasok ba ako sa silid namin, Hayss sa dinami-daming pwede katabi si Steve pa! Buti pa mga ibang kasama ko komportable kahit katabi nila ang mga lalaki kasi hindi sa kanila awkward. Eh kamusta naman sa akin? Hay naku!
Minabuti kong pumasok na dahil si Ade ay nasa loob na ng kanilang silid. Pag pasok nakita ko si Steve na nagcecellphone habang nakahiga inirapan ko nalang siya kahit di siya nakatingin sa akin. At tumungo na ako sa aking kama para makapahinga na rin. Nakakapahod kasi yung byahe kanina kaya i think it's time to sleep na.
Bakit ganun? Parang di ko kayang gumalaw kasi naman nakaharap sa akin si Steve i mean yung position niya nakatagilid tapos nakaharap sa akin Aarrgghh! Bakit parang takot na takot akong gumalaw hindi niya naman ata ako lalamunin e.
Hays! Mas mainam na matulog nalang ako kahit awkward. Buti nalang hindi ako humihilik kaya makakatulog na ako ng maayos.
A/N: At dahil 1week walang pasok pwede ko ng matuloy ito hihihi...
Sorry guys kung maiksi ang bawat chapter cp lang po kasi gamit ko. promise walang halong Biro! Hahaha kaya medyo mahirap magtype. Sorry po.P.S: Di ko pa nagagawa assignment ko sa Math ang hirap e Hahaha charot! Mamaya nalang mas love kong magsulat here. Mwehehehe. Thank you po sa patuloy na pagbabasa. Love y'all!
ANG CUTE KO!
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...