Adelaide's Point of View
He's the only one who can help us but now he's gone.
Ito na naman kami. Nagdadalamhati lalo na si Kelly dahil nga may isa na namang nawala sa amin. Hindi ko alam kung paano namin ito masisimulan muli. Maski ako ay hirap-hirap na rin sa sitwasyon namin dahil paunti kami ng paunti.
Si Dave na siyang nag-iisang source upang mapabilis ang aming pagtuklas sa Killer, Siya sana ang maaaring p'wedeng makausap ni Mang Feliciano dahil nga siya lang naman ang kilala dito ni Mang Feliciano. Ngunit wala na si Dave. Mukhang pinapahirapan talaga kaming malaman ang nakaraan ng lugar na ito. Grabe na rin yung paghihirap namin dito.
Minsan ang sarap na lang din umiyak dahil sa pighating aming dinulot sa mga nangyari dito, Ngunit kung aming ii-iyak lang ay wala namang magagawa ang mga luhang umaagos sa aming mukha kung 'di ay ang pagmaga lang ng aming mukha.
Ngunit hindi ko na talaga kaya 'yung ganito. Grabehan na talaga yung nangyayari, In just week a day tatlo na ang nawala sa amin paano pa kaya sa mga susunod na araw? Ilan nalang kaya kaming matitira? Ayoko na ng ganito nakakapagod na rin.
Gusto kong umiyak sa harap nila at magwala dahil sa mga lumaho naming kaibigan ay kahit ni isang tulong ay wala kaming nagawa. Lagi nalang kaming nahuhuli, Makikita nalang namin na nakahiga na sila at naliligo sa kanilang sariling dugo. Napaka-sakit ng gano'n dahil wala kami sa tabi nila kung kailan ay kailangang-kailangan nila. Pakiramdam ko'y wala na rin kaming kwenta.
Ang hirap ding mag-acting ng parang hindi ako nasasaktan ginagawa ko ang hindi pag-iyak upang maging malakas sila dahil ayaw ko'ng nakikitang umiiyak sila kaya ay pinipilit kong hindi tumulo ang aking mga luhang gustong-gusto ng lumabas sa aking mata.
Talino. Talino lang ang aking tanging nagagawa rito 'yun lamang, Isa akong matapang na tao ngunit pagdating sa mga kaibigan kong umiiyak at namamatay ay bigla nalang akong nanghihina. Paano kaya kung ako ang isunod ng Killer? Kaya ko ba ang lumaban? Pero ayaw ko'ng isipin ang gano'n dahil kailangan ko lamang ay ang mag-isip ng positibong bagay.
Ginamit ko ang utak ko upang malaman at kung ano ang aming gagawin. Oo, Kaya ko'ng mag-imbestiga kung ano'ng nangyayari dahil nga siguro sa aking course. Lahat ng pagkamatay nila ay alam ko ang dahilan dahil pinag-aralan ko ito sinasabi ko naman sa kanilang lahat ng aking nalaman at saloobin.
Oo, Maaasahan ako pagdating doon. Kaya nag-imbestiga ako sa pagkamatay ni Dave.
“Sobrang brutal din yung pagpatay kay, Dave.” Sambit ko.
“Ano ba ang sa tingin mo'y nangyari, Ade?” Pagtatanong naman ng nalilitong si Lei.
“As if you can see, Mayroong saksak si Dave sa kan'yang tiyan na ikinadulot ng pag-agos ng dugo kaya ay maraming dugo ang nawala sa katawan ni Dave. Sumunod ko namang napansin ay ang isa pang saksak sa kan'yang binti. Malakas din ang damage kung sa binti ka isasaksak kagaya no'ng kay Belle hindi ba't mayroon din siyang saksak sa binti? Kaya ayun ang nagpawala ng malay niya. Pangalawa sa tingin ko ay tinulak or hinulog si Dave hindi niyo ba napansin ang kan'yang posisyon? Hindi ba't nakahiga siya ng diretso? At no'ng binuhat niyo siya ay mayroon ding dugo doon banda sa kan'yang ulo kaya'y malamang sa malamang ay tinulak siya pahiga.” Ani ko ng seryoso.
“That's the power of Adelaide Hathway.” Ani ni Zayn sabay palakpak.
“So, kung gano'n ay sa Tiyan, Binti at ulo ang dahilan ng pagkamatay ni Dave?” Pagtatanong ni Shan.
“Hindi lamang 'yun.” Pagdugtong ko.
“What do you mean, Ade?” Nalilitong tanong ni Steve.
“Okay hindi niyo talaga napansin. Let me explain it. Hindi niyo ba manlang inisip kung paano si Dave may dugo or damage sa ulo?” Ani ko.
“Dahil ay sinaksak rin siguro kaya ay may dugo.” Ani ni James.
“Oo nga baka ay sinaksak rin siya.” Pagsingit ni Steve.
“No. bago siya magkaroon ng damage sa ulo sinakal muna siya ng Killer. Paano ko nalaman? Dahil ang leeg ni Dave ay namumula at dahil 'yun sa sobrang higpit na sakal sa kan'ya, Pagkatapos siyang sakalin ay inihagis siya ng Killer sa damuhan at 'yun ang pinakamasakit na part dahil sa ulo talaga ang damage no'n.” Ani ko.
“Yes! I agree tama ka, Ade. Napansin ko rin namang mapula ang leeg ni Dave no'ng binuhat namin kanina.” Ani ni Marlo.
“Tiyan, Binti, Leeg, Ulo. Ayan ba ang kompletong dahilan ng pagkamatay ni Dave, Ade?” Pagtatanong ni Vane.
“Correct, Vane. Kapag pinagsama-sama yang mga yan ay kakahulugan nito ay ang sobrang sakit sa katawan kaya agad namang nawalan ng malay si Dave at hindi kalaunan ay nawalan na nga buhay.” Sambit ko.
“Fucking cruel. Bakit gano'n ang kailangang sapitin ni Dave? Hindi niya deserve 'yun.” Ani ni Lei.
“Hindi lang naman si Dave ang may deserve ng gano'n kung hindi ay pati na rin sila Belle at Collen. Grabe din ang naranasan nila.” Ani ni Shan.
“The Killer's target is the middle part of the body, Dahil dito tayo agad-agad na nawawalan ng malay at agad na mang-hihina.” Ani ko.
Magsasalit na sana si Zayn ng bigla namang bumangon si Kelly sa sofa at tila hingal na hingal kaya agad naman kaming napatayo.
“Kelly! Kelly! Relax!” Ani ni Shan.
“G–guys!! Si D–dave saan na siya?!” Pagtatanong nito na nagsimula na namang himagulhol.
“Kelly! Relax ka lang baka mamaya mahimatay ka na naman!” Ani ni James.
“K–kelly okay na si Dave nandoon na siya sa taas, Kalma lang please?” Ani ni Vane.
“Dave!” Sigaw niya sabay hagulhol at agad namang yumakap sa akin.
“Kelly relax okay? In hale. Exhale.” Ani ko.
“Ade! nasaan na si D–dave okay na ba siya? A–anong nangyari?!” Pagtatanong nito sa akin habang nakayakap pa rin sa aking hanggang ngayon.
“Don't you worry, He's fine. He's fine.” Ani ko sabay hinagod ang kan'yang likod. “Tahan na, Kels.” pahabol kong sabi.
“Guys pwede bang kumuha kayo ng tubig? Please! for Kelly lang.” Pag-utos ko.
“A–ako nalang guys.” Ani ni Marlo.
Agad naman siyang tumakbo patungong kusina upang kumuha nga ng tubig. Ilang minuto rin ay agad na siyang nakabalik na may dalang malamig na tubig. Agad ko naman itong inabot at ibinigay kay Kelly.
“Tahan na Kelly. Tahan na. Ito oh uminom ka muna ng tubig. Tama na ang pag-iyak ayaw ni Dave na nakikita kang gan'yan.” Ani ko.
A/N: This is enough gabi na kasi guys hehe HAHAHAHH bukas nalang ulit.
SALAMAT SA LAHAT-LAHAT NG SUPORTAAAA MALAPIT NA TAYONG MAG 1K READERS MASAYA NA AKO DOOON! WHOO! SALAMAT PO! SALAMAT NONAT.
P.S: NEXT CHAPTER WILL BE ADELAIDE'S POV AGAIN COUNTINUATION LANG HO.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...