Chapter 94

609 30 3
                                    

Marlo's Point of View

Mahimbing lang akong natutulog kaso nga lang ginising naman ako ni Zayn, Shutang inaa nagulo tuloy 'yung tulog ko, Pero sabi ko sa kaniya 5 minutes lang at bababa na ako, So sa tingin ko naintindihan niya naman 'yun kaya bigla na siyang umalis.

"AAAAAAHHHHHH!! JAOSOWBDIWBDWJDBWJDNWHDB!!!"

Papikit na sana ako kaso lang biglang may sumigaw na nangagaling sa labas, Pamiyar ang boses at hindi ako nagkakamaling boses ito ni Zayn. Hindi ko narinig 'yung exact word na sinigaw niya, Hindi ko kasi ito gaanong naintindihan.

Ang aga-aga ang lakas agad ng kabog ng dibdib ko, Since curious ako agad na akong lumabas ng silid namin.

Nagulat ako ng nakasandal si Zayn sa 'di lalayuan, Sa tapat ng hagdan habang umiiyak. Hala bakit naman 'to umiiyak?

Dali-dali akong tumakbo patungo sa kaniya, Pansin rin naman na agad na bumukas ang pintuan ng silid nila Adelaide at Vanessa at nakita kong lumabas rin si Ade dito, Wow hindi pa pala ito gising?

Actually hindi naman talaga ako ganitong oras magising e, Sanay talaga akong maagang nagigising pero ngayon hindi ko namalayan na alas dyes na pala ng umaga wait langgg! Umaga pa ba ito? Tae tanghali na e.

Pero 'wala akong pake, Agad kong hinawakan ang balikat ni Zayn habang hindi pa rin matigil sa pag-iyak, Hindi naman sa paha-gulgol ang iyak niya, Pero alam niyo 'yun. 'Yung iyak ng iniwan gano'n.

Nagtanong ako kung ano'ng nangyari ngunit puro iyak lamang ang naisasagot ni Zayn sa tanong ko.

Naramdaman ko na lang na agad na dumating si Adelaide kung saan ay nakita ko kanina na kalalabas lang rin sa silid nila ni Vane, Siguro napagod rin ito kaya ganitong oras na nagising.

Sino ba namang hindi mapapagod kung sa isang araw sobrang daming nangyari plus 'wala pang kain-kain, Damn! Daig pa ata namin 'yung mga Construction Worker pati Call Center Agent e.

"Si V–vanessa!" Aniya.

Napakunot noo ako habang diretsong nakatingin kay Zayn, Teka! Teka! Teka! Wait! What the fuck! Ano'ng nangyari kay Vanessa?!

Hindi ko naman siya napansin kanina kasi tanging si Adelaide lang ang lumabas sa silid nila.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumakbo si Adelaide at nagmamadaling bumaba sa hagdan, Kaya agad ko rin naman sinabi kay Zayn na sundan namin kaya agad rin kaming sumunod habang nagmamadali.

Habang pababa ramdam ko na mas kumabog ng malakas ang dibdib ko kasi baka mamaya baka may kung ano na namang masamang nangyari lalo na kay Vanessa. Shit! Huwag naman sana.

Pagkababa ko agad kong inilibot ang mata ko at sa 'di kalayuan ay nakita ko si Adelaide na umiiyak habang yakap-yakap ang duguang si Vanessa na nandito banda sa salas.

Kinusot-kusot ko muna ang aking dalawang mata at tumingin muli sa aking harapan which is nakahiga si Vanessa sa sahig na naliligo sa kaniyang sariling dugo.

Kahit ano'ng gawin ko, Ito talaga ang nangyari dito ngayon, Napako ako ng ilang minuto sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa dalawa.

Natauhan ako at agad na tumakbo sa tabi ni Vanessa upang tignan kung totoo ba talaga ito or kung nangpa-prank lang siya.

Shit! Sana prank lang ito.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon