Vanessa's Point of View
Nag-joke ako ng sobrang nakakatawa na halos hindi kana makahinga sa kakatawa pero 'yung mga shutang inang mga kaibigan ko hindi man lang ako suportahan na lang.
Sa halip na suportahan ako eh aba'y pinagtawanan pa ako. Iz dat faneh? huh?
So ayun, Dahil hindi man lang sila tumawa sa joke kong nakakatawa naman eh nag-walk ako. De joke, Kukunin ko 'yung mop doon sa taas kasi raw naiwanan doon kaya nag-boluntaryo ako na ako na lamang ang kukuha nito since i am so ano naman kaya dali-dali akong lumabas at umakyat.
Pagka-akyat ko sa 3rd floor which is pinakataas dito agad kong inilibot ang paningin ko, At ayun nga nakita ko 'yung mop nakalagay banda sa harap ng pinto ng silid nila Lei at Belle dati kaya agad ko itong kinuha.
Nang mahawakan ko ito aalis na sana ako ngunit nakita kong bukas ng onti ang silid nila kaya agad akong sumilip, Ngunit sa hindi inaasahan eh may nakita akong dugo.
Agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko dahil may nakita akong dugo kaya agad akong napaatras at napasandal sa pader sabay iyak.
"AHHHHHH!!!!" Sigaw ko dahil hindi ko halos kayanin ang nakita ko ngayon.
Ilang minuto ang lumipas at pansin kong papunta sila dahil sa mga narinig kong footsteps papa-akyat.
A
gad naman silang nagsitanungan kung ano daw ang nangyari.
"Ano'ng nangyari, Vane?!"
"Bakit ka umiiyak?!"
"Okay ka lang ba?!"
"Relaaax lang!!"
Sa sunod-sunod nilang mga tanong hindi ko ito nagawang sagutin dahil patuloy lang ako sa pag-iyak at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
Alam kong hinihintay lang nila ang responce ko kung ano ang nangyari pero hindi ko ito magawang sabihin kaya itinuro ko na lamang ang silid nila Lei at Belle which is may nakita akong dugo na hindi ko alam kung ano at saan galing dahil hindi ko ito kayang buksan. Duwag ako.
Agad naman sila doon napatingin ng kanilang curious na mata sa silid na itinuro ko.
Since hindi nila alam ang nangyari agad namang tumayo si James at dahan-dahang lumapit dito.
Nang makalapit sa pintuan dahan-dahan niya itong binuksan, Habang kami ay nakatulala lang sa kan'ya pati na rin doon sa silid dahil nga hindi namin alam kung ano'ng meron.
Pagkabukas niya agad kong nakita ang duguang si....
Si Kelly.
Duguan si Kelly. Na may saksak sa ulo habang nakabukas ang dalawang mata na may dugo.
Agad akong napatakip sa bibig ko at agad naman akong niyakap si Adelaide kaya niyakap ko siya pabalik habang humahagulgol.
Bakit?! Bakit pa ito ginawa kay Kelly?! Hindi ba't patay na siya?!
Putangina naman! Patay na 'yun tao tapos ginanito pa?! Tao ba gumawa nito?! Hayop?! Damn! Demonyo ata gumawa nito e!
Hindi man lang naawa sa kaibigan namin! 'wala na siya tapos sinaksak pa sa noo at sa ibang part ng katawan na halos hindi ko kinaya dahil parang mahihimatay ako ngayon sa nakita ko. Lahat kami ay napaiyak na lamang sa galit at inis na nangyari sa kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...