Chapter 34

779 34 0
                                    

   
            Adelaide's Point of View

Halos ayaw ko na ang magising ngayon dahil sa mga sumunod na nangyayari dito sa aming lahat. 2 buhay na ang nasayang at nawala.

Kung dati ay 12 kaming lahat. Ngayon ay 10 nalang kami. Isa-isa nang nawawala at napapatay ang mga kaibigan namin. At ni isa sa mga krimeng nangyari ay hindi man lang kami nakatulong. 'Yun ang pinakamasakit isipin dahil kung kailan nila kami kailangan doon pa kami wala.

Hindi rin naman namin masisisi ang sarili namin dahil hindi namin alam kung saan at kailan sila pinatay, Likewise pag-iyak at pagsigaw lang ang mga nagawa namin sa nangyari.

8 kaming nandito sa baba ngayon, Ang dalawa kasi na sila Lei at James ay nasa taas upang makapag-usap dahil parehas silang nawalan ng mga mahal sa buhay. Pinabayaan nalang muna namin sila dahil alam namin na silang dalawa lang ang magkaka-intindihan.

Tulala. Walang magawa. 'Yan lang ang tanging  nangyayari dito ngayon. Ngunit pagkatapos no'n ay nag-usap nalang kaming lahat kaysa naman sa mag-isip ng sobra dahil baka mamaha ay ma-stress kami.

Ang tanging napag-usapan lang namin ay ang tungkol sa mga sumunod na nangyari sa bahay. Doon lamang umikot ang kwento.

"A–ayaw ko na g–guys hindi ko na kaya d-dito bakit ba isa-isa na tayong nauubos? ni sa dalawang nawala wala man lang tayong nagawa." Ani ni Shan. 

Tama. Tama si Shan. Oo, wala nga talaga kaming natulungan sa dalawa naming kaibigan. Do it means parang wala na rin kaming kwentang kaibigan? Kung sana alam namin yung mangyayari edi makakatulong pa kami.

"Kaya nga habang dalawa pa lang ang nawawala ay sana maging handa tayong mga natira, Dahil sa isang pagkakamali lang ay maaaring mamatay tayo." Ani ni Zayn.

Isa rin sa Tama. 'Yun ang dapat naming isipin. Ang maging handa sa bawat oras. Dahil nga kapag may mali kaming nagawang kilos ay baka may mangyari nanaman. Tama si Zayn.

Sumang-ayon lang naman doon si Kelly.

Ibinasag ko na ang katahimikan ko.
"Alam niyo naman ata ang usapan nating lahat 'diba? Hindi pwedeng maghiwa-hiwalay. 'yun lang guys. Pero hindi niyo naman nasunod kaya nawala ang dalawa nating kaibigan." Ani ko.

Ang magkakasama. 'Yun at 'yun lang din naman ang isa sa mga nagawa naming mali. Dahil napatay ang dalawa naming kaibigan dahil mag-isa lang sila. Buhay pa sana si Collen kung nagsabi siya na mag C-CR siya. Kahit isa lang isama niya sa loob basta babae. Wala namang malisya doon. Pero wala e. Hindo ko naman kayang ibalik ang mga nangyari.

"Bakit ba kasi gan'to ang nagyayari? Ano ba ang dahilan niya para patayin tayo? Wala naman tayong nagawang masama 'diba?" Ani ni Vane.

Sa tanong na 'yun ni Vane ay halos marami ng bumagabag sa aking isipan.
Ano nga ba? Bakit nga ba siya pumapatay? Sino ba siya? Ano ba ang nagawa naming kasalanan sa kan'ya? Kung meron man ano?

"Oo, Wala tayong nagawang masama pero sa tingin ko ay may galit siya sa 'ting lahat. Yung tipong naghihiganti siya. Ngunit bakit sa 'tin?" Ani ni Steve."

Naghihiganti. Oo. Tama nga si Steve may point na pwedeng siya'y naghihiganti. Ngunit bakit? Ano ang dahilan?

"Oo nga, Tama ka, Steve. Naghihiganti siya sa 'tin. We need to know the past of this house." Ani ko.

Naghihiganti > Kasalanan > Nakaraan.
As a detective wannabe pero may pagka-detective din ako. 'Yun ang mga pumasok sa aking isipan. At ang kailangan naming gawin ay ang malaman ang nakaraan ng bahay na ito. At kung ano ba ang nangyari.

"What? Past?" Pagtataka ni Shan.

"Yes, the past of this house. Ang nakaraan nito dahil doon natin maaaring malaman ang mga nangyari dito noon. At kung bakit may killer dito." Seryosong sabi ko.

Kapag nalaman namin ang killer at ang past nitong bahay madali naming malaman ang mga nangyayari at kung bakit.

"But.. how?" Nakataas kilay na sambit ni Zayn.

"I don't know where we can find it. But... may kilala akong maaaring nakakaalam ng past dito." Nakahawak sa babang sambit ni Dave.

Nabasa ko ang nasa isip ni Dave dahil nga isa akong detective.

"Mang Feliciano." Ani ni ko habang nakatingin kay Dave.

At tama nga ako, Si Mang Feliciano nga ang tinutukoy ni Dave.

"Hindi ba't nasa kabilang baryo lang siya? Ano kaya kung puntahan mo, Dave?" Ani ni Steve.

Pwede rin. Ngunit hindi pwedeng mag-isa lang si Dave dahil baka mamaya may mangyari na naman, Pinagpasyahan ko'ng sumama upang malaman ang totoo.

Sinabi ko naman sa kanila na sasama ako at agad naman silang sumang-ayon dahil alam nila na pwede akong makatulong.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras kaya agad-agad na kami ni Dave na tumayo at umalis sa bahay upang puntahan si Mang Feli at matanong namib kung sakaling may alam nga siya.

Medyo may kalayuan din ang kabilang baryo at sobrang init din ngunit tiniis namin ito dahil para din naman sa 'min ito.

Nagulat nalang ako ng bigla ng hawakan ni Dave ang braso ko ar hinila ako sa tabi niya at sinabi sa akin na dito na daw ang bahay nila Mang Feli sumobra kasi ako kaya hinila niya agad ako. Aba, Malay ko ba? Pero dedma nalang ako at inumpisahan nang kumatok ni Dave.

Sa unang katok ay hindi bumukas ang pinto. Inulit ulit ito ni Dave at medyo nilakasan upang marinig ng tao sa loob.

Sa wakas ay bumukas ka rin ang pinto. Inaaasahan naman naming si Mang Feli ang bubungad sa 'min ngunit hindi. Dahil isang babae ang bumukas ng pinto.

"Ah—eh ano po ang k–kailangan niyo?" Ani ni Babae na hindi gaanong katangkaran at medyo mataba.

"Uhm.. Gusto lang ho namin makipag-usap kay Mang Feliciano." Ani ni Dave.

Tinignan ako ng babae mula paa hanggang mukha bago siya sumagot muli.

"A—ah gano'n ba? P–pasensiya na Kuya, W–wala kasi ang lolo mo Um–umalis kaninang madaling araw pa." Ani ni Babae.

"Huh? Gano'n po ba? Sige po pasens'ya na sa abala. Babalik naman ho kami sa susunod. Salamat po." Pag-uumanhin ni Dave.

Pagkatapos naman ni Dave magsalita ay nginitian muna siya ng Babae at tuluyan ng sinara ang pinto. Hindi ko alam kung toto ba'ng ngiti 'yun or plastic smile lang? Nagsimula na rin kaming umalis at naglakad pabalik ng bahay. Akala ko naman ay may kaunting impormasyon kaming makukuha ngunit wala pala! Ang malas naman nakakainis!

"Dave, sino 'yun?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Isa sa mga anak ni Mang Feliciano na nakakatanda sa akin. Ang iba kasi ay nasa Maynila na upang magtrabaho at mag-aral." Aniya.

"May problema ba siya? Para kasing mayroon do you notice the way she talk?" Ani ko.

"Oo nga e. Parang may problema siya." Aniya.

"Sayang naman. Kahit kaunting impormasyon ay wala tayong nakuha." Ani ko.

"Oo nga e, Si Mang Feliciano pa naman ang may alam ng lahat-lahat diyan sa bahay." Aniya.

"I notice. Sa lahat ng bahay dito yung sa inyo lang ang malaki at parang maayos tignan ngunit parang may kakaiba." Ani ko.

"Yes. Ewan ko nga e. Ang akala ko simple lang ang magiging bahay namin dito ngunit hindi pala parang nasa Maynila lang din ako." Pagkamot ulo niyang sabi.

"Bilisan nalang natin maglakad dahil sobrang init." Ani ko.

"Oo nga, Baka mamaya ay mahimatay pa tayo." Aniya.

Sa ilang minutong paglalakad ay nakabalik na ulit kami sa bahay. Nakita ko naman na bigla silang tumayo na mukhang excited malaman ang katotohanan ngunit wala pala kaming nakuhang impormasyon.

A/N: Chapter 35 will be Adelaide's Point of View parin so it means magkasunod lang. Stay Tuned mga nonat!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon