Dave's Point of View
Buti nalang kahit pa'no ay nakaidlip na rin ako, Nakakapagod lang kasi talaga magdrive ng limang oras Hayss! Nakaluto na kaya si Kelly? Kasi kumukulo na yung tiyan ko sa sobrang gutom kanina pa din ako hindi kumakain tignan ko nalang sa baba baka nakaluto na siya.
Hagdan palang amoy na amoy mo na ang tila napakasarap na ulam at di ako nagkakamali ito'y adobo, Amoy palang nakakagutom na hayss baka makasampung kanin ako nito mamaya dahil nga gutom hayss..
Pagkababa 'ko mga iba ay naglilibot parin ngunit ang mga iba naman ay nagcecellphone at nanonood ng TV siguro tapos na silang maglibot dito sa loob dahil nakaupo nalang sila, Pagkarating ko ng kusina nakita ko agad si Kelly at Belle na naghahanda na ng mga pinggan para makakain na kami.
"Mukhang masarap yang luto mo Kelly ah." Ani ko habang naghihilamos.
"Syempre naman basta kapag si Kells yung nagluto masarap yan." Ani ni Belle habang naglalagay ng placemat.
"Syempre naman! Kailangan laging masarap kapag magluluto." Sambit ni Kelly na naglalagay ng adobo sa malaking pinggan.
"Belle tawagin mo na silang lahat para kumain." Sambit ko.
"Wow grabe makautos ah? petmalu Dave charot!" Aniya habang papuntang sala.
"Nakaidlip ka ba ng maayos?" Ani ni Kelly.
"Oo naman." Tugon ko.
Naunang pumunta si Lei sa kusina at biglang umupo, hays gutom na din ata 'to. Sumunod na rin silang lahat kaya kompleto na kami dito.
"Tara! Kainan na!" Masiglang sambit ni Lei.
Kukuha na sana si Lei ngunit hinarangan ito ni Belle.
"Lei ano ba! Pwede bang magdasal muna tayo bakit kumain?" Aniya habang nakataas ang kilay kay Lei.
"Ah-eh Sige, Sorry Belle." Ani ni Lei ngunit nakangiti parin.
And the name of the father and to the son and to the holy spirit Amen.
Sabay-sabay kaming nag Sign of the cross.
"Bless us o Lord, And these thy gifts which we are receive from thy bounty true crist our lord, Amen." Aniya at nag sign of the cross.
"Oh ayan! Pwede ka ng kumuha ng kanin!" Sambit ko habang humahalakhak.
"Talaga! Kanina pa ako gutom e! Si Kelly kasi ang bagal magluto! pa'no kung nasa restaurant ka edi maiinip yung mga costumer hayss." Ani ni Lei habang naglalagay ng kanina at ulam sa pinggan niya.
"Kung marunong silang maghintay hindi naman yan maiinip e! Pero 'pag nagreklamo sila, Sila yung palulutuin ko ng sarili nilang order!" Ani ni Kelly habang nakangisi.
"Pwede naman atang tumahimik kayo habang kumakain?" Ani ni Steve.
"Agree." Sambit ni James.
"Collen bakit ang tahimik mo today? May problema ba girl?" Ani ni Shandeia.
"P-Pagod L-lang ako Shan." Pautal-utal na mahinahong tugon ni Collen.
"Baka naman kasi tumahimik ka dahil sa nangyari kanina." Ani ni Vanessa.
"Harutan pa more!" Sambit naman ni Adelaide.
"H-Huh? Bakit anong nangyari kanina?" Ani ko.
"Mahabang storya Dave." Tugon ni Zayn.
"Pwede niyo bang sabihin sa'kin ngayon? Collen anong nangyari kanina?" Ani ko habang nakatingin sa kanila.
"W-Wala yun Dave." Nakayukong sambit ni Collen.
"Damn! Ano nga eh?!" Medyo pasigaw kong sambit.
"Naghaharutan sila ni James tapos muntikan ng mahulog si James sa basement buti nalang nahawakan agad ni Lei si James! Ano okay kana?!" Sambit ni Adelaide sabay irap sa'kin.
"Tapos biglang dumating si Mang Feliciano tapos yung mga binili niya nilagay na nila Kelly sa ref." Ani ni Vanessa.
"Nasaan na si Mang Feliciano?" Ani ko.
"Ang sabi niya lang dun daw muna siya sa kabilang baryo kasi may bahay siya doon tutal nandito naman daw tayo kaya tayo na bahala sa bahay, Bibisi-bisitahin nya nalang daw tayo." Ani ni Kelly.
"Ah ganun ba, Okay." Sambit ko naman.
A/N: Uso kasi magpray before kumain be like otorrr maka-diyos si aqoueh charot HAHAHAHAHA nyamnyu guysssss HAHA
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...