Chapter 33

754 40 0
                                    

             
                 Marlo's Point of View

At dahil nakare-cover na kahit papa'no si Lei ay napag-desisyunan naming magsama nalang sila sa silid nila James at ang yumaong na kaibigan naming si Collen.

Ngayon ay wala na si Collen kaya si Lei nalang ang paalit kay Collen upang may kasama si James sa silid.

Grabe din. Ang lungkot-lungkot ko ngayon siguro pati na rin silang lahat. Paano ba naman kasi 2 na ang nawala sa 'min.

Una si Belle. Sumunod si Collen. Kaya lahat kami ay kinakabahan sa susunod na mangyayari... Dahil hindi namin alam kung sino ang susunod sa 'ming lahat. Hindi rin namin kontrolado ang killer at ang tanging magagawa nalang namin ay magdasal at mahigit sa lahat ay ang mag-ingat sa bawat pagkilos namin.

Hindi pwede ang mag-isa lang umalis at pumunta kung saan-saan sa bawat sulok ng bahay na ito dahil baka sa isang pagkakamali lang ay biglang may mabawasan na naman sa 'min.

Nandito kaming lahat sa salas na nakaupo at nakatulala lang. Dahil hindi namin alam ang susunod na mangyayari. Si James at Lei naman ay nando'n pa rin sa Silid at nagpapahinga kaya pinabayaan nalang muna namin silang dalawa.

"A–ayaw ko na g–guys hindi ko na kaya d-dito bakit ba isa-isa na tayong nauubos? ni sa dalawang nawala wala man lang tayong nagawa." Ani ni Shan.

"Wala talaga tayong magagawa dahil hindi natin alam kung sino ang susunod isa pa hindi natin kontrolado ang killer kung ano ang gagawin niya. Sa tingin ko ay malakas siya." Seryosong sabi ni Ade. 

"Kaya nga habang dalawa pa lang ang nawawala ay sana maging handa tayong mga natira, Dahil sa isang pagkakamali lang ay maaaring mamatay tayo." Ani ni Zayn.

"Oo nga, Kaya kailangan ay mag-ingat na tayo." Ani ni Kelly.

"Alam niyo naman ata ang usapan nating lahat 'diba? Hindi pwedeng maghiwa-hiwalay. 'yun lang guys. Pero hindi niyo naman nasunod kaya nawala ang dalawa nating kaibigan." Ani ni Ade.

"Bakit ba kasi gan'to ang nagyayari? Ano ba ang dahilan niya para patayin tayo? Wala naman tayong nagawang masama 'diba?" Ani ni Vane.

"Oo, Wala tayong nagawang masama pero sa tingin ko ay may galit siya sa 'ting lahat. Yung tipong naghihiganti siya. Ngunit bakit sa 'tin?" Ani ni Steve.

"Oo nga, Tama ka, Steve. Naghihiganti siya sa 'tin. We need to know the past of this house." Ani ni Adelaide.

"What? Past?" Pagtataka ni Shan.

"Yes, the past of this house. Ang nakaraan nito dahil doon natin maaaring malaman ang mga nangyari dito noon. At kung bakit may killer dito." Seryosong sabi ni Adelaide.

"But.. how?" Nakataas kilay na sambit ni Zayn.

"I don't know where we can find it. But... may kilala akong maaaring nakakaalam ng past dito." Nakahawak sa babang sambit ni Dave.

"Mang Feliciano." Ani ni Adelaide habang nakatingin kay Dave.

"Correct, Ade." Ani ni Dave.

"Hindi ba't nasa kabilang baryo lang siya? Ano kaya kung puntahan mo, Dave?" Ani ni Steve.

"Sasama ako, Dave." Ani ni Ade.

"Ngayon na ba?" Ani ni Zayn.

"Guys mag-iingat kayo. Hihintayin nalang namin kayo dito." Ani ni Kelly.

"We will, Kelly." Ani ni Dave.

"Ingat kayo guys ah. Pagdating niyo kakain na tayo dahil luto na daw ang ulam." Sambit ko.

"Okay." Ani ni Ade at Dave at tuluyan ng lumabas ng bahay upang pumuntang kabilang baryo.

Nag usap-usap nalang ulit kaming mga natira upang maging handa din.

"Paano kaya kung alam talaga ni Mang Feliciano ang past nitong bahay? Dahil siya naman ang tumira dito no'ng wala sila Dave." Ani ni Steve.

"Sa tingin ko alam niya, Marlo." Sambit ni Shan.

"Of course, Ilang taon siyang tumira dito 'diba? Simula no'ng bata pa si Dave kaya for sure 100% alam niya ang nangyari." Ani ni Vane.

"Kung gano'n bakit ayaw niyang sabihin sa 'tin? Bakit nananahimik lang siya?" Ani ni Zayn.

"May rason kung bakit gano'n siya." Ani ko.

"Did you guys notice? Ang weird niya 'diba? Simula pa noong una nating pumunta dito?" Ani ni Shan.

"Ayaw niya'ng nakikipag eye contact sa mga tao, 'Yun ang aking napansin sa kan'ya and yep. Ang weird niya nga." Ani ni Zayn.

"Ano'ng gagawin natin? Hihintayin nalang ba natin silang dumating?" Ani ni Shan.

"Siguro nga." Ani ni Vane.

"Malalaman din natin ang past nito." Ani ko.

"Oo naman, Marlo. Malalaman din natin yan!" Ani ni Kelly.

Sabay-sabay kaming napatingin at napatayo ng marinig naming bumukas ang pinto, Dahil siguro sila Ade at Dave na ito. At tama nga ang aming iniisip sila nga ito. Naglakad na sila papuntang salas kaya umupo na ulit kami.

"Ano guys? May nalaman ba kayo? Nasaan si Mang Feliciano?" Ani ko.

"W–wala." Hinihingal na sambit ni Ade.

"Wala. Wala kaming nakuhang kahit isang katutak na impormasyon." Ani ni Dave.

"Eh? Paanong wala?" Sambit ni Kelly.

"Pumunta kami doon sa kabilang baryo at pumunta sa bahay nila Mang Feliciano kung saan ay naroroon siya. Ngunit wala kaming nakitang mukha ni Mang Feliciano." Ani ni Dave.

"Ano'ng ibig sabihin mo?" Ani ni Zayn.

"Pumunta kami doon sa bahay nila Mang Feliciano. Ilang katok na rin ang nagawa namin bago ito mabuksan ngunit isang babae ang sumalubong sa 'min. Sinabi niyang wala doon si Mang Feliciano." Ani ni Ade.

"Huh? paano na yan?" Ani ni Shan.

"Mukhang mahihirapan tayong malaman ang past nito ah?" Ani ni Vane.

"Ngunit sa tingin ko'y nandoon talaga sa loob si Mang Feliciano. Dahil base sa aking obserbas'yon ay nangsisinungaling siya dahil in-obserbahan ko ang bawat pagkilos at pagsasalita niya." Seryosong sambit ni Ade.

"Ang talino mo talaga, Ade. 'no?" Ani ni Kelly.

"Napansin ko rin 'yun, Ade. Dahil pautal-utal siyang nagsasalita kaya ay halatang nagsisinungaling siya." Ani ni Dave..

"Kung gano'n— bakit ayaw niya kayong makausap? Toto nga ba na may tinatago siyang sikreto?" Ani ko.

"Meron." Ani ni Ade.

"I think he really knew the past." Ani ni Zayn.

"Bakit ayaw niya'ng magpakita sa inyo? 'Yun lang ang tanging tanong na bumabagabag sa 'kin." Ani ni Vane.

"We don't even know." Ani ni Kelly.

"Well, Walang makakatulong sa 'tin kung hindi ay tayo-tayo lang din. Kailangan nating magtulungan upang malaman agad habang wala pang biktima na susunod." Ani ko. 

"Tama." Pagsasang-ayon sa 'kin ni Dave.

"Guys lalamig na ang niluto kong ulam. Kumain na muna tayo, Wala kasi tayong kain kahapon." Ani ni Kelly.

"Ah— gano'n ba, Sige. Tara na para may lakas tayo." Ani ni Vane.

Sabay-sabay na kaming tumayo at pumuntang kusina upang kumain na dahil nga simula kahapon ay wala pa kaming kain.

A/N: Malalaman na kaya nila kung sino siya? Well. Stay tuned mga nowwnaats HAHAHA de jk. Ginawa ko pa 'tong Chapter 33 sa school kaya medyo mahirap kasi may mga sumisilip habang nagsusulat ako kaya nakaka-destruct pero hinayaan ko nalang sila. Ang mahalaga ay may nagawa akong isang chapter ngayon. Mamaya naman yung isa. Maraming salamat sa lahat. Rank #100 na tayo mga nonat Waaahh! iyak na ako. joke. Salamat talaga! Lovelooootsssss harrrt harrt! Mwah!

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon