Chapter 85

574 31 17
                                    

Marlo's Point of View

Nabo-boring daw si Vanessa dito kasi hindi niya naman kami matulungan ni Adelaide sa pag-iisip ng panibagong way ng pade-decipher nito.

So nagpa-alam siyang aakyat daw muna para tulungan sila James at Zayn sa kanilang ginagawa na kung saan ay naisip ni Zayn.

Um-oo na lang ako kasi parang naganda naman ata ang kakalabasan ng planong gustong gawin ni Zayn kaya pinabayaan na lang namin since proud naman siya doon.

Kaya naiwan kami dito ni Adelaide sa baba habang nag-iisip kung paano muli namin ito made-decipher.

Nakaka-panginayang naman kasi, Kasi mali 'yung unang ginawa namin, We used Periodic Table of Elements which is one of the best way to decipher.

Pero mali kami, Hindi man lang kami naka-kuha ng kahit isang word, Paano ba naman kasi ni hindi maintindihan ang ginawa namin kaya tinapon ko na lang 'yung papel, Umaasa kasi akong made-decipher na 'yun tapos hindi pa pala, Hays pinapahirapan talaga kami dito.

Kami na lang ang natira dito sa baba ni Adelaide kasi kami lang naman daw ang matalino at nakaka-alam ng mga ganito, To be honest hindi naman talaga ako as in matalino, Sa lahat sa amin si Adelaide lang naman 'yung mala Albert Einstein ang utak.

Ayaw ko naman kasi ma-offend sa akin si Daddy kasi pinapa-aral niya ako, Siya ang nagbabayad sa mga gastusin plus 'yung baon pa everyday kaya 'wala akong nagawa kundi ang mag-focus na lang sa pag-aaral.

Tapos lagi kaming habulan ni Adelaide sa top pero hindi ko talaga siya kaya, Iba kasi ang level ng babaeng ito. By the way, Section 1 kami so it means, Kami ang matalino kuno sa lahat ng section pero sa tingin ko hindi naman, Siguro nga naligaw lang ako dito e, Or baka namali ng paglagay pero okay naman kasi nakakasabay naman ako kahit papa'no.

Lahat naman kasi sila matatalino ako lang ata 'yung ugok dito, Pero may itsura naman. Pero sabi nga nila, Matalino na raw ako g'wapo pa. Oh? sa'n ka pa?

"Ano, Marls? May naisip ka ba na panibagong plano dito?" Tanong ni Adelaide dahilan upang matauhan ako.

Napa-hilamos na lang ako sa aking mukha. "Sorry, Ade. 'Wala akong maisip na panibagong way kung paano ito made-decipher e."

"Well shit, Same tayo. 'wala na rin akong maisip kung paano ba natin ulit ito maka-crack."

"Ikaw? 'walang maisip? Aysus maniwala? Eh ikaw ang pinaka-matalino dito sa ating lahat ah? Hay nako, Ade! Baka naman pagod ka lang, Imposibleng 'wala ka ng maisip."

"Hindi naman porket ako ang palaging nangunguna eh alam ko na ang lahat. Alam mo, Marls... Oo, Aaminin ko na matalino ako pero s'yempre hindi naman ako perpekto 'diba? Hindi naman sa lahat ng oras eh alam ko ang ganito-gan'yan. Minsan napapagod rin utak ko, Minsan 'wala na akong maisip sa sobrang stressed kaya s'yempre hindi sa lahat ng oras gumagana utak natin, Napapagod rin ito 'no." Seryoso niyang sambit habang naka-tingin sa papel na kung saan ay may naka-sulat na numbers na hindi namin ma-decipher.

"Kaya nga... Pero imposible naman na 'walang maisip ang isang Adelaide Hathway 'diba? Eh alam mo namang ikaw lang ang inaasahan dito, I mean.. Ikaw ang sinusunod namin kasi alam naming pinag-iisipan mo ng mabuti ang bawat sinasabi mo, Kaya nga proud ako sa'yo e, Kahit minsan tahimik lang ako habang nakikinig sa mga naiisip mo pero proud ako kasi ang bilis mag-sink sa utak mo 'yung mga gagawin natin."

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon