Chapter 66

596 40 5
                                    

Shan's Point of View

Nang-mag umaga na ay agad na akong bumangon sa aking higaan dahil ang init-init na dahil sa sikat ng araw na dumadapo sa aking balat.

Ginising ko na rin si Marlo dahil hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya.

"Hoy Marlo! Ano wala kang balak magising? Ano'ng oras na oh! Tara baba na tayo." Ani ko.

"Ehh! Ano ba yan! Mamaya-maya na lang onti naaantok pa ako e."

"Ano ba naman yan! 9 na kaya!"

"Please Shan, give me 5 more minutes, please. If you want to go, then go."

"5 minutes ha?! Baka mamaya abutin ng alas dose 'yang 5 minutes na 'yan! Dami mong keme keme diyan! O siya mauuna na talaga ako sa baba bubuksan ko na lang 'tong pinto."

At ayun wala na akong na-tanggap pang responce galing sa kan'ya kaya agad na akong umalis sa silid at iniwang bukas lamang ang pinto.

Sa kabilang silid naman kung saan ay magkasama sila Vanessa at Kelly ay nakabukas rin ito at nakita kong natutulog pa si Kelly.

Sa silid naman ni Ade wala ng tao ngunit nakabukas lang rin ang pintuan.

Agad na akong bumaba upang makapag-hilamos na rin at para maka-kain na rin ng almusal.

"Hi! Good morning!" Pamungad sa akin ni Vane.

"Good morning rin, Vane!" Ani ko ng may ngiti sa labi.

"Good morning, Ade!" Bati ko sa kan'ya habang abala siya sa pagluluto ng pancake.

"Good morning, Shan!" Aniya.

Agad na akong pumunta sa lababo ng maka-hilamos at maka-toothbrush na rin.

"Hindi pa ba sila gising? Ano'ng petsa na ah!" Ani Vane.

"Gisingin mo nga, Vane para maka-kain na tayo." Ani Ade.

"Sige po ma'am Adelaide." Aniya.

Napatawa na lang ako sa sinambit na salita ni Vane dahil tinawag niyang 'ma'am' si Ade. Hahahaha!

"Sige aakyat na ako." Ani Vane.

"Sandali lang! Tapos na rin ata 'yung 5 minutes 'no?" Pagtatanong ko.

"Eh? 5 minutes?" Naka-taas kilay na sambit ni Ade.

"Sabi kasi ni Marlo 5 more minutes daw tapos bababa na siya."

"Well, Para mas sure tawagin mo na lang silang lahat doon, Vane." Ani Ade.

"Sige!" Aniya.

Umalis na si Vane upang matawag ang mga kaibigan namin doon sa silid na tulog pa rin hanggang ngayon.

"Sinipag ata ang Adelaide namin ngayon?" Pagbibiro ko.

"Ano ba, Shan! Minsan na nga lang ako makapag-luto e! Ang hey! Easy lang lutuin nitong pancake im sure all people in this world can make this."

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon