A/N: Okay, So since ni-request niyo sa akin na lagyan ng Special Chapter, ito na po iyon. Hindi ko na masyadong hahabaan kasi siningit ko lang talaga ito. Salamat!
Anna's Point of View
"Dalian mo na kasi, Hooy! Anna!" Sigaw ni Allen kaya agad akong pumunta kung saan nandoon sila Tatay Feliciano, Dave, Si tita at tito kung saan ay pamilya ni Dave na Brain's Family.
Nandito kami ngayon sa harap ng Brain's Family kung saan ay kagagawa lang, Sabi kasi nila ay kumuha kami ng litrato upang remembrance raw.
M
agkakatabi ang Pamilyang Brain samantalang kami ni Tatay Feliciano at Ate Rosseta ay nandito banda sa gilid ngunit kasama pa rin kami sa litrato.
Nandito pa lang ako sa likuran ni Tatay Feliciano at agad na sumigaw si Allen habang nasa malayo at may hawak na sinaunang camera.
"Isa! Dalawa! Tatlo!" Aniya kaya agad akong napahawak sa balikat ni Tatay Feliciano at napangiti ng 'wala sa oras, Hindi pa nga ako handa agad naman niyang kinuhanan ng litrato, nako naman.
"Kay ganda naman ang kuhang ito," Ani Allen habang tinitignan ang litratong hawak-hawak niya habang papunta dito sa amin.
"Ngunit bakit hindi ka dito gaanong kita, Anna?" Dagdag niya.
"Paano ba namang hindi ako makikita kung hindi pa nga ako handa, Kinuhanan mo agad ng litrato." Naiinis kong tugon, ngunit nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay.
"Kahit na hindi ka kita dito, Maganda ka pa rin naman sa aking paningin."
Napangiti na lamang ako sa sinambit niya at hinawakan ang pisngi niyang malambot.
"Nambola ka pa talaga, Pero salamat." Tugon ko.
"Nako, kayong dalawa talaga. Kahit dalawang apo lang ako'y kuntento na." Pagbibiro ni tatay kaya agad akong nakalikwas at medyo nahiya dahil sa kagagawan namin ni Allen, ngunit siya ay nakangiti lamang.
"Oo naman po!" Aniya sabay tawa kaya nagsitawanan sila samantalang ako ay halos hindi makatingin ng maayos sa kanila dahil namumula ang pisngi ko at nahihiya, Kahit kailan talaga, Allen.
"Oh siya, Pumasok muna tayo sa loob at tignan kung gaano kaganda itong lugar na 'to." Saad ng nanay ni Dave kaya agad na kaming naglakad patungo sa loob.
Habang naglalakad bigla na lamang akong nagulat ng may humawak sa aking kanang kamay, napatingin ako kung sino ito, At si Allen lang pala. Ayun nakangiti na naman.
Napailing na lang ako kasabay ng pag ngiti, Malay ko ba, Hindi ko lubos alam kung bakit napasensitibo ng mga lalaki sa kanilang nobya.
Nang kami'y makarating dito sa loob agad akong napangiti sa aking ganda at luwag ng bahay na ito. Sobrang ganda at aliwalas na tila ayaw mo ng umalis dahil sa mala langit na ganda.
"Halikayo at maglibot kung saan niyo gusto, Malaki at maluwag dito kung kaya't sigurado akong kayo'y lubos na magiging masaya rito." Panimula ni Tatay kaya ako'y nagsimulang maglibot dito sa maluwag at magandang bahay na ito.
Pinili ko ang lumabas at pumunta sa mga magagandang bulaklak na kung saan ay dito sa gardenya ni Tatay.
Sobrang gaganda at lulusog ng nga halamang makikita mo rito, Halata na ito'y alagang-alaga kung kaya't ang ganda ng bunga nito.
"Gusto mo ba iyan kuhanan ng litrato?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Allen sa aking likod.
Tumango ako habang nakatingin pa rin sa mga magagandang bulaklak, "Oo, gusto ko itong kuhanan ng litrato dahil sa aking ganda nito."
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Dead Girl
Mystery / ThrillerC O M P L E T E D Gusto mo ba malaman ang sikreto sa kabila ng isang abandonadong bahay na inayos at inaalagaan lang upang may tumira muli? Ngunit mayroon ditong hindi nila inaasahan. Nais mo bang malaman? Sa tingin ko kailangan mo nang malaman ang...