Chapter 25

1.2K 41 0
                                    

Lei's Point of View

Bigla akong tumakbo sa taas dahil sumigaw sila Steve at Marlo ng pangalan ni Belle. Pumunta agad ako sa silid namin at nakita si Belle na wala nang halos hininga, Hindi ako naniniwala. Hindi. panaginip lang ito. Hindi pa patay si Belle.

Ginising ko si Belle ginawa ko na lahat ng magagawa ko upang magising ngunit hindi talaga siya magising.

Ang sakit. Oo, patay na ang pinakamamahal ko. Wala na si Belle. Humagulgol nalang ang tangi kong nagawa. Wala akong pake kung mukha akong tanga ditong umiiyak na akala mo kung bata. Wala e. Namatay na si Belle. Bakit gano'n? Ang unfair. Bakit siya namatay? Pinatay ang walang kaganti-ganting babae. Kung titignan nakakaawa si Belle dahil sa bait niyang yan may papatay sa kaniya? Hindi pwede.

Halos lahat kami ay napahagulgol nalang sa aming natagpuang walang buhay na si Belle. Sobrang sakit. Parang guguho na mundo ko ng makita kong gano'n si Belle. Ang sakit. Parang nawalan na rin ako ng Mundo. Wala na siya. Sa tingin ko kailangan ko nalang iyong tanggapin hanggang sa maging okay na ako.

Gusto ko munang magpahinga kaya pinapunta nila ako sa silid nila Marlo at Shan dahil doon ang sabi ni Adelaide dahil nga presko daw doon. Kami nalang ni Marlo ang magkasama puro hagulgol ko pa rin ang maririnig doon, Hindi ko lang talaga kasi kaya. Parang kahapon ang saya-saya pa namin tapos ngayon nawala na lang agad siya. Ang lala ng nangyayari ngayon.

Gusto ko na ring magpakamatay pero nananatili pa rin akong matatag para sa mga kaibigan at kaklase ko, Baka kasi mamaya kung gawin ko yun sila naman ang humagulgol kaya magiging matatag nalang muna ako para din naman 'to kay Belle.

Ilang minuto ang lumipas dumating na ang nga iba kong kaklase sa silid nila Marlo, Ang mga iba ay pinipilit akong magpakatatag
kino-comfort pa ako ng mga iba kaya medyo gumaan din pakiramdam ko pero 'di ko pa rin kayang itigil ang aking paghagulgol.

Ilang sandali lang ay dumating na sila Adelaide at Kelly na may dalang pagkain at inilagay sa aking tabi, Sinabihan nila akong kumain na ngunit ayaw ko naman at hindi ko na kayang magsalita.

Sinabihan ako ni Adelaide ng malalalim na salita at agad naman ako doong natamaan. Grabe din kasi 'tong magsalita, pero totoo naman ang kaniyang sinabi.

Sinabi niya na dapat hindi ako magpagutom dahil ayun ang ayaw ni Belle sa 'kin kailangan ko kumain para maging malakas ako at para din naman kay Belle ito kaya kahit ayaw ko ay pinilit ko pa rin kumain. Ang weird lang kasi lahat sila nakatingin sa 'kin habang kumakain siguro nga nag-aalala sila sa 'kin.

"Guys, Wag niyo naman akong titigan ng ganiyan para naman kayong mangangain." Ani ko habang humihikbi-hikbi pa.

"Oh, Sorry Lei. Sige aayusin ko muna yung silid niyo ni Belle." Ani ni Steve.

"Tara, ayusin muna natin." Ani naman ni James.

"Magpakatatag ka Bro, para din kay Belle yan." Ani ni Dave habang nakahawak ang kaniyabg kamay sa aking balikat.

"Nandito lang kami, Lei. nandito lang kaming mga kaibigan mo. Sabihin mo lang kung may gusto ka." Ani ni Zayn.

"Alam mo namang ayaw ni Belle na hindi ka kumakain 'diba? Ubusin mo na yan sayang yung pagluto namin ni Collen." Ani ni Kelly.

"Kaya nga, Nag-effort akong tumulong kaya kainin mo na yan, Lei." Masayang tugon ni Collen.

"Kain kana, Lei." Ani naman ni Shan.

At dahil tama naman ang mga sinabi nila agad naman akong nakinig at kinain na ang binigay nila Ade at Kelly.

Alam kong masaya na si Belle at kasama na niya si God. Ang pino-problema ko naman ngayon ay kung paano ito sasabihin sa mga magulang ni Belle. Baka sa 'kin pa sila magalit, Pinagkatiwalaan nila ako at ayaw ko namang siraan ang tiwala nila. Pero sasabihin ko nalang kung ano'ng nangyari sa kanya.

Hanggang ngayon di pa rin ako okay kahit na nakakain na ako, Parang feeling ko hindi na ako magiging masaya pa sa mundong 'to dahil wala na si Belle.

            Marlo's Point of View

Pinapunta ko na si Lei sa aming silid ni Shan para makapahinga na siya. Grabe din yung pangyayari sa isang iglap nawala na ang aming mabait na kaibigang si Belle.

Halos naiyak din ako no'ng makita ko si Lei na parang mamamatay na rin sa kakaiyak, Hindi ko rin kayang may nakikitang umiiyak sa 'ming magkakaibigan para sa 'kin ang sakit din. Hindi ko man maramdaman ang nararamdaman ni Lei ngunit damang-dama ko naman ito. Ang sakit makita na umiiyak ang si Lei at yakap-yakap si Belle na hindi na humihinga.

Hindi ko alam kung pa'no ulit babangon si Lei sa kabila ng pagkamatay ni Belle. Oo, kung sasabihin matagal pa, pero alam ko namang matapang si Lei at kayang-kaya niya malagpasan ang problemang kinakaharap niya ngayon.

As his friend, I try my best to calm him. Pero wala e. Kahit ano'ng gawin ko ayaw tumigil kahit mag-twerk ako na parang tanga kanina mapasaya lang siya wala e. Hindi ko magawang mapatahan si Lei. Kahit na nagmumukha akong tanga pati na rin yung mga kaibigan ko na pilit yung tawa basta makatawa rin si Lei wala e. Ayaw parin talagang tumigil sa kakaiyak.

Ang sakit tignan na ganun pa rin siya ayaw niyang tumahan pero at least kahit papa'no ay nakakain naman siya kahit kaunti lang dahil sinabi namin na para din yun kay Belle.

Basta everytime na mame-mention mo si Belle agad naman na susunod si Lei. Pa'no kaya kung Lei tumae kana ayaw ni Belle ng hindi ka tumatae. De joke lang. 'Di naman pwede pigilan yun ni Lei. Bakit ba puro ka-shitan sinasabi ko? Hayss.

Sa wakas ay nakatulog na rin si Lei, Buti naman at kahit papa'no ay makakapagpahinga na rin siya. Pero bawal namin siyang iwanan ditong mag-isa baka mamaya kasi may mangyari nanamang masama kaya kailangan may maiwan ditong tao para makapag-hapunan na din kami.

"Guys, kung maghahapunan tayo kailangan may matira ditong isang tao, Bawal naman kasi nating iwanan dito si Lei." Ani ko.

"Yes, right. Kailangan may maiwan dito bawal natin iwanan si Lei, Sino gusto munang manatili dito at samahan si Lei?" Ani ni Ade.

"Ako nalang muna, Dito nalang ako kakain pwede bang hatiran niyo din ako dito? Gusto ko kasi samahan si Lei." Ani ni Steve.

"Wow. pa-espesyal pa." Ani ni Vanessa.

"Eh sabi niyo kasi kailangan may kasama si Lei 'diba? kaya ako nalang." Aniya.

"Osige hahatiran ka nalang din namin basta wag ka lang mag-ingay dito baka magising si Lei." Ani ni Collen.

"Magfa-facebook nalang ako at magpapatugtog para hindi boring." Ani ni Steve.

"Mag-near group ka nalang para hindi ka ma-bored, Joke lang steve." Masayang sambit ni Zayn.

"Good idea, Zayn." Pahalakhak namang sabi ni Steve.

"Hoy Steve! Alam mo namang may natutulog tatawa ka pa diyan ng malakas! Tumahimik ka nga parang tanga e." Ani ni Shan.

"Oo na, sorry naman. gutom na ako guys pwede niyo na ba akong hatiran?" Ani ni Steve.

"Oo na, Bababa na kami." Ani ni Ade.

A/N: Heeeeyyy! HAHAHA thank you po ulit sa patuloy niyong pagbabasa mwah! Labyu nga Nonaaaat! hart hart HAHAHAHA

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon