Chapter 100

1K 26 5
                                    

Marlo's Point of View

Doon sa mga litratong nakita namin, Nakilala namin sila Anna at Allen pati na rin ang history ng bahay na ito dahil sa tulong ng dyaryong nakita ko.

Ang memory card naman na kung saan ay nakita ni Zayn ay gumana rin kaya naman napanood namin kung ano ang nangyari dito, pati na rin ang pagkamatay ni Anna.

Hindi ko alam kung nakilala at nahuli ba ang tatlong lalaki na pumatay sa kaniya o hindi, 'wala na kasing balita pa doon kung kaya't hindi na namin nalaman kung nahuli nga ba ang mga armadong lalaki o hindi.

Pero ngayon ay alam na namin kung ano ang buo at totoong nangyari pero parang hindi pa rin ako matahimik sapagkat parang nag bumabagabag sa akin.

"Iligpit na lang muna natin ito, masyado ng malalim ang gabi." Ani Ade habang nililigpit ang mga litratong nakalagay sa sahig.

"Hindi ba kayo na-creepy-han guys? Kasi naman today is Septmer 8 and the video was been recorded on September 9, So tomorrow is September 9.." Sambit ko habang inaayos ang mga litrato.

"Syempre medyo natakot rin, Kasi sakto ba namang bukas ay September 9 at ayun ang Death Aniversay ni Anna." Ani Zayn habang tila may tinitignan pa rin ang cellphone ni Adelaide.

"Kaya nga e, Sana naman 'walang mangyaring masama bukas." Tugon ko sabay lagay muli sa loob ng kahon ang mga litrato.

"Shut the fuck up! Puro kasi ganiyan ang iniisip niyo e! Imbis na isipin niyo na makaka-alis tayo dito ng buhay ayan pa iniisip ninyo!" Sigaw ni Adelaide kaya hindi na kami nakasabat ni Zayn at napa-pout na lang ako.

Pagkatapos kong maligpit ang ang mga litrato, agad ko na itong nilagay sa loob ng kahon kung saan ito nakalagay na nakita ni Ade.

"Okay na, so we gotta sleep na ba?" Ani ko.

"Alangan namang sumayaw?! Malamang!" Banat ni Ade.

"Meron ka ba ngayon, Ade?" Tanong ni Zayn kaya agad itong hinampas ni Ade at napa-aray naman siya.

"Gago!" Asar na tugon ni Ade.

"Ang alam ko every month lang nagkakaroon 'yung mga girls? Bakit ikaw, Ade parang... araw-araw?" Ani ko, Hahampasin niya na sana ako ngunit agad akong nakailag kaya tinarayan niya na lang ako.

"Ugh! Bahala kayo matutulog na ako!" Aniya sabay labas.

"Uy waaaaiit!" Sigaw naman ni Zayn.

Napatigil naman si Adelaide sa paglalakad.

"Teka! Saan ka matutulog?" Tanong niya.

Napakunot noo naman ako, "Oo nga naman? Saan ka matutulog eh 'wala ka ng kasama sa silid niyo ni Vanessa?"

N

apaharap naman siya kaya agad kong nakita na nakataas kilay siya.

"Hindi ba't tatlo naman ang kama sa silid ninyo?! I don't have choice kundi doon na lang matulog. Kung diyan ako mag-isa sa silid namin ni Vanessa baka bukas umiyak-iyak ako kasi baka 'wala na akong buhay." Tugon niya kaya napakamot ulo na lang ako.

"Grabe naman 'to! Oh siya ano'ng petsa na! Matulog na tayo!" Ani Zayn at tuluyan ng lumabas ng silid este meeting place kaya agad naman akong sumunod sabay sarado.

The Revenge of the Dead Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon